BREI'S
I kiss Cait before I got up. It's just five in the morning.
Cait is never an early person. Pero nitong nakaraang mga araw, mas late na sya nagigising than her usual morning self. Madalas rin syang mag sungit, dati pa naman, pero mas malala ngayon. Para syang palaging may toyo.
Konting bagay nakasiring at singhal agad sya. Lalo na sakin!
One week ko na syang binabantayan, after that call. Ako na mismo ang nag prisinta na magbabantay sakanya. Hindi ako papayag na iba, she's my wife and my responsibility after all.
Yun nga lang. Nag sasawa na ata sa pagmumukha ko ang asawa ko. Literal na palagi syang nakasinghal.
Para syang nag lilihi!
Shit!
Napatigil ako at tinignan ang calendar sa phone ko. It was almost three months since the IVF procedure. Cait never update me kung anong nangyari. If it's successful or the embryo already transfer to her.
Damn!
Bakit ba hindi ko naisip iyon? I didn't even bother ask her the results and updates!
Nagmamadaling bumalik ako sa kwarto. I didn't even think she will be mad if I'll wake her up.
"Babe.. Babe..."
"Hmmmm..."
"Babe.. Wake up!"
"Brei leave me alone! I'm sleepy!"
"I just want to ask something---"
"What the fuck?!" Napaurong ako sa lakas ng sigaw ni Cait sakin.
Para bang anumang oras magiging dragon sya at bubugahan nya na ako ng apoy. "Ano ba yun?!""B-babe---"
"Tsss.. Babe ka ng babe! Ano ba kasi yun?!" Inis na umupo sya at sinamaan ako ng tingin.
"Halos wala pang araw Brei, kapag yang itatanong mo hindi lang importante, sinasabi ko sayo. Sa presinto ka matu----"
"Are you pregnant?" Putol ko sakanya.
"What the--- why do you ask?" Inis pa ring tanong nya.
"I want to know. You never update me---"
"Tsss.. YOU. NEVER. ASK!" Napatanga ako sa bawat bigkas ng mga salita nya. Pero mas nag alala ako ng umiyak sya! Tang ina? Ano na namang ginawa ko?!
"H-hey---"
"Ano ba!" Inis na winaksi nya ang kamay kong hahawak sana sa balikat nya.
Tumayo sya saka pumunta sa walk in closet namin.
"Ang tagal tagal na nung IVF natin pero kahit kailan hindi ka nag tanong?! Alam mo bang nakakatuwa ka?!" Kaya ba sya nagagalit sakin nitong mga nakaraang araw?
Gulong gulo na ako!
"H-halatang hindi ka interesado sa resulta! I fucking hate you, Brei! Alam mo ba, gusto na kitang hiwalayang bwisit ka!" Inis na sabi nya sakin sabay bato ng tatlong pregnancy test.
Hindi ako makasagot, it is all positive. Damn! Mas malakas sya kay lord!
"I am pregnant. The IVF is successful. Kung gusto mo lang namang malaman. Tsss.. That's why I am this fucking emotional. Because of that damn hormones! Fuck it!" Umiiyak na sabi nya.
I reahed and hug her tight. Palag sya ng palag kaya naman mas niyakap ko pa sya. Panay ang hampas nya sakin. She didn't even mind where her hand will be landed, she just keep on hitting me.