CHAPTER 93: CHANCES

3 0 0
                                    

" AGATHA'S POV"

Bumuntong hininga naman akong nakatingin kina Kuya andito din Kasi ako sa private island ngayon nag chichill kami ni Angela, Hindi niya alam na andito kami dahil Hindi Naman kami nag paalam.

Nakita ko Naman na Pina upo Niya si Chandria sa upuan manghang mangha Naman si Chandria dahil napalibutan Siya ng tulips at puro purple Ang nasa harapan niya may mga barbie din na naka upo na naka kulay purple Ang dress pati buhok nila purple din.

" Kakaiba din itong si kuya Angelo mainlove sana naman ganiyan din si baby aeros ko " wika naman ni Angela kaya napakunot Naman ako ng noo.

" Diba Hindi niya naman inamin na gusto ka din Niya?" Sambit ko Naman sakaniya kaya nag iba naman ang tingin niya sakin.

" Grabe ka ha, nakaka hurt ka ng sobra" sambit Niya naman sakin.

" Delulu ka Kasi tigilan mo Yan masasaktan ka lang" sambit ko Naman Kay Angela.

" Di ah, nakikita mo Kasi na may crush din Siya sakin" sambit Niya naman habang kinikilig.

" Ayan example Yan ng pagiging delulu mo" sambit ko sakaniya bigla Naman siyang nag pout sakin.

" Grabe ka sakin" sambit Niya natawa nalang ako ng dahil sa sinabi niya sakin.

" Ikaw lang Kasi Ang kinikilig ng sobra pag lalapit na si aeros kaya natatawa Siya sayo pinapahalata mo Kasi masyado yang kalandian mo sakaniya, Sige ka baka maturn off Yan sayo" wika ko Naman Kay Angela at nakita ko Naman na nag iisip ito.

Iiling iling nalang ako ng dahil sa kapilyahan niya talagang Wala itong pakealam sa iba e.

Nanonood lamang ako Kay kuya na feel na feel Ang pagiging inlove Kay Chandria ng naumay na ako kakatingin sa sweet moments nila na Akala mo talaga silang dalawa lang ang tao sa Mundo ay umalis na din ako sumunod naman si Angela sakin.

" Omy G!! You're right!" Inis niyang wika sakin.

Kumunot naman ang noo ko ng dahil sa sinabi niya sakin.

" Anong sinasabi mo diyan?" Sambit ko Naman Kay Angela.

" You're right dahil Hindi nga Niya ako pinapansin Nung nakaraan dahil busy Siya sa pag PayPal ng barbeque at nauubos Siya sa usok kaya Hindi man lang Niya Ako nagawang sagutin sa mga tanong ko tungkol sa mga favorite Niya" wika nito habang nag mamaktol kaya napatampal nalang ako sa noo ko ng dahil sa sinabi sakin ni Angela.

Anong klaseng pag iisip meron Ang babaeng to Hindi ko alam kung anong kinain ng nanay Niya para madaling maul*l itong si Angela sa Isang lalaki hays talaga naman.

" Tumahimik ka nga, paano ka namana Niya sasagutin e nahihirapan nga Siya dahil sa usok aber?" Wika ko naman Kay Angela kaya napaisip Siya ulit.

Umupo na kami sa dalampasigan at tinitingnan ang alon at Ang buwan, Ang peaceful niyong tingnan at sobrang ganda hays I feel very comfortable with the ocean.

" OO nga no? Bat di ko naisip Yun?" Sambit Naman Niya.

Napapikit nalang ako dahil nawala bigla Ang pagiging comfortable ko ng dahil sa Kasama ko na ito.

" Bakit nagiging slow ka pag dating Kay Aeros Mukha kang Loka loka" sambit ko Naman Kay Angela.

" I don't know I feel something about him, Hindi ko alam na ganito pala ako ka patay na patay sakaniya Akala ko trip ko lang Siya dahil gwapo Siya but seeing him walking slowly towards me parang hihimatayin na ako sa hiya ng dahil sa kagwapuhang taglay Niya at Ang amoy Niya ahhh!!! Nakakatunaw!!" Sigaw niya habang hinahampas ako ng dahil sa kilig Niya.

" Hindi mo ba narerealize na lagi mo nalang akong binubogbog pag kinikilig ka Kay Aeros mukha kang timang diyan" sambit ko Naman Kay Angela.

" Ang init ata ng ulo mo ngayon?" Sambit Niya naman sakin.

" Wala lang ako sa mood" sambit ko.

Iniisip ko Kasi si Pierre kung kailan Siya mag eexplain dahil kung Hindi Siya nag eexplain Ngayon kailan pa?

" Ano ba Kasi Ang nasa isip mo?" Wika naman ni Angela sakin.

" Wala" sambit ko habang nakatingin sa buwan .

" Si Pierre?? Oyy aminin iniisip Niya si Pierre" sambit Naman ni Angela.

" Shut up, Wala na kaming chance ang tagal mag explain na buburyo na ako kakahintay sobrang duwag sarap ipalamon ng maraming bala" wika ko Naman Kay Angela natawa naman siya ng dahil sa sinabi ko sakaniya.

Maya Maya pa bigla namang may fireworks sa kalangitan, Mula dito sa inuupuan namin nakita ko Naman Ang fireworks na may salita na "WILL YOU BE MY GIRLFRIEND" nakita ko Naman si Kuya na naka luhod Kay Chandria.

"Say yes!!!" Sigaw ni Angela kaya napabaling Ang atensiyon nola samin.

" Hoy tumahimik ka!!" Sigaw ko dito at binatukan Siya nawawala Ang moment nila dahil sa kadaldalan niyong Lokaret na ito kanina pa ito.

Nakita ko Naman na niyakap ni Angela si Kuya ng mahigpit at ganun din si Kuya niyakap Niya din pabalik si Chandria.

Hanggang titig na lamang ako sakanila.

" Yes!!, congratulations!!" Sigaw ni Angela ahbang tuwang tuwa na chinicheer si Kuya.

Iiling iling naman ako, Maya Maya pa bigla namang tumunog ang cellphone ko kaya nag taka naman ako.

" Hello?" Sambit ko.

Sana Naman Hindi napano si Athena.

" This is Aeros asan ka ba?" Tanong Niya naman sakin.

" Andito kami ni Angela sa private island bakit ba?" Sambit ko.

Bigla namang pumunta sa gilid ko si Angela.

" Sino Yun?" Tanong Niya naman sakin.

" Yung kinababaliwan mo!" Sambit ko Naman Kay Angela.

" Omy!!" Sambit Niya at kinuha ang cellphone ko at pinakinggan ito.

" Wala na pinatay Niya na tinanong Niya lang kung asan ako" sambit ko Naman.

" Bakit daw? Di Niya ba Ako tinanong? " Sambit Niya naman sakin habang nakakunot ang noo.

" Hindi ? At bakit ka Niya naman tatanungin?" Sambit ko habang nakakunot ang noo.

" Wala, I'm just expecting " sambit Niya habang nalulungkot.

" Psh, Wala akong interest diyan sa aeros mo ha baka sabihin mong meron masasampal Kita" wika ko dito.

Natawa Naman Siya sakin.

Maya Maya pa bigla Naman akong may rinig na helicopter. Ng nakalanding ito bumaba naman si Aeros at seb, kumunot naman ang noo ko.

" Bro, hihiramin muna namin si Agatha" wika naman ni Sebastian.

" Sige dalhin niyo na yan para maayus Naman Ang love life niya" wika naman ni kuya.

" Patawa ka Kuya" wika ko dito.

" Tara na!" Wika naman ni Aeros at hinila ako.

" Wait isama mo si Angela " wika ko Naman.

Kaya kinaladkad Niya na din si Angela, sumakay na kami sa helicopter at agad na itong pinaandar.

" Anj paki Lagay nga uti sa mata niya" wika naman ni Seb.

" Omyy!! Akin na!" Excited na Sabi ni Angela .

" Wait nga lang ano bang ginagawa niyo sakin!" Wika ko Naman dahil Hindi ko maintindihan kung ano bang ginagawa nila sakin.

" Basta sumunod ka nalang sa gusto namin" wika naman ni Sebastian.

" Yeah, just shut up " sambit Naman ni aeros.

Di nalang ako nag salita at hinayaan nalang si Angela nailagay sa mata ko Ang blindfold na Yun , ano na naman itong kagag*han Ang naisip nila.


THE REVENGE COLLABORATION CASA INFERNO;THE LEGAL WIFE REVENGE (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon