CHAPTER 41: FIRST STEP

6 0 0
                                    

Isang linggo ng matapos ang coronation night ay bumalik Naman sa dati Ang lahat. Hindi na muna ako lumabas upang hindi mag cross Ang landas namin ni Farah baka Kasi Hindi ako makapag timpi sakaniya at masampal ko siya.

" Hello" sambit ko ng tumawag si Hayes.

Siya Kasi Ang tumulong sakin na gawin Yung pag iimbestiga sa pag kamatay ng mommy ni troy, alam kung mas marami Kaming kapit pero Yung Kasama ni Hayes ay mas mahusay kesa sa mga private investigator namin ni kuya.

" Ang murderer ni Mrs. Dawson ay nasa Bahay lang nila" wika naman ni Hayes sakin.

Bigla Naman akong nag isip isip kung sino ang pwedeng suspect dito.

" Sino ba Ang suspect niyo?" Wika ko Naman Kay Hayes dahil mukhang may nalalaman Siya.

" I think it's Farah" wika naman ni Hayes.

Bigla ko namang naalala ang mga pangyayari Bago ko pa nakita si Mrs. Dawson na Wala ng buhay.

Tama nga si Farah Ang nasa loob ng kwarto ni Mrs Dawson noong mga panahon na yun kaya pwedeng Siya Ang maging suspect.

Bigla Naman akong tumayo at agad agad na nag paalam Kay Hayes dahil kailangan kung makahanap ng solid evidence na nag papatunay na si Farah nga Ang may kasalanan sa lahat at Hindi ako.

" Where are you going? At bakit ganiyan Ang isnuot mo may laban kaba Ngayon?" Tanong Naman sakin ni Pierre

" May aasikasuhin lang ako madali lang Naman ito kaya wag kang mag alala" sambit ko dito habang nakangiti sakaniya ng matamis.

Hinawakan Niya naman ang cheeks ko at kinurot ito.

" Take care alam kung kayang kaya mo Yan " wika niya naman.

Nag paalam na din ako sakaniya at si Angela Naman Ang nag bantay Kay Athena dahil alam nilang may lakad ako Ngayon.

Pumasok na ako sa kotse at nag tungo na sa Bahay ng mga Dawson, Malayo palang ako sa mansion nila ngunit kitang Kita ko na ito, parang bumalik lahat ng ala ala at sakit noong nasa puder pa ako ng mga Dawson.

" Agatha fucos!" Sambit ko Naman sa sarili ko dahil Hindi na ako makapag isip ng mabuti.

Huminto Naman ako sa medyo may kalayuan at Hindi maingay na lugar walang masyadong tao kaya Hindi mahahalata Ang sasakiyan ko dito.

Sa ibang Daan ako nag lakad dahil pag sa main road màraming makakakita sakin at may possibilidad na Makikita din ako ng mga Dawson.

Nakarating na ako sa likurang bahagi ng mansion nila kaya naman kinuha ko na Ang lubid na mag aakyat sakin patungo sa loob ng mansion nila.

Mataas Ang bakod nila mahihirapan talaga akong umakyat nito. Agad agad ko naman itong tinapon sa kabila upang makakapit ito Doon ng maayus ,ng masigurado ko ng ligtas ito ay agad agad naman akong dahan dahan na umakyat.

Ilang minuto lamang Ang iginugol ko sa pag akyat ng pader ng makarating na ako sa Tuktok ng pader agad naman akong lumundag at kinuha na ang lubid.

Dali dali naman akong tumakbo patungo sa may likurang bahagi sa may dirty kitchen nila.

Kinakabahan man Ako ngunit hindi ko ito iniisip dahil mas importante na malaman ko kung sino ba ang pumatay Kay Mommy.

Agad agad naman akong nag tungo sa loob ng dirty kitchen nila, sobrang payapa Naman dito parang Hindi nila ito ginagamit dahil malinis ito.

Nag lalakad ako at sinisilip Ang back door dahil dun ako papasok.

" Ano ba ate Judy, alam mo Naman Diba kung bakit ganiyan si ma'am" wika naman ng katulong nila.

THE REVENGE COLLABORATION CASA INFERNO;THE LEGAL WIFE REVENGE (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon