CHAPTER 78: THEIR SECRET

4 0 0
                                    

" ROY'S POV"

Nakangisi akong nakatingin sa pinaka mamahal ko.

" Hindi ba Sabi ko sayo na dadating din Ang Araw na pinaka hinihintay natin?" Sambit ko Naman sakaniya.

Agad naman siyang ngumiti at tumingin sakin at lumapit tiyaka ito kumandong.

" Ikaw Naman Kasi sobrang tagal Ayan tuloy ganito pa inabot natin hays" sambit Naman Niya.

Hinalikan ko naman siya sa labi niya, matagal na akong nag titiis sa sitwasyon namin na palihim kaming nag kikita at palihim din kaming nag uusap.

" Ano?? Ilalantad naba natin? Wala Naman tayong dapat katakutan Diba?" Wika naman Niya habang nakangiti sakin ng malapad.

" Ofcourse babe, iloveyousomuch Farah" sambit ko at hinalikan siya sa labi.

Ilang taon na kaming nag kakakilala Kay Farah siya Ang nakita ko sa Isang club noon kaya naman Nung may relasyon na kaming dalawa ay dinala ko Siya sa Bahay, pinalabas ko na anak Siya ng business partner namin at anak Siya ng bestfriend ko kahit Hindi. Wala namang nag suspetya samin except sa Asawa ko na pakealamera, kaya napag desisyunan namin ni Farah na tapusin Ang buhay niya Ako mismo Ang gumawa nun at Hindi si Farah inutusan ko lang Siya na pumasok at takpan Ang bangkay ng Asawa ko at si Agatha Ang ididiin namin dahil Siya lang ang gustong gusto ng Asawa ko ni Hindi niya nga gustong saktan namin si Agatha.

"FLASH BACK"

Andito ako Ngayon sa club nag iinom nag lalasing dahil nag aaway kami ng Asawa ko, Arrange marriage lang kaming dalawa kaya Wala akong pagmamahal sakaniya Hindi ko din Siya Kilala bigla nalang siyang ipinakasal sakin ng Daddy ko Hindi na ako nag karoon ng pag kakataon na mag protesta dahil hawak ako sa leeg ng tatay ko.

" Why are you drinking sir?" Sambit ng batang waitress.

Bata pa Siya sa panahon na yun Hindi ko Naman siya pinansin dahil Hindi ko Naman siya Kilala bibigyan ko lang Siya ng Pera tiyaka ko Siya itinaboy na umalis sa table ko.

Lumipas Ang mga taon regular customer na ako ng bar na Yun, lagi ko din nakikita Ang waitress na babae Malaki na Siya Ngayon kaya Lumalabas na Ang totoong ganda Niya.

" Iha anong pangalan mo?" Tanong ko Naman sakaniya.

Niyaya ko Naman siyang umupo sa tabi ko at sumunod naman siya sakin.

" Farah po 21 years old na po ako" sambit Niya naman sakin.

Napangiti Naman ako ng dahil sa sinabi niya.

" Tara uminom muna Tayo" wika ko Naman sakaniya.

Kinuha niya naman Ang baso at tunungga mahilig din pala siyang uminom ng alak, nag kwekwentuhan kami ng kung ano ano at naramdaman ko sakaniya Ang Hindi ko pa nararamdaman noon Ang totoong pag ibig na Siya lang ang nag paramdam sakin.

Sa gabing Yun ipinaramdam ni Farah sakin Ang totoong pagmamahal at Hindi namin inakala na ang gabing Yun pala Ang mag babago ng buhay naming dalawa.

Lumipas Ang mga buwan at naging kami, Malaki na din si troy kaya Hindi na ako nag aaalala sakanila ng Ina Niya. Si Farah nalang lagi Ang gusto kung makasama kaya Naman niyaya ko siyang sumama sa Bahay noong una ayaw niya pa ngunit kalaunan ay pumayag din Siya na sumama sakin Hindi ko Naman inaasahan na mag dududa Ang Asawa ko kaya Naman pinipilit ko si Farah na akitin Niya si troy.

Nagawa Naman Niya Yun pero Hindi parin ako satisfy.

" Babe ano ba!!" Inis niyang wika sakin

Agad ko Naman siyang niyakap.

" Babe please ayuko lang Malayo ka sakin" sambit ko Naman sakaniya .

" Babe Naman e , malalayo na din ako sayo pag yang si Troy at nag kagusto na sakin edi gagawin Niya na akong Asawa niya!" Inis niyang wika sakin.

Andito kami ngayon sa hotel naka check in kaming dalawa kaya walang nakakaalam kung anong pinag uusapan namin.

" Babe Naman may Plano na Tayo nito wag ka ng mag mamatigas please baby" wika ko habang nag mamakaawa sakaniya at hinawakan ang bewang Niya.

" Last na to, pag Ikaw nag seselos sa mga pinang gagagawa mo Wala ka ng magagawa diyan dahil kagustuhan mo Naman ito, always remember that I didn't want it !" Wika niya naman habang nag tatampo sakin.

Hinalikan ko na lamang siya ng mapusok upang Hindi na Siya mag tampo sa akin.

Lumipas Ang Ilang Araw at sinimulan na namin Ang Plano naming dalawa , nag aaalangan pa Siya Nung una dahil ayaw niyang gawin ang Bagay na Yun.

" Babe pwede Naman tayong mag ka relasyon habang buhay pabayaan na natin yang Asawa mong Tanga" wika naman Niya sakin.

" Babe ayaw mo ba na Ikaw Ang magiging Asawa ko?" Sambit ko Naman sakaniya habang hinahawakan ang kamay niya.

" Babe Naman e , Hindi mo Naman magagawa Yan dahil aaasawahin ako ng anak mo Ng sa ganun Hindi niya malalaman na may ginawa tayong kalokohan!" Inis niyang wika.

Hinalikan ko naman siya para kumalma Siya at kinumbinsi ko Siya ng sobra sobra dahil gusto ko na talagang mabura sa Mundo itong Asawa ko.

Sa Araw na Yun ay pinapunta ko sina Agatha dahil isasagawa na namin Ang Plano namin ni Farah para matapos na ang lahat.

Ako Naman ay nag tungo na sa kwarto ng asawa ko.

" Anong ginagawa mo dito?" Tanong Niya naman sakin habang nakataas ang kilay.

" Wala lang" malamig kung tugon sakaniya.

" Kung Akala mo Roy Hindi ko alam Ang relasyon niyo ni Farah ? Nag kakamali ka tandaan mo na Lahat ng kayamanan natin ay Ako Ang may Ari kaya walang sayo dito!" Sigaw niya sakin.

Hindi na ako nakapag timpi at agad ko naman siyang sinaksak, Hindi na Siya nakapanlaban.

" K-kay Agatha--- ko ibinigay l-lahat ng Ari Arian k-..ko!" Nahihirapan niyang sambit ngumisi pa ito sakin.

Natulala Naman ako dahil sa sinabi niya , tamang tama nga Ang Plano ko Hindi Naman malalaman ni Agatha na Siya Ang may Ari ng lahat ng ari Arian namin dahil makukulong na Siya at mamamatay na din Siya sa kulungan dahil ipapahabol ko Siya sa mga tauhan namin na nandun sa loob ng selda.

Lumabas na ako at tamang tama nga at nandun na din Sila, inutusan ko Naman si Farah na ilagay na sa higaan Yung Asawa ko at takpan Niya ng kumot.

Walang makakahadlanh saming dalawa kami lang dapat dalawa Ang mag kakatuluyan at Wala ng iba.

" END OF FLASHBACK"

" Ang Tanga tanga talaga ng anak mo babe, akalain mo Yun sa tagal nating nag uusap ng patago ay hi di Siya nag suspect na Hindi niya anak si Nesha, halatang halata Naman na mag kamukha mayo ni Nesha" wika naman ni Farah habang tumatawa.

" Ano kaba hayaan muna yang si Troy sa katangahan niya Malaki Naman Ang naitulong Niya sa relasyon natin kung Hindi dahil sakaniya edi matagal na tayong nabuking Ngayon" wika ko naman sakaniya.

Hinalikan niya naman ako at hinalikan ko din Siya pabalik.

" I love you babe"

" I love you too babe" sagot naman niya sakin.

Napangiti na Lang ako dahil sa wakas mag sasama na kaming dalawa.

THE REVENGE COLLABORATION CASA INFERNO;THE LEGAL WIFE REVENGE (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon