Chapter 12

32 4 0
                                    

Never look back we said..
How was i to know
I 'd miss you so..








Mag-isa ni Delaney nang araw na iyon.
Sila mona ay nagpunta kila cleo dahil binyag ng pamangkin nito.
Hindi na pumasok ang mga ito sa klase.

Samantalang sya ay mag-isang naghihintay ng klase.
Niyaya sya ng mga ito ngunit hindi sya sumama.

Habang naghihintay sya tumambay sya sa canteen malapit sa college nila.

Bumili sya ng merienda nang biglang dumating sila stephen.

"Andito ka pala Laney ha, hindi ka man lng magyaya" si Jeam na kunwari nagtatampo.

"Kaya nga. Nagtatago yata baka may humingi" sabad naman ni kuya zelle.

Napalabi sya.

Umiiwas na nga sya nasusundan pa rin sya ng mga ito.

Tumabi ang mga ito sa kanya.
Kinuha ni Jeam ang kinakain nya at kinain nito.

"Akin na to Laney" ang hinayupak nagpaalam pa nakain na nga nito.

Binantayan sya ng mga ito hanggang matapos sya.

Pagtayo nya, tumayo din ang maga ito.
Papasok na sana sya sa klase nya ngunit hinila sya ni Jeam.

Napatingin sya sa mga ito.

Nagtataka..

"Bakit" alanganing tanong niya.

"Sama ka sa bahay nila Stephen" yaya nito.

Tiningnan nya si Stephen.

Nakatingin din ito da kanya.

"Anong gagawin natin sa bahay nila"? Aniya..

"Ipapasyal ka namin"
Sagot ni Kuya zelle.

Tumanggi sya.

Kinakabahan sya.

Mas matanda ang mga ito sa kanya.
Si Stephen mas nauna ito sa kanya ng apat na taon.

Baka pinagtritripan sya ng mga ito.

Aalis na sana sya pero pinigilan sya ni Jeam.

"Ganyan ka lng Laney ha"

"Bakit ba kasi?" sabi nya.

"Ipapasyal ka lng naman namin kila stephen" sagot ni Jeam.

"May klase pa ako".

"Sus isang absent lng Laney"
Pagpipilit ni Jeam.

Hinila sya nito papunta sa sasakyan ni Stephen.

Wala syang nagawa ng paandarin ni Stephen ang sasakyan.

First time nyang magpunta kila stephen.
At kinakabahan sya.

Mag-isa nyang babae.
Kahit pa tomboy ang tingin sa kanya ni stephen.

Ano na lng ang sasabihin ng mga magulang nito?

"Ang dami namang pasikot-sikot" aniya. Napansin nyang hindi sya pamilyar sa dinaraanan nila.

Nagtawanan ang mga ito.
Kinabahan na talaga sya.

Sa inis pinalo nya si Stephen ng pamaypay na hawak nya.

"Ihatid mo na ako sa sakayan namin" galit nyang sabi.

"Aray ko Laney, sumosobra ka na" babala nito.

"Sige ka Laney hahalikan ka na ni Stephen" pananakot ni Jeam.

Nanlaki ang mga mata nya sa narinig.

Biglang tumawa si Stephen.

" Wag nyo naman masyadong biruin baka mahimatay na yan" biro ni stephen.

Talagang mahihimatay sya kung hindi pa sya titigilan ng mga ito.

Hindi sya pamilyar sa dindaanan nila tapos tinatakot pa sya ng mga ito.

Maya-maya ay papasok na ang sasakyan ni Stephen sa bahay ng mga ito.

Nakahinga sya ng maluwag.

Maganda ang bahay.

May nagbukas ng gate.
Babae at may itsura.
Asawa naman yata ni Stephen.

Nasaktan sya sa isping iyon.

Bumaba sila.
Inilibot nya ang paningin.

Maraming halaman ang mga ito.
Simple ang bahay ng mga ito pero maganda.
Halatang may kaya.

"Grace si mommy?" tanong ni Stephen sa babaeng nagbukas ng gate.

"Wala kuya lumabas" sagot ng tinawag na grace.

Natuwa sya dahil kuya ang tawag kay Stephen hindi mahal o kung ano pa man.
Ibig sabihin hindi nito asawa.

Tiningnan sya ni grace.

Nakangiti sa kanya.
Gumanti sya ngiti.

"Laney" tawag sa kanya ni Stephen.

"Ngayon lng ako nagdala ng babae dito sa bahay kaya wag kang magtaka kung pagdating ng mommy ko eh macurious sya" paliwanag nito.

Lalo syang kinabahan sa narinig.
Baka masungit ang mommy nito.

"Uuwi na ako" biglang sabi nya.

"Umuulan na Laney" sagot ni Jeam.

"Wag kang matakot hindi naman nangangain mga tao dito"

Naglabas ng merienda si Stephen.
Hindi pa rin sya mapakali.

Habang nagmemerienda sila.

Sya naman pagdating ng mommy nito.

Pinakilala sya ni Kuya zelle na barkada ng mga ito.

Nginitian sya ng mommy ni Stephen bago ito pumasok.

Siniko sya ni Jeam.

" Dapat nagbless ka Laney" sabi nito.

Umingos sya.

" Aba anong malay ko" katwiran nya.

" Wala ka, hindi mo alam magpalakas sa magiging mommy mo" dagdag pa nito.

Hiyang-hiya naman sya sa sinabi nito.

Lalo ng makita nyang ngiting-ngiti si Stephen.

Di yata at first base na si Stephen.
Dinala siya ng mga barkada nito sa bahay nila Stephen at pinakilala pa sa mommy nito.

Nanliligaw na ba talaga ito sa kanya?

Magkakaboyfriend na ba sya?
She smiled.

Napatingin sya kay Stephen.
Nakatingin din pala ito da kanya.
She blushed.

Love is not always a happy endingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon