Chapter 23

6 3 0
                                    

Loving can hurt..
It can either make you or break you..













"Huy andito na tayo baba ka na Laney".
Natatawang sabi ni Donna.

Ngumiti lng si Laney ng alanganin.
Bigla siyang nakaramdam ng nerbyos.
Kanina lng ang lakas ng loob niyang mag-aya tapos ngayon parang bulang naglaho ang kapal ng mukha niya.

"Kaya mo yan ate Laney". Nakangiting dagdag ni Princess.
Boyfriend nito ang isa sa mga barkada ni Stephen.

Huminga siya ng malalim baka sakaling mabawasan ang tensiyon na nararamdaman niya. Baka sakaling bumalik ang kakapalan ng mukha niya.

Sa kagustuhan niyang makita si Stephen napasubo tuloy siyang pumunta sa birthday nito.
Ayaw ng isip niya pero nanalo ang puso niya.

Hinawakan ng kapatid niya ang kanyang kamay.
Hinila siya nito papunta sa gate nila Stephen.
Eksakto naman papalapit ang Mommy ni Stephen.
Halos magtago na siya sa likod ng kapatid niya umaasang bigla na siyang maglaho.

Siniko siya ng kapatid niyang si Lizana.
Napilitan tuloy siyang magpakita sa Mommy ni Stephen.

"Hello po tita".
Nahihiyang bati niya sabay ngiti ng alanganin.

Parang nabigla pa ito ng makita siya.

"Laney ikaw pala iyan, halina kayo pasok kayo".
Nakangiting bati ng Mommy ni Stephen.

Sabay-sabay silang pumasok nila Donna.

"Pasok kayo sa loob at kumain na kayo".
Dagdag ng Mommy ni Stephen ng makapasok na sila.

Nakahinga ng maluwag si Laney dahil kahit papano welcome pa rin siya sa bahay nila Stephen kahit hiwalay na silang dalawa.
Pero hindi pa rin nawawala ang hiya niya.

"Laney ikaw ba iyan?"

Napatingin si Laney sa nagsalita.
Si ate Gracie. Nakangiti ito sa kanya. Gumanti din siya ng ngiti. Matagal na itong kasambahay nila Stephen.
Mas nauna lng si Stephen ng dalawang buwan dito.

Lumapit ito sa kanya.

"Ikaw nga Laney. Kain na kayo sa loob at tawagin ko lng si Kuya Stephen. Andun kasi sila sa likod." Paliwanag nito sa kanila.

Nagtuturuan silang apat kung sino ang unang papasok.

"Ikaw naman Laney para kang bago dito sa bahay".

Nagulat si Laney ng makita sa likod niya ang Mommy ni Stephen.
Namula tuloy siya sa hiya.

"Sige na kumain na kayo diyan".

"Sige po tita salamat po".
Sagot naman ni Donna.

Kasalukuyan silang kumakain ng pumasok si Stephen.
Ngumiti na lng siya dito ng mapatingin ito sa kanya.
Binati naman ng tatlo ng happy birthday si Stephen.

"Thank you".
Tipid nitong sagot at ngumiti.

"Kain lng kayo ng kain wag kayo mahihiya".
Sabi pa nito.

Ngumiti na lng ulit si Laney kay Stephen dahil wala siyang maisip sabihin dito.

Tatlong taon na sana sila ni Stephen. Naalala niya birthday ni Stephen noong sinagot niya ito. Last year sila ang magkasama pero ngayon barkada na nito ang mga kasama nito. Kasama nitong magcecelebrate. Nasaktan siya sa isiping iyon. Nanghinayang siya sa mga panahong nasayang sa kanila. Ang dami niyang what IFS. Ngunit huli na ang lahat magsisisi man siya. Dahil alam niya wala na siyang babalikan kay Stephen. Nakikita niyang masaya na ito at kuntento.

Nawalan siya ng ganang kumain. Masokista pala siya.
Nagpunta pala siya kila Stephen para lng saktan ang kaniyang sarili.

"Laney bakit hindi ka kumakain"? Untag sa kanya ni Donna.

Napatingin siya kay Stephen.

"On diet ako". Wala sa loob niyang sabi dito.

Ngumiti lng ito.

Napatitig siya sa ngiting iyon.
Kelan ba niya huling nakita ang ngiting iyon?
7 months? Or was it 8?
Hindi na niya matandaan.

Inaamin niyang namiss niya ang ngiti ni Stephen. Ang mga pinagsamahan nila. Ang mga alaala nilang dalawa.
Kung maaari nga lng pilitin niya ito na mahalin ulit siya ni Stephen ginawa na niya.
Pero hindi naman pwede.

Mananatili na lng niya itong mahal hanggang sa panaginip niya. Tutal lagi naman niya itong napapanaginipan. At sa panaginip niya lagi silang magkasama. Na mahal siya ni Stephen at mahal din niya ito.

"Ate Laney tara muna sa likod sabi ni Kuya Stephen".
Napatingin siya sa kapatid niya.
Pilit niyang iwinawaksi ang laman ng isip niya.
Hindi siya nagpunta doon para magday dreaming. Pumunta siya doon para makikain period.

Nauna na sila Donna at Princess sa pagtayo.
Sumunod silang dalawa ng kapatid niya.

Love is not always a happy endingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon