CHAPTER 40: CORONATION NIGHT

7 0 0
                                    

Halos lahat ng tao ay andito Ngayon sa Auditorium may mga celebrity din na nanonood at mga model din.

" Are you ready baby?" Tanong ko Kay Athena.

Iiling iling Naman Siya dahil nakita Niya na Wala pa si kuya.

" Don't you worry pupunta si daddy mo" sambit ko Naman sakaniya.

" Sige po" malungkot nitong sambit sakin na para bang napipilitan lamang siya.

" Aww, she's so sweet troy don't deserve a child like Athena" wika naman ni Angela sa likuran ko habang nakatingin Kay Athena na nalulungkot na naka yuko sa upuan nila.

" Hays, asan naba Kasi si Kuya Hindi paba nag tetext sayo?" Tanong ko Naman kag Angela dahil impossible na malelate yun.

" He's there!!" Sambit Niya habang nakangiti na tinuturo si Kuya.

Nilapitan ko naman ito agad dahil kanina pa Siya hinihintay ng anak ko, ewan ko ba Hindi Sila mahihiwalay. Si Kuya ayaw may ka tabi sa kwarto pero pag si Athena na Ang mag request sakaniya Wala ng pag dadalawang isip.

Maya Maya pa umupo na kami sa Pina ka unahan dahil mag sisimula na, kami ni Angela Ang nag aayus Kay athena.

Si Mesha Naman at Florence Ang nag babantay sakaniya doon sa back stage dahil kailangan na may magbantay sakaniya mahirap na baka mag ka gulo pa lalong Lalo na mainit Ang ulo ni Farah sakin ngayon dahil first runner up lang ang anak niya.

" Hello everyone, are you ready!!" Masiglang sambit ng host.

Napuno Naman ng sigawam at tilian Ang auditorium alam ko Naman na kinakabahan Ang anak ko kaya gusto kung makita niya ako dito sa unahan upang mapalakas Ang loob niya at mabawasan Ang kaba Niya kahit kunti man lang.

Tinawag na Ang mga candidates at Isa isa na silang rumampa sa harap ng maraming tao.

" Let's welcome from kinder 2, Nesha Tiffany Dawson" wika ng host at rumampa Naman Ang anak ni Farah.

Cute din Naman Ang bata na ito Kaso sobrang maldita lamang namana Niya sa Ina niya.

" That's my baby!!" Dinig kung sigaw ni Farah, ngunit di man lang ngumiti Ang anak niya dahil ata Hindi ito nasiyahan na Hindi Siya Yung Queen of elite school.

" Si athena na!!" Excited na wika ni Draven, mas excited pa ang boys samin Kasi ako kinakabahan ako ng bonggang bongga Ngayon para tuloy ako Ang rarampa sa entablado ngayong Gabi nakaka tense Naman ito ano kaya ang iniisip nag anak ko Ngayon sana naman maging maayus lang ang lahat.

" Let's welcome Athena Hillary Belmonte!!" Sigaw Ng host at lumabas naman Ang anak ko.

Sobrang ganda ng anak ko nakangiti Naman ito at pinagbutihan Ang pag rarampa sinunod niya talaga Ang itinuro ni Angela sakaniya.

" My future Ang baby ko" naiiyak na wika Ni Angela.

" Oh Diba? Kung Hindi mo nakaya Yung modeling parang sakaniya nalang ata Yun" wika ko Naman habang tumatawa.

" Oo nga" wika naman niya habang nakangiti.

Todo sigaw Naman Ang mga boys na Kasama namin pati si Trigo ay may dala dalang banner, may tarp pa silang dala dala at winawagayway ito. Ang lakas ng trip ng mga ito.

Ilang minuto at natapos na din ang unang sabak, Ang susunod Naman Ang sports wear gusto Niya daw ang taekwondo kaya yun Ang ipinasuot ko sakaniya.

Dali dali naman kaming pumunta sa backstage at dinala na Ang mga susuotin niya.

" Hey baby" wika ko Naman dito at hinalikan siya sa noo niya.

" Mommy!" Masaya niyang sambit at yumakap sakin.

THE REVENGE COLLABORATION CASA INFERNO;THE LEGAL WIFE REVENGE (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon