And after all the obstacles it's good to see you now with someone else and it's such a miracle that you and me are still good friends after all that we've been through.
I know we're cool.
-Gwen StefaniKatatapos lang mag-ayos ni Delaney ng mga gamit niya.
Magaan ang loob niya kaninang paggising niya.
Balak niyang lumabas mamaya.
Tinawagan na niya si Cleo at sinabing magkikita silang tatlo nila Donna.
Masaya ito sa kaalamang umuwi na siya.Nagkausap na rin sila ng kuya niya kanina.
Natuwa ito ng makita siya.
Ang mama naman niya ay nakikinig lng kanina sa usapan nila.
Hindi na siya tinanong pa tungkol sa nakaraan at laking pasasalamat naman niya.
Gusto na niyang ibaon sa limot ang mga iyon.
Kung sakali man at magkita sila ni Stephen ipapakita na lng niya na masaya siya kahit hindi.
Ipapakita na lng niya na kunwari naka move on na siya.Wala na siyang makapang sakit ng damdamin para dito.
Hindi na gaya ng dati na kapag naaalala niya si Stephen ay sobrang sakit ang nararamdaman niya.
Ngayon hindi na ganun kasakit.
Unti-unti na niyang natatanggap na hindi na talaga ito babalik pa.Alam niyang masaya na ito sa dati nitong girlfriend.
Masaya na din siya para dito.
May mga bagay lang talaga na kailangang tanggapin para maging masaya ang iba.
May mga tao lng talaga na daraan lng sa iyo para lang matagpuan nila ang daan para sa tunay na destiny nila.
Ikaw lang ang ginamit na instrumento.
Ang naiwan lng sa iyo ay experience at memories.Napangiti si Delaney sa naiisip.
Hindi niya akalain na may mga ganung idea ang utak niya.
Naiaapply din pala niya sa sarili ang mga sinusulat niyang mga linya sa mga nobela niya.------------------------------------------------
"Laney"!
Pagpasok pa lang ni Delaney sa restaurant excited na siyang tinawag ng dalawa.
Kinawayan niya ang mga ito at nakangiti siyang lumapit.
After a year nagkakasama ulit sila.
Niyakap niya ang mga ito bago siya umupo.
Wala pa ring ipinagbago ang dalawa.
Masayahin pa rin."Ano kakainin natin"?
Tanong ni Donna habang binabasa nito ang menu."Kahit ano na lng sa akin".
Sagot ni Delaney."Pasta sa akin"
Singit naman ni Cleo."Kamusta ka na Laney"?
Tanong ni Donna pagkatapos nilang mag-order.Tumingin siya kay Cleo.
Hinihintay din nito ang sagot niya.Ngumiti siya.
"Okey na ako matagal na".
Sagot niya."Ikakasal na pa------
"Donna andyan na yung order natin".
Putol ni Cleo sa sinasabi ni Donna."Sino?"
Curious niyang tanong."Ako ang ikakasal Laney".
"Sinabi ko na sayo nung nagkita tayo di ba?"
Sagot ni Cleo.Nagkibit-balikat na lng siya.
May ayaw sabihin sa kanya si Cleo alam niya.Ngumiti na lng si Donna.
Wala silang imikan habang kumakain."Anong next nating pupuntahan"?
Pagbabasag niya sa katahimikan."Bar hopping tayo"?
Yaya ni Cleo."Sige ba."
"Tagal ko din kayo di nakasama eh."-----------------------------------------------
Napagkakasunduan nilang tatlo na pumasok sa dating bar na pinupuntahan nila noong kolehiyo pa sila.
Napansin niyang wala pa ring ipinagbago ang lugar.
Marami pa ring tao at karamihan ay mga studyante na nakauniform pa.
BINABASA MO ANG
Love is not always a happy ending
RomanceI've always been inlove with the concept of being inlove. I often imagine myself as a princess waiting for her knight in shining armor. I've been waiting for that someone to sweep me off my feet. I'm Delaney and this is my story.