CHAPTER 29: REACTION

9 0 0
                                    

" TROY'S POV"

I am thrilled to be here, gusto ko kasing Makita ulit Ang sexy at sobrang ganda na business partner ko. Nabwebwesit ako dito Kay Farah dahil buntot ng buntot sakin nakakawalang gana.

" Ano ba!! Can you leave me alone!" Inis kung wika sakaniya, nanggigil na ako ng sobra dito Kay Farah.

" What the!! Ano matapang kana Ngayon?" Wika naman niya sakin.

Ikinalma ko Naman Ang sarili ko dahil ayukong mag tatalo na Naman kami dahil paniguradong makakarating na Naman ito Kay daddy at Ako na Naman Ang papagalitan nun, sobrang napaka sipsip nitong si Farah.

" Fine, wag kang sunod ng sunod sakin dahil importante itong gagawin ko Farah" seryuso kung sambit sakaniya.

" Importante? Importante ba yang aaligid aligid ka sa mga babae na andito!" Wika nito habang may bitbit na wine.

Napapikit na lamang ako at napatampal sa noo ko.

"  Ahh, ang hirap mong pakiusapan, hays may pagka T*nga at kalahating b*bo ka din e !" inis na wika ko sakaniya.

Kinaladkad ko na ito papunta sa upuan namin at pinaupo ko na siya sa upuan, kaharap namin si daddy habang nakikipag usap Siya sa iilang negosyante.

" See, Yung daddy mo Ang may importanteng ginagawa Hindi Ikaw, nakikipag landian ka lang Naman sa  mga babae diyan " wika nito habang inis akong tinitigan.

Kanina pa ako naririndi sa babaeng ito, hays mali ata ako ng pinili e.

" You know kumpadre we have the best company, second best pala kasi Ang BM's Ang pinaka ka the best dito e" wika naman ni daddy.

Tss, kakaiba talaga itong si daddy dumiskarte, kahit alam ko namang naiinis Siya sa BM's company nasasapawan Kasi ang negosyo namin kaya sobrang Galit na galit si daddy. Pero sa business world Kasi kailangan mong kumampi sa mas malakas pa sayo.

" Ohh, here's your ninong troy" wika naman niya habang pinapakilala ako Kay ninong Lorenzo.

" Troy, iho kumusta kana and who's this beautiful young lady besides you?" Sambit Niya habang nakatingin Kay Farah.

Nakita ko Naman ang bahagyang pag kagat ni Farah ng labi niya.

" Farah!" Wika ko, dahilan upang bumalik Siya sa katinuan Niya.

" Hello I'm Farah Dawson I am Troy's wife" wika naman niya sabay abot sa kamay Niya.

Maya Maya pa ay napag pasyahan na naming, tumahimik dahil nasa harap na din ang host.

Pumasok Naman Ang ibang mga tauhan ng BM Kasama na ang mga lalaki na nakita ko Doon sa paaralan Kasama Yung maganda at sexy na business partner ko.

" Hello everyone, enjoy the food ha" wika naman ng host.

Maya Maya pa ay nag simula na ring tumugtog ang musika, nakikinig lamang ako habang itong si Farah Naman ay pilit hinahawakan ang kamay ko.

" What are you doing?" Nakakunot noo kung Sambit.

" I just want to hold your hand , ano bang mali dun?" Wika naman niya sakin.

Hinayaan ko na lamang siyang hawakan Ang kamay ko upang hindi na iinit Ang ulo ng babaeng ito.

Maya Maya pa ay nag umpisa na at pinakilala muna ang ibang mga tauhan sa Belmonte group Ang mga business partners at shareholders nila , Hindi maipag kakaila na talagang mayaman itong Belmonte dahil madami silang business partners at mga Tauhan.

Sunod Naman na ipinakikala Ang pinaka highlights ngayong Gabi Ang Bagong President ng BM's Group.

" Let's all welcome, The New president of BM'S Group The Lady of The Belmonte Clan... Miss Agatha Shellianie Belmonte Also Known As Agatha Dawson!!" Sigaw ng host.

THE REVENGE COLLABORATION CASA INFERNO;THE LEGAL WIFE REVENGE (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon