CHAPTER 50: BOMB

6 0 0
                                    

Napangiti naman ako ng makita ko si Kuya na nag lalakad patungo sakin, Hindi pa ata ito natutulog kakabantay Kay Chandria may nasesense na akong kakaiba dito ah mukhang may kakaiba sa kinikilos ng kapatid kung allergic sa lovelife.

" Why are you smiling like that??"  Nakakunot noo nitong sambit sakin.

Umupo na ito sa tabi ko na para bang malalim Ang iniisip Niya.

" Wala ah napangiti lang Naman ako, bakit? Bawal ba akong ngumiti Kuya?" Sambit ko Naman dito.

" Hindi ko Sinabi na bawal kang ngumiti, Ang akin lang nakakairita ka kasing tingnan pag ngumingiti parang may balak kang masama" sambit nito sakin.

Bigla namang kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya sakin.

" Grabe ka kuya " sambit ko Naman.

Inakbayan Niya naman ako at bumuntong hininga naman siya.

" What do you think about Chandria?" Tanong Niya.

Di na ako nabigla dahil alam kung mukhang tinamaan na ito ng pana ni kupido e.

" Para sakin she's okay, naiirita lang ako sa tuwing naging oa na Siya" sambit ko Naman sakaniya.

Hinawakan Niya naman Ang baba Niya at hinimas himas Naman ito na para bang nag iisip Siya ng matino at inaanalyze ang sinabi ko sakaniya.

" Kuya" sambit ko Naman habang nakatingin sakaniya.

" Yeah?" Wika Niya naman sakin.

" Inlove kana ba?" Sambit ko.

Bigla namang nag iba ang expression Niya, Hindi ko alam kung matatawa ako sa naging reaction niya kakaiba Kasi siya.

" I didn't think about being inlove" wika naman Niya sakin.

" Sabi ko nga e, mukhang Hindi Naman halata" wika ko Naman habang natatawa.

" Bakit kaba laging tumatawa" inis Niya namang sambit.

" Bipolar kaba kuya , kanina lang good mood ka tapos Ngayon? Ewan ko nalang Ang lakas ng topak mo!" Sambit ko Naman dito.

" Ano? mag cecelebrate parin ba kayo ng birthday ni Athena?" Pag iiba Niya ng topic.

" Hindi ko alam iniisip ko Kasi na baka mag tatanim na Naman sila ng Bomba sa magiging venue ng birthday ni Athena. Ayukong maranasan ni Athena na ganito kagulo" sambit ko Naman.

Bigla namang napatawa si Kuya sa sinabi ko.

" Anong nakakatawa sa sinabi ko?" Suplada kung sambit sakaniya.

" Alam mo ba , yang anak mo Sayang saya na makita na nag babarilan kami binigyan nga Siya ni Sebastian ng baril-"

" N-no? Hindi pwede!" Sagot ko bumilog Ang mga mata ko dahil sa sinabi ni kuya. Hindi ko Siya pinatapos dahil ayukong madumihan Ang kamay ng anak ko sa murang edad Niya palang.

" Agatha, I know bata pa si Athena pero Hindi mo ba naiisip na ganitong pamilya Ang meron siya, malapit sa gulo laging nakakasalamuha si Kamatayan. Hindi muna mababago na ganito Ang nakagisnan ng anak mo" wika naman ni kuya.

Bumuntong hininga naman ako at napatingin sa malayo.

" You taught her to be strong, kaya there's no point kung pipigilan mo pa yang anak mo. Nasa sa dugo Niya na Ang pakikipaglaban sa mga Masasayang tao" wika naman ni kuya.

Napaiyak na lamang ako dahil sa sinabi niya, masakit sakin pero totoo naman Ang sinabi ni kuya. Hindi lang ako handa na hahawak ng baril si Athena at makakapatay ng tao.

" Mom, why are you crying?"

Bigla ko namang pinunasan ang luha ko, kinuha Naman Siya ni kuya at pinaupo sa gitna namin.

THE REVENGE COLLABORATION CASA INFERNO;THE LEGAL WIFE REVENGE (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon