CHAPTER 68: REALIZATION

3 0 0
                                    

" DRAVEN POV"

Halos Hindi ako makatulog dahil sa pag alis namin sa mansion Hindi ko alam kung ilang linggo na ba akong Wala sa mansion, Hindi ako sanay na Hindi Sila makita kaya naisipan ko namang pumunta sa Bahay Nina Angelo.

Nasa condo lang Kasi ako tumambay sobrang boring at walang ka challenge challenge mabuhay pag ganito.

Ilang minuto lamang akong bumyahe at nakarating na din ako sa Bahay nila, nag tataka Naman ako dahil nakaawang lang ang gate at mukhang inabandona itong Bahay, kinabahan ako ngunit kinalma ko naman Ang sarili ko.

Pumasok na ako sa loob ng Bahay at nabigla naman ako ng makita kung bukas Ang pinto, kaya naalarma Naman ako at kinuha ang dala dala kung baril.

" Angela!! Agatha!!" Sigaw ko

" Bro!! Athena!!" Sigaw ko Naman ngunit walang sumagot sakin nag tataka na ako dahil sa inasta nila.

May nangyayari kayang masama sakanila?

Yan Ang tanong na bumuo sa isipan ko, wala na akong maisip kundi tawagan Ang mga ul*l na Yun.

Matagal Bago sumagot si Sebastian.

" Oh!" Malamig niyang tugon sakin.

" Ul*l tigilan mo na yan, walang tao Ang Bahay mukhang may nangyari sakanilang masama" wika ko Naman.

" Ano? Ang Sabi sakin ni Athena nasa hospital Sila baka napraning ka lang, Sina Agatha at Angelo Yun sa tingin mo mapapahamak sila" sambit Naman ni Sebastian.

Pinatay ko na Ang tawag dahil Wala siyang sense kausap si Sebastian.

Sinubukan ko namang tawagan si Florence ngunit hindi sumasagot, mas Lalo naman akong nag taka kaya dumiretso na ako sa hospital na tinatrabahuan ni Chandria, Ilang minuto lamang Ang iginugol ko at nakarating na ako sa Hospital maraming nurse na naka duty kaya nag tanong tanong ako.

" Miss may duty ba si Chandria Ngayon?" Tanong ko Naman.

" Ayy Wala po Siya dalawang araw na Yung pasyente nga po nila diyan walang Kasama nakarecover na Siya Kaso Yung bill Hindi pa na proseso dahil Yung mga Kasama din nilang pasyente na Sina Sir Angelo at Ma'am Angela ay nakaalis na sila" wika naman ng nurse.

Nabigla naman ako napatampal ako ng noo.

Ano bang nangyayari sakanila Nung mga panahon na Wala kami? Bakit nasa hospital silang lahat?

Yan Ang tanong na namumuo sa isip ko, na realized ko na sobrang selfish ko dahil sarili ko lang inuuna ko.

" Kung may mangyayaring masama sakanila Ang sarili ko mismo Ang sisihin ko!" Yan ang naisambit ko at nag tungo na sa Isang pasyente nila at nag taka Naman ako dahil si hadjie ito.

" Hadjie?" Sambit ko at umupo sa tabi niya.

" Sir Draven, Buti po dinalaw niyo ako. Iligtas niyo Sila Bossing Nanganganib Sila Balita ko Kay Ma'am Agatha 1 week na siyang pinahirapan ng mga Dawson at dun din si Athena bihag din nila" wika naman ni hadjie na ikinabigla ko.

Hindi ako makapag salita dahil nawalan ako ng lakas ng marinig Yun, gusto kung sampalin Ang sarili ko dahil sa nangyayari ngayon.

" Sina Florence, Chandria at mesha andun ba?" Tanong ko Naman.

Tumango Naman si hadjie sakin

" Patay na din si Simon dahil sa nangyayaring labanan Nung una, may sugat pa si sir Angelo at si Angela kaya nanganganib pa sila sa mga oras na ito mas Lalo na si Agatha " wika niya naman.

Dali dali naman akong tumayo at nag paalam na sakaniya, binayaran ko na din Ang bill At nag tungo na sa parking lot.

" Hoyyy!!" Sigaw ko agad pag ka sagot ni Trigo sa tawag ko.

THE REVENGE COLLABORATION CASA INFERNO;THE LEGAL WIFE REVENGE (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon