16

322 14 0
                                    

Winnie (Anabelle)

"𝘖𝘧 𝘤𝘰𝘶𝘳𝘴𝘦 𝘯𝘰𝘵." 𝘔𝘶𝘯𝘵𝘪𝘬 𝘯𝘢𝘬𝘰 𝘮𝘢𝘩𝘶𝘭𝘰𝘨 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘮𝘢 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘮𝘪𝘭𝘺𝘢𝘳 𝘯𝘢 𝘣𝘰𝘴𝘦𝘴.

Tuloyang gumuhit sa mukha ko ang gulat ng makita si Miss Soriano. medyo magulo yung buhok niya dahil nakalugay siya ngayon. and her eyes... ang pupungay ng mga mata niya.

"You look so shocked, do I look like a ghost now?" Paos niyang saad.

Si Miss Soriano ba talaga 'to? iba kasi siya kong tumingin sakin ngayon e. para siyang inosente na bata ngayon.

"Savena nagparetoke kaba?" Tulalang tanong ko.

"Aray." Tanging nasambit ko dahil pinitik lang naman niya ako sa noo bago irapan.

"You're talking nonsense again." Irap niya sakin at nahiga ulit.

Mali ba ng binigay na room number si Allison? pero imposible kasi pati password binigay niya. Nakakainis talaga yun, ang sabi kasi kay Savena kami pupunta. pero hindi naman pala. Teka magkakilala ba sila ni Ma'am?

"P-pinapunta niyo po ba ako dito?" Kinakabahang tanong ko dahil ang sama ng tingin niya sakin.

"Sabi mo gusto moko makita. kaya pinahatid kita rito." Aniya.

Nahihiyang napaiwas ako nang tingin dahil naalala ko yung message ko sa kanya kanina. so nabasa niya pala lahat 'yon pero hindi lang siya nagreply? Gosh nakakahiya!

"May sakit po ba kayo?" Kanina kopa kasi napapansin ang pag-ubo niya kahit pinipigilan pa niya.

"Just a fever." Sagot niya at sumandal sa headboard ng kama. tama nga ako. may sakit siya kaya hindi siya nakapasok

"Sorry po." Mahinang sabi ko. namumuo na naman kasi yung guilt na nararamdaman ko kanina pa.

"Sorry for what?"

"About last night, pinilit ko po kasi kayo na i-consider yong rason ko para hindi isumbong. tapos nagkasakit kapa dahil sakin. Sorry po talaga." Sensiridad kong sabi sa kanya.

"I don't accept apologize." Inalis nito ang kumot na nakabalot sa katawan niya kanina at tumayo. "Actions will do." Huli niyang sabi bago maglakad palabas. Agad din akong sumunod sa kanya kasi baka bigla pa siyang mahilo. pansin ko kasi yung panghihina ng katawan niya.

Umupo ito sa kaharap ng table kaya napahinto ako sa likuran niya.

"Magluto ka. nagugutom ako." Sabi niya matapos uminom ng tubig.

Sasarado bubukas naman ang bibig ko kasi hindi ako marunong magluto! pinapunta ba niya ako dito para pagsilbihan siya? or yong sinabi niya na 'Actions will do.'

"Vergara, do you hear me?" Sa sandaling ito ay nakaharap na siya sakin.

"O-opo, ano po gusto niyong kainin?" Tanong ko nalang kahit hindi ko naman kaya lutoin kung ano ipapaluto niya ngayon.

"Sinigang, make it spicy. hindi buong sili ang ilalagay mo, okay?" Paalala niya siya huli "Tawagin mo nalang ako kapag tapos kana magluto." Sabi niya at bumalik sa kwarto.

Napasabunot nalang ako sa sariling buhok at nagpapadyak. Anong gagawin ko ngayon? sana tinanong niya muna ako kung marunong ba ako magluto.

Sandali akong naupo at nag isip kung ano ba ang dapat kong gawin. What if mag padeliver nalang ako? hindi naman niya malalaman e. nakangiting kinuha ko yung phone ko at tuloyan ng nag order sa kilalang restaurant. mabuti nalang at meron silang sinigang.

WHO'S THE KILLERWhere stories live. Discover now