25

528 12 8
                                    

CAITLIN














"Architect!" I rolled my eyes when Gomez saw us and shout my name.

Hindi na nabago ang tawag niya na yun sakin since College at nililigawan ako ni Brei.

"Mabuti nakarating kayo. Ang lalaki na ng mga inaanak ko ah"

"Hi po Ninong!" Sabay na bati ng dalawang kambal.

"Mom can we go there po?" Paalam ni Brae habang nakaturo sa may harapan kung saan nagpeperform ang magician.

"Of course anak. Breielle, samahan mo si Brae" Tumango lang si Breielle atsaka inakay si Brae.

Pareho man silang tahimik pero mas expressive si Brae unlike kay Breielle na talagang kung di mo tatanungin, nasa isang tabi lang.

"Yung panganay mo Architect, minime ni Brei ah" Komento ni Gomez habang naglalakad kami papasok ng bakuran nila.

"Sinabi mo pa, Brei na brei yang batang yan"

"Ang galing nga nung name nya eh BREIelle tapos saktong sakto pa na minime na minime ng Dada Brei nya"

Napangiti naman ako sa sinabi ni Gomez.

Tama sya.. Physical apperance ni Breielle kuhang kuha talaga nya sa Dada niya pati nga galaw at kung pano mag isip parang si Brei lang din kausap ko minsan.

Tho, kamukha din naman ni Brei si Braelyn pero ang sabi nila mas kamukha ko daw si Braelyn, Si Breielle talaga ang mini version ni Brei.

"Wala ata si Bri?" Nagkibit balikat ako.

"Busy ata" It's been a week simula ng mangyari ang gabi na iyon na hinalikan niya ako.

Up to now, hindi pa siya nagpapakita.

Naduwag na ata or nagising sa ilusyon niyang gusto niya ako.

And I don't know why I am pissed.

"Bago yun ah. I heard kahit nasa kabilang panig ng mundo pag tinawag mo nagkukumahog ah?" Napatingin ako kay Gomez sa sinabi niya.

I don't know if he's joking or what.

"May sariling buhay rin naman siya"

"And that life your saying now involves you" Eto na naman po kami sa topic na to.

"Cait! Kamusta? Grabe mas gumaganda ka ah?" Salubong samin ni Des.

"Samantalang ako, eto. Mataba na naman, kakabuntis ng bwisit na to!" Inis na sabi ni Des kay Gomez.

Ethan Gomez is Brei's bestfriend since in the Academy.

"Nakakatatlo pa nga lang tayo"

"Aba eh ilan ang gusto mo?! Tsss..." 

"Si Brei nga o dalawa agad. Dinaig pa ko" Napatigil ako sa pag ngiti ng banggitin ni Gomez si Brei.

"S-sorry Architect" Nakita kong siniko ni Des si Gomez kaya nginitian at tinanguan ko na lang sila.

"Cait kumain ka muna. Hayaan mo muna ang mga bagets. Tara!" Inakay ako ni Des kung saan nakahain ang pagkain.

Halos lahat ng kasamahan ni Gomez ay bumati sakin at walang isa mang nagbanggit pa ulit kay Brei.

"Architect, kamusta po?" Napangiti ako ng lumapit sakin si Romero.

Mula ng maaksidente ako noon hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon na makausap at makapagpasalamat sakanya.

Sa dami pa ng mga nangyari.

"Romero! Oh my God. It's been so long!" Masayang sabi ko.

"Ikaw kamusta? Hindi kita nakita sa binyag ng kambal"

DADDY'S HOMEWhere stories live. Discover now