CHAPTER 75: THERE WINNINGS

3 0 0
                                    

" SEBASTIAN POV"

Naeenjoy pa kaming pahirapan itong mga lint*k na ito na andito Ngayon sa loob ng hideout namin ng biglang may tumawag na tauhan ni Hayes Mula sa hospital.

Agad Naman kaming nakatingin Kay Hayes dahil nag aabang kami kinakabahan Naman ako at Hindi mapakali gusto ko agad na malaman Ang dahilan kung bakit Sila tumawag sakin.

" Good news, gising na silang lahat" wika naman ni Hayes.

Halos lumundag ako sa tuwa ng marinig ko Ang mga salita na yun.

" Yes!!" Sambit ko at nauna ng lumabas.

" Hoy Sebastian dito ka muna!" Wika naman ni Chester sakin.

Nakasimangot Naman akong bumalik sa inuupuan ko kanina, walangya Naman Ang mga ito.

" We need to surprise them, ano Mukha mo lang ang ipapakita mo sakanila edi mabubwesit Yan Sila pag nakita nila yang pag mumukha mo" sambit Naman ni Chester sakin.

" Ang gwapo ko Naman para mabwesit Sila" sambit ko Naman sakanila.

Dali dali naman kaming nag usap usap tungkol sa bibilhin namin sakanila, dali dali naman kaming umalis at nag tungo na kami sa parking lot. Pinalibutan muna namin ng security Ang kinalalagyan nila Farah para walang Maka pasok.

Pumasok na agad ako sa kotse at sumakay na din ang iba, Isang kotse lang ang sinakyan namin dahil Masasayang Ang gas pag tig Isa isa pa kaming kotse.

" Asan Ang Pera?" Sambit ko Naman sakanila.

" Ako lang ang mag hahawak nito baka Kasi ibili mo ng mga pagkain mo e " wika naman ni Draven sakin.

" Luh di kaya Ako matakaw" sambit ko Naman sakaniya.

" Di daw pero muntik mo ng ubusin Yung popcorn na dapat sating lahat" wika naman ni chester.

Di Naman ako umimik dahil totoo nga ako lang ang naka ubos Nung popcorn namin.

Nakarating na kami sa store na pag bibilhan namin ng mga pagkain namin.

Agad agad naman kaming bumaba at Ang tungo na kami sa loob ng store, bumili Naman kami ng ice cream, Mga sweets at lobo.

Pag katapos namin bumili sa store ay nag tungo na din kami sa Isang Restaurant upang mag take out ng mga pagkain, Restaurant ito ni chester kaya Hindi na kami nag bayad bahala siyang malugi diyan.

Bumalik Naman kami sa sasakiyan namin at agad agad naman kaming nag tungo sa hospital.

Pinalobo Naman nila ang balloon kaya nag kakatuwaan Sila sa loob ng kotse mga isip bata.

" Dito na Tayo mga ul*l" wika ko sakanila.

Ginawa ba Naman akong driver.

" Ul*l ka din oy!" Sambit Naman ni Draven sakin.

Ako na Ang nag dala ng Dunkin donuts at Nung pizza. Dali dali naman akong pumasok sa room nila Agatha.

" He-" bigla Naman akong napatigil ng marealize ko na iba na Ang mga tao na andito.

Naka oxygen at parang kakagaling lamang sa surgery ng mga tao na andito.

" Sir, bawal po kayo dito" sambit Naman ng Isang nurse at pinalabas agad kami.

" Miss asan na ba ang mga pasyente di-"

" Hoy, bat umabot ka sa emergency room" sambit Naman ni Draven at hinila Naman ako nito.

" San ba dapat Ako dumiretso?" Tanong ko Naman sakaniya, habang nakataas ang kilay ko sakanila.

" Ayun oh!" Sambit Niya naman sakin habang tinuturo ang kinaroroonan ng mga Kasama namin.

THE REVENGE COLLABORATION CASA INFERNO;THE LEGAL WIFE REVENGE (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon