CHAPTER 65: GIVING HER ALL

3 0 0
                                    

Simula Nung nagising sina Kuya at Angela ay sumigla na Naman Ang anak ko Hindi mo Naman makakaila na miss na miss Niya na Ang dalawang to.

Nakahinga Naman ako ng maluwag ng magising na din si hadjie Yun nga lang Hindi muna siya makakausap dahil masakit parin sakaniya ang pagkamatay ni Simon.

" Agatha, what's the news about the elite squad?" Tanong ni kuya.

Tiningnan ko naman siya.

" Binombahan ko Ang Bahay ng Mga Dawson Bahay Yun ni Roy ewan ko kung may natira ba sakanila O Wala" wika ko Naman.

" Baka trap lang Yun?" Wika naman ni kuya sakin.

Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya.

Paanong trap Yun? E maraming tao dun e.

" Hindi Naman siguro" wika ko Naman.

Bigla naman kaming tumahimik ng bigla nalang pumasok si Florence hinihingal ito.

" Agatha!" Kinakapos na hininga niyang sambit.

" Napano ka?" Sambit ko Naman sakaniya dahil mukhang mag cocollapse na Siya sa sobrang hingal Niya.

" Si-si Chandria!!" Wika naman Niya.

Bigla namang napabangon si Kuya Mula sa pagka higa Niya.

" Ahhh-" wika naman Niya.

" Humiga ka ! Alam mo Naman Kuya na Hindi mo pa kaya e" inis kung wika.

Humiga Naman ulit siya ng dahan dahan, bawal pa Kasi bumangon itong si kuya.

" She's being kidnapped, ito Ang plate number " sambit Naman ni Florence at ipinakita Ang plate number sakin.

Kumunot naman ang noo ko dahil isa din ito sa mga plate number ng sasakiyan ng mga elite squad.

Tumayo Naman ako nangigil ako sa mga Yun pero kalmado parin ako dahil ayukong mahalata ni kuya Ang gagawin ko.

" Agatha always remember your daughter" wika naman ni kuya.

Humarap Naman ako sakaniya at tiningnan ito tiyaka tumango.

Nilampasan ko na si Florence at di na iniisip Ang panganib, agad agad naman akong nag tungo sa parking lot at sumakay na sa kotse ko marami akong dala na mga gun kaya Hindi na ako nag balak na pumunta pa sa hide out.

Alam kung nasa hideout Sila Ngayon kaya Naman nag mamadali na akong mag maneho patungo sa hideout nila.

Ilang minuto pa ang lumipas at nakarating na ako sa hide out nila nag park lang ako ng Ilang kilometro Mula sa hideout nila para Hindi nila ako mahahalata. Bumaba na ako at ng makababa ako nagulat Naman ako sa nakita ko napalibutan na ako ng mga tauhan ng elite squad at nakatutok na Ang mga baril nila sakin.

" Kumusta Agatha?" Sambit Naman ng tatay ni catleyah.

Diretso lang ang tingin ko at iniisip kung anong nangyayari sinet up ba Ako ni Florence? Paano niya nagawa sakin Yun?

Yang Ang mga tanong na namumuo Ngayon sa isip ko gusto kung bumalik Doon at confrotahin si Florence ngunit hindi na ako makakabalik dahil napalibutan na ako ng mga tate walang makakatulong sakin dito kundi Ang sarili ko lang din.

" Maaasahan pala yang kaibigan mo" wika naman ni catleyah.

Hindi Naman ako umimik nakatingin lang ako ng blangko sakanila.

" At kung Akala mo ay napatay mo Ang mga Dawson sa pagtatanim mo ng Bomba sa Bahay nila nag kakamali ka, Hindi pipitsugin Ang kalaban mo Agatha " wika naman Niya habang humihithit ng sigarilyo.

THE REVENGE COLLABORATION CASA INFERNO;THE LEGAL WIFE REVENGE (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon