Masakit Ang katawan ko noong dumilat ako.
" Hmmm" mahina kung sambit.
" Ayan gising kana pala" wika ni madam Luciana habang nakangisi.
Madilim Ang lugar na ito Hindi ko alam kung saang parte na ito ng presinto.
" Para atang Hindi niya Tayo naririnig madam ah" wika naman ng Isang alipores Niya na may dala dalang alak.
" Hindi ba ?" Sambit nito habang nakangisi sa tauhan niya.
Agad naman itong lumapit sakin at sinampal ako ng ubod ng lakas Napapikit na lamang ako dahil medyo namanhid ang pisnge ko dahil sa lakas ng pagkasampal Niya sakin.
Tutulo na sana Ang luha ko ng maalala ko Ang sinabi ni Nanay Logreng sakin. Kung lagi na lamang akong iiyak ay lagi nila akong aapihin dahil alam nilang mahina ako at madali lamang akong sumuko Magiging kawawa lang ang anak ko.
Tinatagan ko Naman Ang loob ko at di nag pakita ng kahit anong emosyon.
" Aba, Hindi kana ata nakakaramdam ng sakit " nakangising sambit nitong si madam Luciana sakin.
Hindi ko Naman ito pinansin at nakatingin lamang ako sa malayo iniisip ko na lamang si Angelo, mga Masasayang ala ala namin dahilan upang mapangiti ako.
" Nagawa mo pa talagang ngumiti" wika nito at bigla Naman Niya hinawakan ang buhok ko at hinablot ito ng napakalakas.
" Ano ha!!" Sigaw nito sakin.
Di naman ako Ang pakita ng takot sakaniya at tiningnan lamang ito ng malamig, kailangan kung maging malakas dito dahil aapihin lamang ako kapag lagi nalang akong iiyak sa harap nila.
" Aba madam Hindi parin umiyak" wika ng alipores Niya habang nakangiti.
" Yan Ang gusto ko Yung pinipilit Ang sarili na maging malakas kahit Hindi naman" sambit nito habang nakangisi.
Binitawan Niya naman agad ang buhok ko ng pabato.
" Ibigay mo nga yan sakin" wika nito habang may pinapaabot sa alipores niya, agad namang ibinigay ng akipores Niya Ang dos por dos na kahoy.
" Tingnan lang natin kung Hanggang kailan ka mag mamatigas diyan!" Sambit nito habang hinahampas hampas sa kamay niya ang kahoy.
Napalunok na lamang ako ng dahil sa sobrang kaba na nararamdaman ko. Napapikit naman ako ng itinaas nito ang dos por dos at ihahampas Niya na sana sakin ng biglang may nag salita sa likuran ko.
" Hoyyy!! " Sigaw Ng Isang malakas na tinig.
" E-el mayor" utal sambit ni Madam Luciana.
" May Bago ka na namang pinag titripan ah" sambit nito.
Tumingin Naman ako sakaniya, Ang tindig nito at napaka misteryuso, Ang alam ko ay nasa 13 Sila na selda.
" W-wala Naman po nag kakatuwaan lang kami dito" wika ni Madam Luciana.
" Pakawalan mo siya, wag kang mag papauto sa Pera Luciana. Alam mo kung anong mangyayari sayo pag ipinagpatuloy mo yan ang payo ko sayo mag Bago ka ngunit di mo parin ako pinapakinggan" mahinahon nitong sambit ngunit may pagkadiin simple Ang pananalita Niya ngunit nakakadala ito.
" O-opo" sambit nito habang nakayuko.
" Anong pangalan mo?" Wika nito sakin.
" Agatha po, bagong salta lang ako dito" wika ko sakaniya.
Tumango Naman Siya at kinalagan ako.
" Mag paka tatag ka, wag mong hayaang paparusahan ka ng iba at aapihin ka. Wag kang mag pakita ng takot at wag mo silang iyakan. Gamitin mo Ang sakit at Galit upang maging malakas ka sa laban ng buhay mo" wika nito sakin.
BINABASA MO ANG
THE REVENGE COLLABORATION CASA INFERNO;THE LEGAL WIFE REVENGE (COMPLETED)
Random" IF LIFE GIVE YOU SH*TS, BE A BIGGER SH*TS!" Revenge is not for everyone, life messes up all the time, but if you're brave enough to face the world, you'll become unstoppable. How would you survive if everyone around you is killing you slowly, what...