CHAPTER 62: THE LAST MAN/ WOMEN STANDING

3 0 0
                                    

Dahan dahan kung iminulat Ang aking mga mata, ng makapag adjust na Ang mata ko ay agad ko namang napagtanto na nasa hospital na pala ako.

Walangya talaga Hindi talaga ako pinayagan ni kuya na mag hasik ng lagim, ngunit hindi ako papayag.

Tumayo na ako at agad agad ko na ding tinanggal sa mga kamay ko Ang dextrose, kahit masakit pa ang sugat ko ay Wala akong pakealam.

Nag tungo Naman ako sa parking lot at palihim na sumakay sa motor at inistart ko na ito, dali dali naman akong pumunta sa hide out namin upang kunin ang mga baril na kakailanganin ko.

Ng makuha ko na Ang lahat ng kailangan ko ay agad naman akong pumasok sa kotse ko na bullet proof, mas Maiging mag kotse nalang ako dahil marami akong dala Ngayon.

Una akong pumunta sa bahay ng Isang kaibigan ni Farah Yung lagi niyang Kasama sa meeting.

" Hinding hindi mo makakalimutan itong Araw na ito Farah" wika ko sa sarili ko at dali dali naman akong bumaba sa kotse ko.

Agad agad naman akong umakyat sa bakod nila at nag tungo na sa loob ng Bahay nila, agad naman akong nag punta sa kinaroroonan ng kotse niya at palihim kung inilagay Ang Bomba.

Ng matapos na ako sa pag Lagay ay dali dali naman akong umalis at nag tungo na sa kotse ko.

Nag hintay pa ako ng Ilang minuto, nakita ko Naman itong humalik sa lalaking may katandaan na napakunot Naman Ang noo ko dahil alam kung Hindi niya ito Asawa.

" Psh, may tinatagong baho pala itong babae na ito" wika ko Naman sa sarili ko.

Nakita kung papaalis na Ang kotse niya agad ko namang kinuha ang timer at pinindut ito.

"10,9,8,7,6,5,4,3,2.....1" sambit ko habang nakangiti at ng tiningnan ko ang kotse bigla Naman itong sumabog at lumiyab.

Dali dali naman akong umalis at nag tungo na sa Bahay, Wala akong pakealam kung tatalakan ako ni kuya gagawin ko Ang gusto ko.

Pagkarating ko ay nakita ko na siyang naka upo at parang hinihintay ako.

" You really want them to suffer" wika naman ni kuya habang nakangisi.

Tiningnan ko naman siya na para bang nag tataka ako sakaniya Hindi Naman Siya usually ganito Ang alam ko Kasi tatalakan Niya Ako ng sobra sobra Ngayon dahil sa ginawa ko.

" Alam ko Ang iniisip, but I realized you're big enough to do dangerous thing ipapaubaya ko na sayo Ang decision mo Ikaw na Ang bahala nito" wika naman Niya.

Lumapit naman ako sakaniya at niyakap siya ng mahigpit.

" Nasasakal ako Agatha" wika naman Niya habang nahihirapan na mag salita.

Natawa na lamang ako dahil sakaniya.

" Ano ba naman Kuya, seryuso ako kanina lang e tapos papatawanin mo ako ng ganito" reklamo ko naman sakaniya.

Ginulo nalang Niya Ang buhok ko .

" Always remember mag ingat lagi dahil may uuwian ka pang anak , wag kang padalos dalos pag sa tingin mo sobrang delikado na tawagan mo agad ako pag ganun na Ang sitwasyon" wika naman Niya sakin.

" Copy boss" sambit ko habang naka saludo pa sakaniya .

Tumayo na Naman ako dahil bibisitahin ko muna Sina Angela at Athena.

Nag paalam na muna ako Kay kuya at sa anak ko.

" Mommy kailangan ko po ng Kasama dito sa Bahay" wika naman ng anak ko.

Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya sakin.

" Bakit? Diba Kasama mo si nanay Gloria?" Tanong ko Naman sakaniya.

THE REVENGE COLLABORATION CASA INFERNO;THE LEGAL WIFE REVENGE (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon