Kabanata 23: Lihim sa Sabwatan

85 8 0
                                    

Kabanata 23: Lihim na Sabwatan

PAGKATAPOS pirmahan ni Agustus ang lahat ng mga papeles, padabog niya itong ibinato kay Nasser na naiidlip na sa kinauupuan nito. Nagulat ang matanda at mabilis na pinulot ang mga papel.

Saka ito lumingon sa kanya. "Boss, mukhang hindi yata maganda ang mood n'yo, ah. Dahil ba ito kay Mr. President?"

Napabuntong-hininga siya. "Ano pa nga ba!"

"Bakit, boss? Ano ba'ng nangyari sa huling usap n'yo? Hindi na naman ba kayo nagkasundo?"

"Hindi na siya ang dating Benjamin na kilala ko. Pilit niyang pinuputol ang sungay niya kahit alam niyang tutubo pa rin naman ito."

"E, ano ba kasi ang nangyari?"

"Sa tono ng pananalita niya, parang wala na talaga siyang balak na tulungan ako. Ayaw pa rin niyang ipahinto ang imbestigasyon ng Katawi Massacre sa Senado, at ayaw niya ring pigilan ang pagpasok ng ICC!"

"Kasi naman, boss! Bakit n'yo pa siya pinupuwersang gawin 'yon? E, kahit kayo lang kaya n'yo rin namang pigilan 'yon, ah? Mas powerful nga kayo kaysa sa kanya 'di ba?"

"I know." Napahagod siya sa ulo. "Kung ako lang, kaya ko rin namang lusutan ang lahat. Hindi naman talaga ako takot sa Senado or sa ICC na 'yan. I have enough power and resources in each of my fingers to fight them back! Gusto ko lang talagang subukan si Benjamin kung may natitira pang halaga sa kanya ang friendship namin..."

Hindi niya napigilang magbalik-tanaw sa isang mapait na nakaraan.

Pareho na silang lasing ni Benjamin nang gabing iyon habang patuloy pa ring nagpapakalunod sa mamahaling alak na in-order nila sa isang mamahaling bar. Dalawa lang sila sa private room na iyon na napaliligiran ng magagarbong mga display at napakalaking chandelier sa taas.

"Ano, pare, napag-isipan mo na ba?" mayamaya'y pagbabalik sa kanya ni Benjamin. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na nito iyong itinanong magmula kahapon.

"I'm still thinking about it," ngiti niyang sagot dito.

Halatang nanlumo si Benjamin. Pagkuwa'y umakbay ito sa kanya. "Tandaan mo, kahit malakas pa rin ang ratings mo sa mga survey, hindi natin alam kung hanggang kailan mo maitatago sa publiko ang tunay na nangyari kay Michael Yap. Paniguradong malaking kasiraan ito sa 'yo, at baka makaapekto pa sa lahat ng plano mo. Kaya mas mabuti kung ako muna ang tatakbo. Kapag ako ang naupo, mas makokontrol ko ang pag-usad ng mga kaso mo. Mapapabagal natin ang paghatol sa 'yo at magkakaroon ka ng time makapagpahinga sa ibang bansa. Para makaiwas ka sa mga gulo. Alam kong ikaw ang mas isinisigaw ng mga tao ngayon pero, kailangan mo ring i-consider ang issue mo kay Michael Yap. Hindi magtatagal lalabas na 'yon! Gusto mo bang masira lahat ng pinaghirapan mo kapag itinuloy mo pa ito? Isip-isip din, pare!"

Doon napaisip si Agustus. Mukhang may punto nga naman ang kaibigan niya. Sa kanilang dalawa, ito pa lang ang medyo malamig ngayon sa mga tao. Kaya mas magiging magandang opsyon kung ito muna ang tatakbo para sa kanya.

Pagkalipas ng mahabang sandali, bumuka na rin muli ang kanyang bibig. "Okay. Pagbibigyan na kita. I will contact all my network para tulungan ka sa candidacy mo. Basta ipangako mo lang na pagbalik ko rito, tutulungan mo akong malinis ang pangalan ko."

"Of course! A promise is a promise! No matter what happens, I will keep our friendship above everyone and everything else! Kapag nakabangon ako, hindi puwedeng hindi ka kasama. Dahil pagkababa ko sa puwesto, ikaw naman ang papalit sa akin. At sisiguraduhin ko na habang ako ang nakaupo, gagawin ko ang lahat ng pagbabago para pagdating ng panahon, hindi ka na gaanong mahirapan dahil lahat ng batas at konstitusyon ay naaayon na sa kagustuhan mo. Pangako ko 'yan lahat! Kaya sana, tulungan mo akong manalo, please!"

Makisig: Muay Thai WarriorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon