Winnie (Anabelle)
Nang matapos ako maligo ay naghanap ako ng masusuot sa closet. naligo ako para kahit papaano malimutan ko yung mga nalaman. gusto ko rin makabonding mga pinsan ko kasi matagal-tagal din nila hinintay 'to.
kukuhanin ko na sana yung dryer ng tumunog ng malakas yung phone ko sign na may tumatawag. nilapitan ko ito para sana sagutin pero parang nanigas ang mga kamay ko dahil si Miss Soriano ang caller. Not now please. hindi ko pa siya kaya harapin.
Napaupo ako sa kama ng tuloyan na mamatay ang tawag, pero ang dami niya namang message sakin. alam na kaya niya yung totoo?
Kinakabahan na binasa ko ang mga message niya sakin.
𝙁𝙪𝙩𝙪𝙧𝙚 𝙜𝙛
𝘞𝘩𝘦𝘳𝘦 𝘢𝘳𝘦 𝘺𝘰𝘶?
𝘐 𝘴𝘢𝘪𝘥 𝘸𝘩𝘦𝘳𝘦 𝘵𝘩𝘦 𝘩𝘦𝘭𝘭 𝘢𝘳𝘦 𝘺𝘰𝘶? 𝘸𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨 𝘤𝘩𝘦𝘤𝘩𝘦𝘤𝘬 𝘯𝘨 𝘲𝘶𝘪𝘻𝘻𝘦𝘻 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘤𝘭𝘢𝘴𝘴𝘮𝘢𝘵𝘦𝘴 𝘮𝘰.
𝘋𝘰𝘯'𝘵 𝘨𝘩𝘰𝘴𝘵 𝘮𝘦, 𝘐'𝘮 𝘵𝘦𝘭𝘭𝘪𝘯𝘨 𝘺𝘰𝘶 𝘪𝘣𝘢𝘣𝘢𝘨𝘴𝘢𝘬 𝘵𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢 𝘬𝘪𝘵𝘢.
iilang basa ko sa mga message nito sakin, natatawang binitawan ko ang cellphone ko. biglang nabuo sa imahe ko ang masama nitong tingin sakin. tinamaan na talaga ako sa kanya.
Bago ko pa maisipan na replayan siya ay lumabas na ako ng kwarto, tsaka ko nalang siya haharapin kapag nakaipon na ako ng lakas loob na sabihin sa kanya yung nalalaman ko, ayokong itago yun sa kanya para lang hindi niya ako kamuhian. dahil kagaya lang din niya akong naghahanap ng hustisya.
Kakabukas pa lang ng elevator nang tumakbo papasok si Anya at nagtago sa likuran ko. napangiwi naman ako dahil may lumanding sa mukha kong itlog, bruh kakaligo ko lang!!
Inis na tinignan ko si Katrina. "Oh mygosh, I'm sorry. kay Anya dapat 'yon e." Paumanhin niya at naglakad palapit sakin. bilang ganti ay binatukan ko siya kaya tawang tawa yung kapatid niya sa likuran ko.
"Pasalamat ka pinsan kita." Irita kong saad sa kanya bago maglakad papunta sa banyo dito sa baba para maghilamos.
Rinig ko pa yung bangayan ng dalawa pero hindi ko nalang pinansin pa. ngayong araw pa lang sumasakit na ulo ko sa kanila.
"Tapos kana magluto?" Tanong ko kay Tiffany, naabutan ko kasi itong nakaupo sa sofa.
"Yup, pero wala namang kakain kaya tinapon ko nalang."
"Nag away na naman kayo?"
"Who?" Pabalik niyang tanong pero nginuso ko lang si Katrina na kasalukuyang nakikipag habolan sa kapatid niya.
"She's so rude when it comes with me, she always think that I'm competing with her." Mahina niyang saad habang nakatingin kay Katrina.
"Baka naman masyado mong sineseryoso mga biro niya." Saad ko bago umupo sa tabi niya.
"I'm not, lagi nga ako nagmumukhang mali sa paningin niya kahit gusto ko lang siya sabayan." Mapakla itong natawa.
Nung una akala ko magaspang talaga ugali niya kasi ayon 'yong sinabi ni Katrina at grabe din siya makairap sakin do'n sa puntod ni mommy, pero gaya nong unang expression ko kay Kat ay nagkamali na naman ako.
"C'mon, ngayon lang naman 'to e. ngayon lang din natin makakasama si belle sa ganon." Nakasunod na pagkumbinsi ni Katrina kay Megan
"No, puro ka nalang kalokohan."
