CHAPTER 2

29 1 0
                                    

THIRD PERSON'S POV.

"JUNNEL!" Narinig niya na sigaw ng isang babaeng tumatakbo papalapit sa lalaki. Naka-pony tail ang kulot at mahaba nitong buhok, habang nakasuot ng summer dress.

"There you are, babe." Lingon ni Junnel sa babae. "Kanina pa kita hinahanap."

Napairap sa pagkairita si Joanna nang halikan nito sa labi ang babae.

"Nakabili ka ba?" Malambing na tanong ng babae matapos siyang halikan ni Junnel.

Nalungkot ang ekspresyon ni Junnel. "Sold out na daw eh," sagot niya na ikinasimangot nung babae.

"Maghanap na lang tayo sa ibang coffee house." Suhestyon niya. Ngumiti ang babae saka tumango.

Pagkatapos, hinawakan niya ang bewang ng babae at nagpatuloy na sa kung saan.

Nang mawala sila sa paningin ni Joanna, saka niya lang napansin ang kanyang inis. Dahil bakit niya ba naririnig ang pinag-uusapan nila?

Tss.

Daig pa nila ang naka-speaker!

"Uy, bakit nakasimangot ka diyan?" Kalabit ni Delgie.

Bumuntong-hininga siya at patagilid na sumandal sa couch, habang ipinatong ang siko sa arm nito.

She was trying to look calm and acting like she didn't see anything.

"Hindi mo ba siya nakita?" Hindi niya mapigilang tanong kay Delgie.

"Sino? Si Junnel at iyong babae?"

Marahan siyang tumango.

"Ang kapal naman ng mukha niyang magpakita rito together with his girlfriend. " Sabi niya na bakas ang pagkairita sa kanyang mukha.

" Tangek! Hindi niya nobya ang babaeng 'yun. "

Paglilinaw ni Delgie saka ngumuso na parang may iniisip.

" Nakakapagtaka nga kasi after ng breakup niyo ni Junnel, hindi na siya nakipagrelasyon ulit. Ang weird nga kasi may nakakasama nga siyang ibang babae, hanggang kama lang naman. Kahit nga pangalan nang mga ito ay hindi niya matandaan." Pagkukuwento ni Delgie.

" Buti na lang talaga at naghiwalay na kami bago pa ako ginulantang at mabiktima ng pagiging player at fuckboy niya. "

Napalingon siya sa direksyon ni Delgie nang marinig niya itong bumuntong-hininga.

" Pati nga si Edwin na kaibigan niya, nagtataka rin sa biglang pagbabago niya. "

Si Edwin ang nobyo at ang magiging future daddy ng magiging anak nila ni Delgie. Though, hindi pa naman sila kasal dahil ang alam niya, unexpected ang pagbubuntis nito at wala pa iyon sa plano ng magkasintahan. Kasalukuyan pa kasing nag-iipon ang dalawa para sa kanilang kasal pero nauna ang baby kaya mauudlot ang dapat nilang plano.

"Sa tingin mo, Joanna. Bakit kaya siya biglang nagbago?" Curious na tanong ni Delgie kay Joanna.

Obviously, Delgie looks eager to know why he suddenly change. Pero wala siyang pake sa ex-boyfriend. Kesyo magbago man ito o hindi. Besides, pagdating sa pagbabago, dapat siya ang mayroon nun. Ang dami niya kayang binago para lang maka-move on.

"Teka, bakit nga ba dumating na ang usapan natin sa kanya?" Naiinis niyang tanong. "Nakakawalanggana, papasok na 'ko." Nag-walk out na si Joanna bago pa siya tuluyang mainis. Dere-deretso lang siyang pumasok ng bahay at nilingon si Bianca na tinatawag siya mula sa labas.

" Say thanks to our guest, ma. Biglang sumama ang pakiramdam ko. So I'll be going to bed. " Sabi niya. Pagkatapos, nagpatuloy na siya sa paglalakad.

Honestly, hindi niya na kayang mag-stay pa doon. Lalo pa at kabilaan ang naririnig niyang binabanggit ang pangalan ng lalaking iyon.

MONDAY.

Pagkatapos niyang mag-ayos ay agad na siyang dumiretso sa resort. Minutes lang ang time travel lalo na kapag nakamotorsiklo.

Pagpasok niya sa resort ay agad niyang pinagmasdan ang entrance. Marilag parin ito gaya ng huli niyang punta rito.

"Excuse me." Paumanhin niya sa babaeng nasa front desk habang abala sa kausap sa phone.

"Magandang umaga, ma'am. Welcome to J's Resort. Anong maitutulong ko?" Baling nito kanya matapos ibaba ang tawag.

"Ako iyong bagong employee. Pwede mo bang sabihin sa'kin kung nasaan si Mr Jovito Munceller? " Magiliw na tanong ni Joanna sa babae.

" Ah, ikaw pala iyong bagong staff ng housekeeping. " Nakaawang na sabi nito, na bahagya niyang ikinatawa.

" Correction. I'm the new event manager. "

" Event manager? " Hindi makapaniwalang bulalas niya." Seryoso ka? Hindi ka ba nainform na summer dress ang theme natin this month? " Tila nanenermon nitong sabi.

Natatawa siyang tumingin sa sahig at binalik sa babae ang kanyang tingin. "Like what I've said, I am new here. Kung alam ko lang, eh di sana hindi ako na casual attire ngayon, hindi ba? " Sarcastic niyang sabi.

Nakita niya ang paglunok nito ng laway. Tila nabulunan pa yata ito dahil sa bahagya nitong pag-ubo.

" So, saan ko makikita si Mr Jovito Munceller? " Pag-uulit ni Joanna sa tinanong niya kanina.

" Hindi pa maaaring makausap si Mr Jovito Munceller. " Napalingon siya sa kanyang likuran." Pero gagawin ko ang lahat nang aking makakaya upang sagutin ang lahat ng iyong katanungan. " Naglakad ito papalapit sa front desk.

" Ako nga pala si Jules Emman Munceller. Ang tagapangasiwa ng resort."

Pakilala nito na ikinagulat niya. Pakiramdam niya, humiwalay ang kanyang kaluluwa sa kanyang katawan nang mamukhaan niya ang nagpakilalang si Jules Emman Munceller. At ito ay walang iba kundi ang uncle ni Junnel. Hindi niya alam na dito pala ito nagtatrabaho.

"Ngunit bago ang lahat. Pwede ka bang magpalit ng damit?" Narinig niya ang pag-impit ng tawa ng babae sa front desk.

"Hindi ako nainform na may seasonal uniform pala today, kaya wala akong dalang damit pampalit." Paliwanag ni Joanna.

" That's okay. May mga naka-reserve namang mga uniform just in the same situation like this happened. Sumunod ka sakin. " Pagkasabi, naglakad na ito papunta sa kung saan. Sinundan niya na lang si Jules ng hindi umiimik.

"This is your office." Sabi nito nang huminto sila sa isang pinto. Kinuha nito ang susi sa bulsa saka binuksan ang pinto.

Nang buksan nito ang pinto ay parang binuhusan ng malamig na tubig si Joanna. Office niya ba talaga ito? Bakit parang pinaglumaan ang kuwarto? Tsaka mas bagay yata itong tawaging bodega kesa sa tawaging opisina.

"I know you are confused. Pero si Mr Jovito mismo ang nagsabi na ito ang magiging office mo."

How cruel. Bulong niya sa sarili.

" To be honest, ito na lang talaga ang bakanteng silid for managers. Konting linis lang 'yan tapos magmumukha na itong tunay na opisina. " Pilit itong tumawa, at tumahik din nang mapansing hindi satisfied si Joanna sa unang bungad ng first day niya.

Pasimple dinukot ni Jules ang phone sa bulsa at nilapat iyon sa kanyang tenga. Hindi iyon bumubukas-patay kaya alam niyang gumagawa lang ng dahilan si Jules at wala talaga itong kausap.

Inilayo niya ang phone sa tenga saka siya nilingon nito. "You can start cleaning your office muna, sa ngayon. I'll be back in a few minutes."

Nang isara nito ang pinto ay agad siyang napanganga. May housekeepers sila pero hindi man lang nila ito pinalinis? Nagpapatawa ba sila?

𝐁𝐈𝐑1: 𝐂𝐡𝐚𝐬𝐢𝐧𝐠 𝐀𝐰𝐚𝐲 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon