Chapter 18

34 2 0
                                    

This chapter goes out to Monaliza Tabulinar..
Thankyou!





















Walang ganang pumasok si Delaney.

Wala siya sa mood.

Sobrang down ang feelings niya.
Hindi na nagparamdam sa kanya si Stephen.

It wa all her fault.

Galit ito sa kanya.

Nahihiya na siyang magpakita dito pagkatapos ng ginawa niya.

Ang pinakaayaw nito, ang uminom siya.

Naalis na niya ang gawain niyang iyon sa tulong ni Stephen.

Ngunit sa nagdaang linggo bigla siyang umiinom ng walang dahilan kasama niya ang dalawa niyang kaibigan.

What the hell is happening to her?

Pagpasok niya nakasalubong agad niya ang mga mata ni Stephen.

Nagbaba siya ng tingin.
Hiyang-hiya siya sa sarili niya.

"Ano okey ka na"?

Nagulat si Laney.
Akala niya hindi siya kakausapin ni Stephen.

Hindi siya makasagot sa labis na kahihiyan dito.

Tumabi ito sa kanya.

Iniangat nito ang mukha niya.

"Mag-usap tayo mamaya after ng klase mo. Alam mo kung san ako hahanapin di ba"?masuyo nitong tanong.

Nakatingin lng siya sa mga mata nito.

There was tenderness in it.
She wanted to hug him.

Gusto niyang sabihin na namiss niya ito.

Tell him she was sorry.

That she love him so much at ayaw niyang mawala ito sa kanya.

Ngunit pinigil niya ang sarili niya.
Hindi iyon ang tamang lugar para mag-usap sila.

Sana lng bigyan pa siya nito ng isa pang pagkakataon.

Unti-unti ang ang pagpapakawala ni Delaney ng paghinga.

Natatakot siya sa maaring kahihinatnan ng ginawa niya.

She might lose Stephen at masakit sa kanya iyon.

Stephen knew who she really is.
Ito lang ang nakakaintindi sa kanya.

But this time alam niyang nagsawa na ito sa kakaintindi sa kanya.

Naalala pa niya ang pangako nito na hindi siya nito iiwan kahit ano ang mangyari.

Ngunit paano kung wala na talaga?

Pain crossed her chest sa isiping iyon.

----









"I'm sorry Laney hindi na magbabago ang pasya ko".

"Pinagbigyan kita sa mga kalokohan mo dahil akala ko titigil ka rin."

"Pero anong ginawa mo"?
"Pinagpatuloy mo pa rin"
Puno ng hinanakit at galit ang boses ni Stephen.

Lumingon si Laney.

"Bakit hindi mo ko maintindihan Stephen"?

"Akala ko ba hindi mo ako iiwan kahit anong mangyari"?

Nanginginig ang boses niya sa pagpipigil na maiyak sa harap ni Stephen.

Sinikap niyang kumalma ngunit hindi na niya mapigil ang luhang nag-uunahang lumabas sa mga mata niya.

"Nakilala mo akong ganito Stephen di ba"?

Anger, disgust and pain in her voice.

Walang emosyon ang mukha nito.
At mas lalo siyang nasaktan.

"Hindi mo na ako madadala diyan sa mga pag-iyak mo Laney".

"Siguro may mga pagkakamali din ako pero itigil na natin to habang maaga pa bago tayo magkasakitan". Malamig na sabi nito.

Yumuko si Delaney.

Namanhid ang pakiramdam niya.
Parang nawalan siya ng lakas sa mga narinig niya.

Wala siyang maramdaman.
Lalong umagos ang mga luha niya.

Bakit?

Bakit ang dali nitong sumuko sa kanya?

Binigay niya dito ang lahat.

Bakit ngayon pa siya nito iiwan?

"Sinabi mo hindi mo ako iiwan".
You p-pr-promised me Stephen."

Nanlalabo na ang mga mata niya sa luha.

"Akala ko ikaw na"

"Bakit ngayon mo pa ako iiwan sana noon pa".

"Bakit Stephen"?
Puno ng hinanakit ang tinig niya.

"Ay wag ganun Laney". Puno ng sarkasmo ang tinig nito.

"Wag mong i-set ang sarili mo sa isang tao na kayo na talaga hanggang huli.

"Lahat ng tao nagbabago"
"Tao lng ako Laney nawawalan din ako ng pasensya".

Hindi alam ni Laney kung paano siya nakalabas sa sasakyan nito.

Paulit-ulit niyang naririnig ang mga sinabi sa kanya ni Stephen.
Walang tigil ang pagdaloy ng mga luha niya.

Wala na siyang pakialam sa paligid niya.

Masakit!

Sobrang sakit ang nararamdaman niya.

Nanlalabo na ang tingin niya sa dinaraanan niya.

Gusto niyang magwala!

Hindi niya inexpect ang impact ng mga salitang binitawan ni Stephen.

She wanted to die at that very moment.

She never for one moment thought that Stephen would be so cruel.

Parang wala na itong pakialam sa kanya.

Sa nararamdaman niya.

Oo nga at siya ang may kasalanan ng lahat pero bakit hindi siya nito mapatawad?

Gaano ba kabigat ang kasalanan niya dito?

Ang pag-inom niya?

Ang pangit na ugali niya?

Akala niya maiintindihan siya nito.

That somehow hindi ito susuko sa kanya.
Iyon ba ang dahilan kaya siya naglalasing ng walang dahilan?

That somehow gusto niyang malaman kung hanggang saan ang pasensiya nito?

O kung hanggang saan ang hangganan ng pagmamahal nito sa kanya?

Whatever it may be.

Delaney just kept on running.
Umaasang kahit paano mabawasan ang sakit na nararamdaman niya.

She felt so lost and so alone.
The pain is unbearable.

Love is not always a happy endingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon