Wala akong tulog dahil sa Dami ng iniisip ko Hindi ko alam kung paano ako lilisan sa lugar na ito. Maraming mga possibleng mangyari pag tatakas ako Malaki ang Kaso at alam kung hindi pwedeng ganun ganun lamang ako makalabas makapangyarihan Ang kalaban ko.
" Ano bang bumabagabag sa iyo ate?" tanong ni Mesha sakin andito Sila pinatawag ko dahil mag papaalam ako.
" Tatakas ako" sambit ko sakanila nakatingin naman sila sakin na para bang nagtataka.
" B-bakit mo sinasabi ito samin?" Wika naman ni mang ador.
" Hindi kaba nangangamba na baka ipag Sabi namin?" Wika ni cosme sakin.
Umiling naman ako bilang tugon sa mga sinabi nila.
" Basta tatakas ako, itatakas pala ako" wika ko sakanila.
" Sinong magtatakas sa iyo? Yung boyfriend mo?" Sambit Naman ni Nanay Gloria.
Natawa na lamang ako sa sinabi nito, walangya talaga yang kapatid ko na yan parang timang.
Sinakyan ko nalang ang ikinalat niyang impormasyon na magkasintahan kami. Tumango Naman ako habang may ngiti sa mga labi ko.
" Mag ingat ka Agatha napaka delikado ng gagawin niyo" sambit Naman ni Mang Asor sakin.
" Si warden Naman mismo Ang tutulong sakin na makatakas ako dito" wika ko sakanila.
Kumunot naman ang mga noo nila ng dahil sa sinabi ko, Ang Mukha Naman ni Nanay Gloria at Hindi makapaniwala.
" Totoo ba yang sinasabi mo?" Wika naman Ni Nanay Gloria.
Tango na Lang din Ang isinagot ko sakaniya.
" Naku Agatha mag ingat ka sa warden na yan dahil balimbing Yan" wika naman ni Cosme sakin.
Tumango at ngumiti sakanila.
" Wag kayong mag alala pag nakabangon na ako sa bangungot na ito babalikan ko kayo dito, wag kayong mag alala dahil tutulungan ko kayo" wika ko sakanila.
" Mag ingat ka Agatha, hihintayin ka namin" wika naman ni Mang ador.
Isa isa na silang lumapit sakin at niyakap ako.
Umalis na din sila pagkatapos dahil paniguradong papagalitan na Naman sila ni warden. Ng makaalis na sila ay may pumasok naman sa loob ng kwarto kung San ako nag papahinga.
"Agatha..." Wika niya sakin.
" Hayes?" Sambit ko naman nagtataka Naman ako sakaniya.
" Kumusta kana ?" Sambit nito sakin.
" Medyo naging mabuti na ang aking pakiramdam " sambit ko sakaniya.
" Nga pala nangungumusta dn si El mayor sa iyo" sambit nito sakin.
"Sabihin mo na okay lang ako, Nga pala bakit ka napapunta dito? May kailangan kaba?" Tanong ko sakaniya.
Tumingin Naman Siya sakin at parang natatawa.
" Wala, alam mo Kasi at nakikita ko Isa ka ding baguhan dito at Ang kaibahan natin ay madali kang umiyak. Ang payo ko sa iyo ay magsanay ka at mag pakalakas narinig ko din Kasi na Dawson Ang umgrabyado sayo " sambit nito habang di makatingin sakin.
" Kilala mo Ang mga Dawson?" Tanong ko dito.
" OO, mga kaibigan Sila ng Tate Yung nag pakulong sakin at umagrabyado sakin" sambit nito sakin.
"Hays, talagang namumuro na yang mga elite squad kesyo maraming connection ay aapakan na nila ang ibang tao" sambit ko sakaniya habang iiling iling.
" Tss, Hindi ko nga alam kung anong susunod na hakbang ko dahil Hindi pa Naman ako nakakalaya, pero sa oras na makalaya ako dito maniningil ako" seryusong sambit nito.
BINABASA MO ANG
THE REVENGE COLLABORATION CASA INFERNO;THE LEGAL WIFE REVENGE (COMPLETED)
Random" IF LIFE GIVE YOU SH*TS, BE A BIGGER SH*TS!" Revenge is not for everyone, life messes up all the time, but if you're brave enough to face the world, you'll become unstoppable. How would you survive if everyone around you is killing you slowly, what...