CAITLIN
I hurriedly walk on the hospital. Not minding my big tummy.
I wanted to see Brei.
My wife!
Tears gushed instantly in my eyes when I saw Brei's Mom, crying and hugging by Dad.
Nandoon rin si Gomez at alvarez, parehong hindi makatingin sa akin.
"S-si Brei, Mom, Dad?" Hirap na tanong ko.
Pakiramdam ko ay may nakadagan na malaking bato sa dibdib ko.
"A-anak, sinong kasama mo?" Agad na salubong ni Mommy det sakin.
"U-umupo----"
"Asan po si Brei!" Ulit ko, pinipiksi ang kamay kong hawak ni mommy.
"I want to see my wife!"
"C-cait, please anak. B-baka may mangyari sa inyo ng apo ko" Pigil ni Daddy elmer.
"I want my wife Dad. I want B-brei-----" Napapikit ako at napahawak sa tiyan ko ng kumirot iyon.
"Cait!"
"Architect!" Lahat sila dinaluhan ako.
Nasapo ko ang aking tiyan dahil sa paglala ng kirot niyon.
Please, anak. Hold on. I want to see your Dada. I wanted to make sure that she's fine. Huwag ka munang lalabas anak, please.
Pakiusap ko sa isip ko sa anak ko. I reached for Dad's hand and look at him with a pleading eyes.
"P-please Dad, I want to see B-brei" Pakiusap ko.
"S-she's---" Napapikit sya at niyakap ako.
"P-please anak, tatagan mo" Halos mawala ako sa ulirat sa tumitinding kirot sa tiyan ko at sa iba't ibang isipin sa utak ko patungkol kay Brei.
Nakita kong sinenyasan nya si Gomez na buksan ang pinto habang si Mommy ay napahagulgol naman.
Takot agad ang bumalot sa akin, pero nilabanan ko iyon at nag umpisang maglakad palapit sa kwarto.
Yukong yuko si Gomez habang papalapit ako. Abot abot ang aking kaba habang papalapit ako sa pinto.
My heart literally stopped when I saw the bed covered by a white sheet.
It can't be.
This can't be!
"N-no... No... P-please!" Pinilit kong bilisan ang paglapit.
Sa bawat hakbang ko ay nadudurog ang puso ko.
"B-babe no! P-please!" My heart sank and my body becomes numb when I reached at the bed. I held her hand and I almost die when I see how burn it is.
Sunog na sunog at halos hindi makilala. Napuno ng sigaw at hagulgol ko ang buong silid. Ayokong paniwalaan. Hindi ito totoo!
"B-brei.. Babe! Please! W-wag ganito! Wake up! Fucking wake up babe!" Lahat sila pinigilan ako, pero ayoko!
Literal na nagwawala ako at pilit na inaalis ang kumot na nakatakip sa kanyang katawan.
I heard Mom and Dad calling me but I don't care.
"P-please anak! Isipin mo ang anak mo!"
"No! Brei don't do this to me! Wake up! P-please! Aaahhhh!"
"Cait!"
I scream loud when I felt a searing pain in my tummy.
Napahawak ako sa tiyan ko ng sumakit na naman iyon at may maramdaman akong tubig na umagos sa hita ko.