CAIT'S
"Congrats bakla!" Masayang bati ni Kr sakin.
May pa party poppers pa ang bakla pagkapasok ko sa condo nila ni Ken, two years partner nya.
"Congrats, Cait"
"Thank you bakla, Ken"
"Oh mag isa ka lang?" Tanong ni Kr, naka tingin pa sa likuran ko.
"May kausap lang sya saglit" Sagot ko naman, tinutukoy ko si Brei na nag paiwan sa parking dahil tumawag si Daddy Chief.
"Akala ko hinayaan kang mag byahe eh. Kukurutin ko singit nya!"
"Para kang tanga. Going three months pa lang kaya"
"Hoy bakla ka! Critical stage kaya ang first semester!"
"Wow, nagbuntis te?"
"Oo bakla! Sa pwet ko nilabas, Gaga ka!" Natawa ako sa pagkapikon ni kr.
Todo alalay kasi sa akin ang bakla akala mo naman ang laki na ng tyan ko.
"Wala ka bang cravings, bakla?"
"Wala naman.. Parang hindi nga ako buntis eh" Natatawang sabi ko.
"Sabi ni Doc Vin, may mga ganun daw talaga. Tas bumabawi sa last trimester ng pagbubuntis. Pero sana wag na. Ayokong mahirapan, baka maguilty pa si Brei"
Totoo yun, I don't want her to feel guilty and regrets about us having a baby.
"Tsss.. Yang jowa mo talaga bakla, wag mong pigilan kung may cravings ka dahil lang ayaw mong mag alala si brei. Iba ang sitwasyon mo, buntis ka. Whether she like it or not, buntis kana. Tanggapin nya yun! Pag hindi tsi-tsinelasin ko talaga sya!"
"Hon, you're so mean to Brei"
"Hoy wag mo akong kontrahin ha!" Duro nya kay ken.
"Kr para kang tanga"
"No worries Cait, sanay na ako dito sa kaibigan mo" Inakbayan nya si kr na todo inarte.
"Aba dapat lang. Wala ka ng mahahanap na kasing dyosa ko. Duh!"
"Ganda ka?!" Tukso ko kay kr.
Napatingin naman ako sa pinto, inaabangan si Brei.
Na natatagalan sa pagbalik nya.
"Oh bakla, kami lang ang pwede sa wine" Abot nya sakin ng juice.
"Natabunan na ata jowa mo, bakla"
"Babain ko kaya saglit?" Nag aalalang sabi ko.
"Tawagan mo nalang. Bakla, pulis yung jowa mo remind ko lang. Kahit nakapikit kayang bumaril nun" Nakangusong sabi ni kr, pero hindi nabawasan ang pag aalala ko.
"Saglit lang ha" Tumayo ako saka tinawagan si Brei.
Three rings before she answered her phone.
"Babe"
"Asan ka na? Bakit ang tagal mo----- are you running?" Agad akong kinabahan, rinig ko ang hingal nya.
"I'll explain later. Stay at Kr okay. Don't go outside babe. Wait for me there"
"Babe, are you okay? Nag aalala---"
"I'm okay. Don't worry. I love you" Hindi na ako nakasagot dahil binaba nya na ang tawag.
Agad akong sinalakay ng pag aalala.
May nangyari ba? We're just at the parking area before!
"Hoy bakla, anong nangyayari sayo?" Naluha ako sa sobrang pag aalala. Hindi naman ako dating ganun pero dahil siguro sa pagbubuntis ko, masyado akong emosyonal.