"SEBASTIAN POV"
Halos Isang linggo na din at tapos na Ang gulo ngunit Ang gulo sa isip ko kung Ako ba Ang pipiliin ni Angela ay Hindi pa gusto kung bugbugin yang kapatid ni Pierre dahil eepal epal pa Siya samin ni Trigo Ngayon tatlo na kaming lalaki Ang mag aagawan Kay Angela.
Di Naman ako mapakali sa pag tulog ko kaya Naman agad akong pumunta sa kusina at kumuha ng Isang bote ng beer, pag bukas ko ng ilaw ay bumungad naman sakin si Trigo na umiinom din ng beer.
" Pareho din ba Tayo ng iniisip kaya Hindi ka din makatulog" wika naman ni Trigo habang Hindi Makatingin sakaniya ng maayus.
" Hays, ano nga ba Tayo Kay Angela? " Yan Ang tanong ko Kay Trigo na Hindi niya masagot sagot.
" Kaya nga e, parang Tayo lang Naman may pakealam sakaniya at mukhang Wala Naman tayong pag asa dun" wika naman Niya.
Napabuntong hininga naman ako at agad na uminom ng alak.
" Hindi ko alam kung ano bang nangyayari sakin, Hindi Naman ako ganito noon walangyang unggoy na yan" wika ko Naman.
" Mas Lalo naman ako , baka may ginawa yang kakaiba Ang babae na yan" sambit Naman ni Trigo sakin at patuloy Naman kaming nag iisip ng solusyon sa problema naming dalawa Wala kaming ibang naiisip Ngayon kung Hindi tanungin si Angela kung ano nga ba kaming dalawa sakaniya.
Sumasakit na Ang ulo kakaisip ngunit wala Naman akong maisip na magandang solution sa problema naming dalawa ni Trigo, pareho lang kami ng problema pero sobrang hirap nitong solusyonan.
" Ano may naisip ka na bang magandang gawin?" Tanong naman Niya sakin, napatingin Naman ako sakaniya at tiningnan Naman Siya ng seryuso.
" E hinihintay nga Kita kung may maiisip kang magandang sulosyon sa problema nating dalawa" wika ko Naman Kay Trigo kaya napasabunot na Siya sa ulo niya.
" Wala ka talagang sense kausap seb, kaya nga Tayo andito para mag brainstorming tayong dalawa para makahanap Tayo ng sulosyon sa problema natin, Kasi kapag Hindi natin to nahanapan ng paraan syempre mababaliw tayong dalawa tapos silang dalawa mag papakasal na silang dalawa tapos tayong dalawa ay maiiwan lamang Tayo dito at magiging single for ever gusto mo ba Yun?" Wika naman Niya sakin.
Kumunot naman ang noo ko ng dahil sa sinabi niya sakin.
" Ano bang sinasabi mo diyan, sinong may sabi na sila lang ang mag sasaya mag hahanap din ako ng babae bakla ba Ako ?? " Wika ko Naman sakaniya.
" Ikaw lang ata Ang mag papatigil sa lahi niyo Trigo" wika ko naman sakaniya habang natatawa.
" Hindi ganun yun e walangya ka pinapangunahan mo naman ako " wika naman Niya sakin.
Natawa na lamang ako dahil sa sinabi niya sakin.
" Eh pag Wala na talaga tayong pag asa diyan sa unggoy na yan edi mag hanap Tayo ng maraming chicks" wika ko Naman Kay Trigo natawa na lamang siya sakin.
" So Yan pala Ang topic niyo dito alas dose na ng gabi " wika naman ni Draven samin
Bigla Naman kaming napatingin Kay Draven at niyaya na siyang umupo sa tabi namin at niyaya na uminom. Umupo naman siya at agad agad na nag salita samin.
" So anong gusto niyong gawin sa kapatid ko?? " Wika naman Niya habang nakataas ang kilay.
" Wala Naman bro, bakit ba?" Wika naman ni Trigo sakaniya.
" Binabanggit niyo Kasi Ang pangalan niya e, ganiyan ba kayo ka patay na patay sa kapatid ko" wika naman Niya samin.
Natawa na lamang kami ni Trigo dahil lumabas Ang pagiging protective brother Niya at bigla namang kumunot ang noo niya ng dahil sa pag tawa namin ni Trigo.
" Anong nakakatawa?" Wika niya naman Kay trigo.
" Eh kase Wala Naman kaming gagawin sa kapatid mo, nag uusap lang kami ni Sebastian kung ano nga ba kami Kay Angela Kasi katulad niyo na may gusto Siya Kay aeros" wika naman ni Trigo.
" So may gusto nga kayo sa kapatid ko?" Tanong Niya naman samin.
" Diba halata?" Sambit Naman namin sakaniya.
" Akala Kasi namin na trip trip lang ang sa inyo" wika naman Niya samin habang natatawa
" Kakaiba talaga Ang charisma ng mga Lahi namin tingnan niyo Naman na bingwit pa kayong dalawa" wika naman niya.
" Psh, kaya nga pwede mo bang tanungin Ang kapatid mo na pwede ba siyang Maka usap mamaya" wika ko Naman Kay Draven
" Hindi pwede!" Sambit Naman Niya samin.
Seryuso Niya itong sinabi kaya napakunot nalang Ang noo ko ng dahil sa sinabi niya sakin.
" Walangya naman bakit naman ganun " wika ko Naman Kay Draven at nag mamaktol na ako.
" Draven Naman pag gusto mong ligawan si Florence ilalakad ka namin sakaniya at sasamahan ka pa naming mang harana" wika naman ni Trigo sakaniya.
Bigla Naman siyang namula at natahimik nalang bigla.
" Bakit ko Naman siya lilugawan e Hindi ko Naman siya gusto" sambit Niya naman habang namumula at Hindi makatingin ng diretso samin.
" Ahh Hindi pala ah, flo Hindi ka daw Niya gus-"
" Hoy hoy ano kaba!!" Inis niyang wika Kay trigo.
" Hindi pala ah" wika Naman ni Trigo habang tatawa tawa ito sakaniya.
" Sige na Sige na, Basta wag kayong gagawa ng kalokohan sa kapatid ko dahil kung may nabalitaan ako na pinagloloko niyo yang si Angela kaming dalawa Ni Angelo Ang mag hahatid sa inyo patungo Kay Kamatayan" wika niya naman samin.
" Hindi Naman iba si Angela ah, may lilinawin lang Naman kami " wika ko Naman sakaniya.
" Basta Wala parin akong tiwala sa inyong dalawa gusto ko parin kayong suntukin" wika niya.
" Wag kang mag alala kami na Ang bahala ni Trigo" wika ko Naman.
" Ayus ayusin niyong dalawa Ang pakikiusap niyo, nga pala ipapasama ko si Agatha sakaniya " wika naman Niya samin.
" No problem" sagot ko Naman Kay Draven.
Maya Maya pa ay umalis na din ito at dalawa na Naman kami ni Trigo Ang naiwan dito nakatingin lamang kami sa sampung bote ng beer na andito pero Hindi parin kami malalasing at Hindi parin kami inaantok.
Uminom lang kami ng uminom Hanggang sa Hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako.
Sumapit na Ang Umaga at nag handa na ako , ako nalang pala Ang naiwan sa lamesa naligo na ako at nag bihis ng pormal para sa pag uusap namin Ngayon ni Angela.
Nakarating Naman ako sa park naka una na si Trigo.
" Kanina ka pa?" Tanong ko Naman Kay Trigo.
" Ngayon lang din ako" wika niya naman.
Nasa Mukha niya na kinakabahan talaga Siya ganun din Naman ako, ng marinig na namin Ang sasakiyan ni Angela ay huminga Naman ako ng malalim nakita ko Naman siya na bihis na bihis.
Umupo na Siya sa harapan namin at ngumiti samin ni Trigo.
" So anong sasabihin niyo make it fast !" Wika niya naman.
" Ehem, Hmmm may itatanong lang kami sa iyo. Aware ka Naman diba na gusto ka namin ni seb pero do you feel the same way ??" Wika naman ni Trigo.
" Answer it directly" wika ko Naman.
" To answer that question.... No. I don't feel the same way nakikita ko lang kayo as my older brother and may crush ako noon sayo trig but when I realized na Hindi pala crush Yun infatuation lang pala. I'm so sorry kung napaasa ko kayong dalawa" wika naman Niya samin.
" It's okay atleast now we know and it's over for us" wika naman ni Trigo.
" Group hug!!" Sigaw ko Naman at nag yakapan nalang kami.
Mag hahanap nalang ako ng ibang chicks, kesa mamahalin ko pa ang unggoy na ito maling desisyon talaga Ang ginawa ko e.
BINABASA MO ANG
THE REVENGE COLLABORATION CASA INFERNO;THE LEGAL WIFE REVENGE (COMPLETED)
Random" IF LIFE GIVE YOU SH*TS, BE A BIGGER SH*TS!" Revenge is not for everyone, life messes up all the time, but if you're brave enough to face the world, you'll become unstoppable. How would you survive if everyone around you is killing you slowly, what...