Kabanata 22: Patuloy na Paghaba ng Sungay
HAPON pa ang klase nina Kael kaya naglibot-libot na lang muna sila sa loob ng campus. Kasama ulit niya sina Stephany, Medwin at Jordz. Inilibot naman siya ng tatlo sa mga lugar na hindi pa niya napupuntahan doon.
"Ano, p're, nakapag-decide ka na ba? Gusto mo na bang mag-tryout?" tanong sa kanya ni Medwin.
"Ah, hindi pa ako sigurado, eh."
"Baka naman kasi ayaw niya sa basketball!" tugon ni Jordz kay Medwin, saka ito lumingon sa kanya. "Ano ba'ng sports mo par? Para mailapit kita sa tamang department."
Bago pa siya makasagot ay sumingit na si Stephany. "How about sa amin ka na lang sumali? We need a male model right now."
Natawa siya sa malumanay na paraan. "Ah, p-pag-iisipan ko muna. Hindi pa kasi talaga 'yan ang priorities ko sa ngayon, eh."
"Oh, okay! Basta magsabi ka lang kung kailan mo gustong pumasok sa amin, ah? I promise you, mas magkakaroon ka ng career sa modeling! Based on your looks and physiques, ang lakas ng laban mo sa stage!" sabi pa sa kanya ni Stephany.
"Hindi, pare! Mas magkakaroon ka ng career sa amin sa basketball! With that height, wala nang ibang makakahawak pa ng bola kundi ikaw!" pang-uudyok naman sa kanya ni Medwin.
"Naku, puwede ba? Huwag n'yo nga pilitin 'yung tao! Let him decide for himself! Hayaan n'yo siyang sumali sa kung saan niya mas mapapakita ang galing niya!" awat naman ni Jordz sa kanila.
Sa sumunod na building na pinuntahan nila, doon niya nakita ang mga activities ng iba't ibang club sa paligid. Karamihan sa mga ito ay nasa mass recruitment pa rin.
"Dito, siguradong mas makakapili ka ng club na magugustuhan mo!" ani sa kanya ni Jordz at hinayaan siyang tumingin-tingin sa paligid.
Habang naglalakad nga sila, ang dami niyang nakakasalubong na mga estudyanteng lumalapit sa mga bago para imbitahang pumasok sa kani-kanilang mga club.
Mayroong cooking club, fitness club, religious club, music club, theater arts club at iba pang mga club na medyo nakapanghahatak talaga ng atensyon. Sa sobrang dami nga ng nakita niya, hindi na siya halos makapili kung ano ang sasalihan niya.
Hanggang sa mapunta sila sa bandang dulo kung saan niya nakita ang recruitment para sa Martial Arts Club. Doon huminto ang mundo niya. Sa bukas na bintana ng katabi niyong silid, nakita niya ang tila malaking gym na pinagpa-practice-an ng mga estudyante. May mga sumusuntok, sumisipa, at nagsasagawa ng grappling moves sa sahig.
Kusa siyang lumapit dito. Tahimik namang sumunod sa kanya ang tatlo habang nagkakatinginan. Nang makalapit na sila sa recruitment site, binati sila ng isang lalaki na may katangkaran at malaki rin ang katawan.
"Hey, what's up! Ba't naligaw ata kayo rito?" bati nito kina Medwin at Jordz, pagkatapos ay nakipag-high five sa dalawa.
"Ikaw rin, Steph, what brings you here?" Nakipagkamay rin ito sa babae.
"Ah, sinasamahan lang namin itong bagong barkada namin. Transferee siya rito. Naghahanap pa lang kami ng club na puwede niyang salihan," pagpapakilala naman ni Jordz sa kanya.
Umaapaw ang katapangan sa aura ng lalaki pero halatang mabait. Ngumiti pa ito sa kanya at nakipagkamay rin. "Hey, what's up, buddy? Kumusta ang paglilibot natin? Nakapili ka na ba ng club mo? Mas masaya rito sa campus kapag may club ka, promise!"
Nginitian din niya ito at tinanggap ang kamay ng lalaki. "Salamat, boss!"
"Ano palang pangalan mo, buddy?"
BINABASA MO ANG
Makisig: Muay Thai Warrior
AcciónIsang matipunong katutubo ang mawawalan ng tahanan dahil sa mga teroristang sumakop sa kanilang lugar. Akala ng marami, pangkaraniwang terrorist attack lang ang nangyari. Ngunit may matutuklasan ang lalaking katutubo na magtutulak sa kanya para duma...