I still believe someday you and me will find ourselves inlove again..
After a long time ngayon lang ako ulit nag-update:-)
Pagdating nila Laney sa likod agad siyang umupo sa tabi ng kapatid niya. Si Princess naman ay tumabi sa boyfriend nito, samantalang si Donna naman ay nasa right side naman niya.
Si Stephen naman ay katabi ng mga barkada nito.
Hindi siya makatingin dito kaya pasimple na lng siyang nakikipagkwentuhan kila Donna.
Biglang napaangat ang tingin ni Delaney nakatingin pala sa kanya si Stephen, ngumiti na lng siya kahit medyo ninenerbyos.
Ngayon lng sila ulit nagkaharap ni Stephen at ngayon lng niya ulit nakita ang pamilya nito.
Alam niyang may girlfriend na si Stephen ngunit umaasa pa rin siya dito.Napatingin siya kay Donna sa biglang pagkalabit nito sa kanya.
Nakangiti ang lahat sa kanya nagtaka si Laney sa inasal ng mga ito."Muling ibalik daw"
natatawang sabi ng kapatid niyang si Lissana.Napatingin si Laney kay Stephen.
"Alam niyo kasi, darating din tayo dyan" seryosong saad nito.
Hindi nakapagsalita si Laney sa sinabi ni Stephen.
Alam niyang kaya sinabi ni Stephen iyon dahil ayaw nitong mapahiya siya.Biglang tumayo si Stephen at siya naman ay ngumiti na lng sa mga kaharap nila.
Nagulat pa si Laney ng biglang may naglagay ng maliliit na ice sa batok niya.
Pagtingin niya sa likod niya ay si Stephen pala.
Dahil sa pagkagulat bigla niyang ibinato kay Stephen ang ice na nakuha niya.
Nakailag naman ito kaya lalong nagkantyawan ang mga kasama nila.Hindi alam ni Laney kung anong mararamdaman sa mga oras na iyon.
Parang bumalik ang lahat ng nakaraan nila ni Stephen.
Nagsimula din kasi ang nakaraan nila sa tuksuhan at asaran.Pero ayaw niyang umasa kay Stephen kahit mahal pa niya ito dahil alam niya na may iba na itong mahal.
Mamahalin na lng niya si Stephen ng palihim.Nakahinga ng maluwag si Laney dahil nawala ang atensyon ng mga barkada nila sa kanila.
Napasarap ang kwentuhan nila kaya hindi nila namalayan ang oras.Pamaya maya pa ay nagyaya ng umuwi si Donna.
Tumayo si Laney, tumayo din si Stephen."Mauna na kami umuwi,happy birthday ulit" nakangiting paalam niya.
Ngumiti din si Stephen.
"Salamat sa pagpunta" sagot naman nito.
Sumunod din na nagpaalam sila Donna, Princess at pati ang kapatid niya.
Nagpaalam na din si Laney sa Mommy ni Stephen.
After nila magpaalam hinatid sila ni Stephen sa labas at pumara ng masasakyan.Nang makasakay na sila ay sinundan ni Laney ng tingin si Stephen.
Hanggang tingin na lng siya dito.
Alam niya at ramdam niya na wala na siyang puwang sa puso nito.
Pero nagpapasalamat pa din siya dahil tinanggap pa din siya sa bahay ng mga ito.
BINABASA MO ANG
Love is not always a happy ending
RomanceI've always been inlove with the concept of being inlove. I often imagine myself as a princess waiting for her knight in shining armor. I've been waiting for that someone to sweep me off my feet. I'm Delaney and this is my story.