Kabanata 15: Sino ang Mysterious Caller

68 13 2
                                    

Kabanata 15: Sino ang Mysterious Caller?

PARE-PAREHONG walang mga imik sina Makisig sa loob ng sasakyan. Lahat sila, pawang mga kabado sa magiging misyon na ito. Nanginginig ang kanyang mga kamay. Samu't saring emosyon ang nagtatalo sa loob ng kanyang dibdib.

Hanggang sa biglang hawakan ni Mayor Lena ang nanginginig niyang mga kamay. "Kael, kumapit ka lang. Malapit na nating makita ang mga pamilya mo."

"Sana nga po, Mayor. Sana po," matamlay na tugon niya rito.

Kanina ay handang-handa na siyang harapin ang anumang panganib. Ngayon ay kinakabahan naman siya na baka may iba pang bagay na humadlang sa kanila. Huwag naman sana.

KASALUKUYANG nagbabantay ang mga tauhan sa security room nang tumunog ang warning alarm nila. Tumambad sa screen ang live footage ng CCTV kung saan makikita ang paparating na isang sasakyan.

TUMUNOG ang telepono ni Agustus. Isa sa mga tauhan niya sa pabrika ang tumatawag. Agad niya itong sinagot. "Hello?"

"Boss, may unregistered na sasakyang paparating dito."

"Unregistered?"

"Opo. Hindi siya nare-recognized ng car detector natin. Ibig sabihin hindi siya kasama sa mga sasakyang ginagamit natin dito."

"Alam n'yo na siguro kung ano ang dapat gawin, ano? Hindi ko na kailangang ituro pa."

"Yes, boss. Nakahanda na ang mga patibong!"

Ibinaba na ni Agustus ang tawag. Saka niya inutusan ang driver na bumalik at mag-iba ng direksyon.

"Huh? Bakit, Dad?" tanong naman sa kanya ni Dominick na nasa tabi niya.

"We are going to the alternative route, Son. May mga pesteng nakapasok sa balwarte natin dito!"

Napakibit-balikat na lang ang binata. Saka ito lumingon kay Coach Andres na tahimik lang sa kanilang likuran. "Coach, you're right. Hindi na dapat tayo sumama rito. It's a fucking waste of time!"

Napangiti si Andres sa pagkakataong iyon. Ngunit bago pa ito makasagot ay sumabat na si Agustus. "Manahimik ka na nga lang d'yan, puwede? Kanina ka pa, eh!"

SA KALAGITNAAN ng pagmamaneho ay huminto ang driver ni Mayor Lena. Nagtaka ang lahat.

"Marvin? Why did we stop?" tanong ng Mayora.

Pinakita ni Marvin ang pag-ilaw ng device nito. "Ma'am, may nade-detect pong mga bomba itong bomb detector ko. Mukhang may mga nakatago silang bomba sa paligid. Mapapahamak tayo kapag nagpatuloy pa tayo rito."

"What? E, ano na'ng gagawin natin n'yan?"

"Kailangan po nating maghanap ng ibang ruta."

"Please do, Marvin! Kailangan nating makapunta roon kahit ano'ng mangyari!"

Agad iniliko ng driver ang sasakyan saka nagbalik sa dinaanan nila kanina. Nakita naman sa CCTV ang ginawa nila.

Mayamaya, biglang tumunog ang cellphone ni Makisig. Isang unknown number uli ang tumatawag. Pinakita niya ito kay Mayor Lena. Sinagot niya ito at ini-set sa loudspeaker.

"Hello?"

"Ikaw ba si Makisig?"

Nabigla si Makisig. Iyon din ang boses ng tumawag sa kanya kagabi. "Oo, ako ito. Ikaw ba ang tumawag kagabi?"

"Pumasok kayo sa tunnel."

"Huh? A-ano'ng ibig mong sabihin?"

"Sa dinadaanan n'yo ngayon, may makikita kayong tunnel sa bandang kaliwa. Medyo malayo nga lang 'yan ng kaunti, pero iyan lang ang lugar na walang CCTV kaya hindi kayo makikita d'yan."

Makisig: Muay Thai WarriorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon