CHAPTER 1: AGATHA'S SUFFERING

20 0 0
                                    

" Oyyy may Bago pala tayong Kasama, may bisita Tayo" masayang sambit ng matabang babae, habang hinahawakan ang braso ko.

Nilalayo ko Naman Ang katawan ko sakaniya.

" Ohh!! Matapang!!" Sambit niya.

Bigla Niya namang hinablot Ang buhok ko palikod dahilan upang mapaangat Ang ulo ko.

" Ano ha!!" Sigaw nito sakin.

" W-wag maawa ka" umiiyak kung sambit.

" Umiiyak ka Naman pala, Hindi na nga maayus yang Mukha mo at yang katawan mo nag iinarte ka pa!" Sambit nito at pabato akong binitawan dahilan upang mapaupo ako.

Ng nakaupo ako sa sahig ay agad ko namang naramdaman ang pananakit ng tiyan ko.

" Ahhhh!!" Sigaw ko agad namang lumapit sakin Ang dalawang matandang babae tiyaka dalawang dalaga.

" Dinudugo ka !!" Sambit nito.

Bigla Naman nila akong binuhat at ipinahiga sa cartoon.

" Buntis ka ba?" Tanong ng matanda sakin.

Tumango lamang ako habang namimilipit sa sakit ayuko pa Namang magkasakit kung Wala si Angelo dahil nanghihina ako lagi.

" Kumapit ka, tatawagin ko lang muna si warden" wika nito.

Hindi ko na alam kung ano ng gagawin ko dahil nandidilim na Ang paningin ko.

" Ate wag po kayong sumuko, kawawa po si baby pag ginawa mo Yan" wika naman ng dalagang babae habang hinahawakan ang kamay ko.

Tinatagan ko Naman Ang loob ko at iniinda Ang sakit gusto kung sumigaw dahil sa kirot na nararamdaman ko naliligo na Rin ako ng sarili kung pawis Hindi ko alam kung hanggang saan ko makakaya Ang pag titiis dito sa sakit na ito walang tigil Ang pag daloy ng mga luha ko sa aking mga mata.

" Hindi ko na kaya" sambit ko habang umiiyak.

Binalot na ng dilim ang buong paligid ko.

Nagising ako sa Isang tahimik na silid,nandito pala ako sa clinic ng prisinto kaya pala Hindi maingay.

" Gising kana pala" sambit ng warden sakin habang nakangiti.

"B-buhay pa po ba ang anak ko?" Tanong ko sakaniya habang maiiyak na.

" OO, Buti palaban yang anak mo" wika nito

Naiiyak Naman ako ng dahil sa tuwa, hinaplos ko Naman Ang tiyan ko gamit Ang kabila kung kamay.

" Murder Ang Kaso mo Diba?" Tanong nito sakin.

Tumulo Naman Ang luha ko, naging kriminal Naman ako ng Wala sa oras.

" O-opo" wika ko habang Hindi makatingin sakaniya nakayuko lamang ako.

" Paano mo nagawang patayin yung babaeng Dawson alam ko kasi makapangyarihan sila" wika nito.

Agad naman akong tumingala at tumingin sakaniya na naguguluhan.

" H-hindi po ako Yung pumatay napagbintangan lang, siguro nga makapangyarihan sila dahil naipakulong nga nila ako kahit wala Naman silang ebidensya at wala silang ipinakita na kahit na ano alam nila na Kasama nila ako sa hapag kainan pag pasok ko sa kwarto nakita ko na duguan nalang si mommy, di ba Nila na isip na Hindi ko kayang pumatay ng ganun kadali lalo't alam nila na mahina akong babae" wika ko habang patuloy parin sa pagtulog Ang luha ko.

" Alam mo kaya kitang tulungan na makalabas dito kung hindi lang galing sa elite sa squad Ang kalaban mo, Ang problema Kasi kaya nilang bayaran ang mga nakapalibot sakin, trabaho ko Rin Ang nakasalalay dito" wika ng warden, bumuntong hininga naman siya.

THE REVENGE COLLABORATION CASA INFERNO;THE LEGAL WIFE REVENGE (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon