CHAPTER 84: THE TRUE HEIR

3 0 0
                                    

Matapos ang Gabi na nahimatay si Lesley ay dito muna siya namalagi sa hideout ko, di na muna ako bumalik sa Bahay dahil Wala Doon Ang pamilya ko.

" Sir good news!!" Sambit ulit ng private investigator ko.

" Ano ??" Tanong ko Naman sakaniya habang nakakunot ang noo.

Maagang maaga pa Kasi at umiinom pa kami ng kape ni Lesley at nag uusap muna kami tungkol sa mga bagay bagay kung sakaling Makikita namin Ang anak namin.

" We found your children" wika naman ng tauhan ko.

" Asan ??" Wika naman ni Lesley sakin.

" Nasa Bahay ampunan na sobrang luma na dun Sila napadpad pero mga ilang taon lang silang nanatili Doon dahil inampon na sila " wika naman ng tauhan ko.

" Sino Ang nag ampon sakanila?" Tanong ko Naman sa tauhan ko.

Hindi nalang didiretsuhin na sasabihin Ang dapat sabihin kailangan pa talagang itanong sakaniya Ang lahat.

" Ang nag ampon sakanila ay Ang mayamang pamilya na sina Mr. And Mrs. Colen, at base sa investigation Dina Agatha at Angelo Yun Ang mga bata na inampon nila " wika naman ng tauhan ko na ikinagulat ko.

Hindi ako makapag salita dahil nagulat parin ako, Ilang minuto bago ako makapag salita si Lesley Naman ay umiiyak na sa tuwa.

" S-so ibig sabihin all this time anak ko Ang inaalagaan ko, si Angelo Ay si Louise na pinalaki ko at Si Agatha ay si Lily?" Wika ko habang nabasag na Ang boses ko ng dahil sa tuwa ko.

" OO, base thin sa investigation pinalitan Ang pangalan nila dahil Wala silang Maalala" wika naman ng tauhan ko.

" I want to see my children, Loyd please dalhin mo ako sa mga anak natin" wika naman ni Lesley habang umiiyak.

Tumayo na ako at kinuha ang coat ko.

" Paki handa nga private jet aalis tayo" sambit ko Naman.

Hahakbang na sana ako ng biglang may tumawag sakin.

" Sh*t!!" Sigaw Ng tatlong tauhan ko kaya napabaling ako sakanila.

" Supremo...." Kinakabahan nilang sambit kaya kumunot naman ang noo ko na nakatingin sakanilang tatlo dahil nag tutulakan Sila kung sino ang. Nag sasabi sakin.

" Pwede bang sabihin niyo na!" Seryuso at maawtoridad kung wika sakanila kaya  tumayo naman sila ng tuwid at tumingin sakin.

" Si Sir Angelo po at Ma'am Agatha at pati Yung mga Kasama Niya dalawang linggo ng na comatose at Hindi pa sila nagigising. Binombahan daw po Yung Bahay nila at may matinding laban po na naganap sa pagitan nila at sa mga Dawson" sambit Naman ng tauhan ko napakunot Naman ako ng noo.

" D-dawson?" Tanong ko Naman.

Doon ko lang narealize na Dawson pala si Agatha noon , at Ang pamilya na Yun Ang Isa sa kumidnap sakanila.

" Yes po, elite squad po Ang kalaban nila andun Ang mga malalaking tao na Sina Mr. Tate at Mr. Dawson at Yung iba pa nilang Kasama sa business world na may mga kapangyarihan din " wika naman ng tauhan ko.

" Omy!! Anong nangyayari sa mga anak ko" iyak na wika ni Lesley.

Napakuyom Naman ako ng kamay ko, ngunit bigla namang tumunog ang cellphone ko kaya naman agad akong napakalma at kinuha ang cellphone ko.

" Hello" malamig kung tugon.

" Grand dad" iyak na sambit ni Athena.

" Baby, how are bakit ka umiiyak" sambit ko habang nag aaalala.

THE REVENGE COLLABORATION CASA INFERNO;THE LEGAL WIFE REVENGE (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon