CHAPTER 94: PROPOSAL

3 1 0
                                    

Hindi parin kami nakarating ng mga ul*l na ito parang Pina ikot ikot lang ni aeros Yung helicopter e.

" Oy ano ba !" Sambit ko Naman Kay Aeros dahil kanina pa ako naiinis sa ginagawa nila sakin pinagtitripan na Naman siguro ako ng mga ul*l na ito.

Hindi Naman nila ako sinagot at ayaw din ni Angela na buksan Ang blindfold ko kaya uminit na Ang ulo ko ng dahil sa ginawa nila sakin pero kinalma ko nalang ang sarili ko.

" Trust me Aggie magugustuhan mo din ito " sambit ni Angela habang natatawa.

" Wag niyo akong pinag loloko dahil pag ginawa niyo yun siguradong ayaw niyo ng mag pakita sakin ulit" seryuso kung wika. Di ko naman sila narinig na umimik man lang.

Maya Maya pa bigla namang tumigil Ang helicopter sa wari ko ay nag landing na ito.

" Baba na Tayo Agatha" wika naman ni Angela sakin.

" Paano ako baba e naka blindfold ako" wika ko Naman habang nakasimangot.

Yung suot ko Kasi Ngayon maikli na dress naka sleeveless pa pareho kami ni Angela walangya.

" Dahan dahan" wika naman ni Sebastian habang hinahawakan ang kamay ko.

Si Angela Naman Ang humawak sakin sa kabilang kamay.

" San niyo ba Kasi ako dadalhin pwede bang wag niyo na akong ibablindfold" wika ko dahil ayuko talaga ng ganito nakaka inis kasi at ayuko talagang masurprise ng ganito nawawala Ang angas ko.

" Agatha be patience Naman oh para ka namang Hindi naka try magblindfold " wika naman ni Angela sakin.

Bumuntong hininga na lamang ako dahil sa sinabi ni Angela.

" Binitawan kana namin and please wag mong tatanggalin Ang blindfold mo dahil pag ginawa mo yun mag tatampo ako sayo buong taon" wika naman Niya sakin.

" Psh, baka nga Ikaw nag di makatiis sakin" sambit ko Naman Kay Angela.

Sinunod ko nalang ang gusto nitong bruha na ito at hinayaan na lamang Sila kung anong gustong gawin nila Wala ding saysay Ang pag rereklamo ko dahil Hindi Naman Sila umiimik.

Sino ba Kasi Ang may pakana nitong lahat? Bida Bida Naman Siya masyado.

~PLAYING- NOW WE'RE TOGETHER |BY BAILEY MAY|~

Nakatunganga Naman ako habang nakikinig sa boses ni Pierre para akong maiiyak dahil ito Ang hinihintay ko Hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil sobrang saya ko at sobrang nalilito ako sa emosyon na nararamdaman ko ngayon.

" I'm so sorry Agatha for everything, Hindi ko inisip na masasaktan ka parin sa gagawin ko at Hindi ko na Yun uulitin pa, Hindi ko lang gusto na madamay at masasaktan ka kaya umalis ako dahil mas mabuting Ako Ang mag titiis kesa Ikaw Ang iiyak Gabi Gabi" wika ni Pierre.

Nababasag na ang boses niya ,kinuha ko na Ang blindfold ko at bigla naman napaawang Ang labi ko dahil puro Doraemon Ang nasa paligid ko Ang ganda favorite ko Yan e, sobrang favorite ko din ang kulay blue ayuko ng umalis sa kinatatayuan ko dahil Ang mata ko ay nakatuon na sa mga stuff toy at mga gamit na kulay asul.

" It was magical and it's very beautiful Wala na akong masabi" sambit ko.

Narinig ko naman Ang tawa ni Pierre kaya natauhan naman ako na sinusuyo nga pala ako ni Pierre .

Tiningnan ko naman siya na naka suot ng kulay asul kaya napangiti Naman ako.

" I know nakagawa ako ng malaking pag kakamali sayo, I pushed you away from me Akala ko makakaya ko pero para akong pinapatay noon habang sinasabi ko Ang mga salita na yun gusto kung saktan ang sarili ko dahil sa ginawa ko sayo Kasi napaka g*go ko para gawin sayo yun. I don't know kung mapapatawad mo ako kaya naduwag akong sabihin sayo Ang lahat baka Kasi Hindi mo ako mauunawaan nangunguna Ang takot ko na tuluyan ka ng mawawala sakin kaya mas nanaig sakin Ang takot, pero Ngayon ready na akong mag take ng risk para sayo . Gagawin ko Ang lahat wag ka lang mawalay sakin Agatha" wika naman ni Pierre.

Pinunasan ko Naman Ang mga mata ko ng dahil sa sinabi ni Pierre ,iyakin ako e kaya Hindi na ako mag tataka kung ganito nalang Ang reaction Ngayon.

" Agatha Shellianie Belmonte, Will you Marry me?" Sambit ni Pierre.

Bigla namang may dumaan na helicopter sa itaas na may dala dalang banner na will you marry me?

Tiningnan ko naman si Pierre at inalala Ang mga bagay bagay na kung saan ko Siya unang minahal Hindi ko alam na Ang bilis lang ng panahon kung noon umiiyak ako dahil iniwan ako ni Pierre, het na Ngayon humihingi na Siya ng tawad at nakaluhod habang may singsing sa mga kamay niya, there's no turning back I will take this chance para saming dalawa ni Pierre.

" Yes" nakangiting wika ko.

Bigla namang sumigaw Sina seb at Ang iba pa, napakunot Naman Ang noo ko ng Makita ko Sina Kuya na andito grabe Hindi ba Sila nag tagal ni Chandria doon .

" Kiss!!" Sigaw nila habang nakangisi Sila.

Hinalikan Naman ako ni Pierre sa labi, this is what I want, my Pierre.

" Iloveyou " sambit ko Naman Kay Pierre .

" Iloveyoutoo baby" sambit Niya at hinalikan ako sa noo.

Lumapit naman si Daddy at mommy sakin.

" Alagaan mo Ang baby namin ha, wag mo yang sasaktan ulit Kasi kung gagawin mo Yun siguradong papakainin ka ni Loyd ng bala" wika naman ni mommy.

" Honey Naman kung Maka loyd ka sakin para namang Hindi mo ko papakasalan ulit " wika naman ni Daddy Kay mommy.

Natawa na lang ako dahil sa kacornyhan nilang dalawa.

" Both of you have my blessing, alagaan mo Ang prinsesa ko Pierre magiging Reyna muna siya sana naman wag mong tratuhin niyan na parang katulong mo lang pahalagahan mo at mahalin ng tama dahil Hindi natin alam tayong mga lalaki Ang sinasakripisyo at pagod nila sa Araw Araw, wag mong kakalimutan na tao yang Asawa mo at Hindi mo tagalinis at Taga alaga lang ng mga anak niyo, Sila Ang mag papatibay ng pamilya na bubuoin niyo " sambit ni Dad Kay Pierre.

" I will keep it in my mind" wika naman Niya.

" Always remember na wag mong pag bubuhatan ng kamay itong  si Agatha, ibalik mo nalang sakin kung ayaw muna sakaniya " wika naman ni Dad napaiyak Naman ako at niyakap ko Siya.

Lumapit naman si Kuya samin.

" Ehem" wika naman Niya.

" Bro" sambit Naman ni Pierre at nagyakapan Naman silang dalawa.

" Alagaan mo yang Prinsesa ko, wag na wag mo yang sasaktan dahil pag ginawa mo Yun ililibing Kita ng buhay. Lagi mo yang iingatan because she's the precious thing I ever had in my life Pierre, always choose to love her sa kahit anong sitwasyon man Yan kailangan mo siyang piliin ng paulit ulit" wika naman ni Angelo Kay Pierre.

" Makakaasa ka bro, this time Hindi ko na hahayaan sisirain ng pagiging duwag ko Ang lahat " wika ni Pierre.

Nag group hug Naman kami at lumapit naman samin Ang anak ko.

" Hey, Hindi ko pa binigay Ang blessing ko" wika naman ni Agatha habang nakakunot ang noo niya.

" My princess, syempre Hindi Kita makakalimutan" sambit ni Pierre at lumuhod Siya sa harapan ni Athena.

Namangha Naman Ang anak ko ng may inilabas si Pierre na singsing na butterfly.

" Athena Hillary Belmonte, Will you be my Daughter?" Sambit Naman ni Pierre napaiyak Naman Ang anak ko.

" Yes " sambit Niya habang umiiyak.

Isinuot ni Pierre Ang singsing at niyakap si Athena.

Wala na akong mahihiling pa ang saya saya ng puso ko.

THE REVENGE COLLABORATION CASA INFERNO;THE LEGAL WIFE REVENGE (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon