CHAPTER 5

12 1 0
                                    

JOANNA'S POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


JOANNA'S POV

"AFTER ten years ay nagkasama ulit tayong tatlo. Nakakatuwa naman!"

Nasa restaurant kami at kasalukuyan ng kasama si Mr Jovito. Despite of the conversation with Junnel ay pumunta parin ako.

" Like the old times. " Kalmadong dagdag ni Junnel. Unlike sa akin na parang mahihimatay na sobrang awkward and discomfort nararamdaman.

" Joanna, bakit parang hindi ka mapakali sa kinauupuan mo? " Baling ni Mr Jovito sakin.

" Ah, p-pasensiya na Sir. M-may dalaw na yata ako kaya medyo masakit na ang puson ko."

" Sabihin niyo na dad kung ano ang main dish ng dinner na 'to. Nang makapagpahinga na si Joanna."

" Hindi lang ito basta reunion, this is also a welcome dinner as our new manager sa resort. Ang main dish naman ng dinner na ito ay para sabihin ko sa inyong dalawa na sana maging sibil kayo kapag nasa trabaho."

"Don't worry Mr Jovito. Wala po kayong dapat na ikabahala. Kung anuman pong nakaraan sa amin ng anak niyo noon, pinapangako kong hindi iyon makakaapekto sa trabaho namin." Sinsirong sagot ko habang nakangiti ng mapait.

"Ahm, excuse me. Banyo lang po ako." Paalam ko saka mabilis na tumayo. Walang lingon akong naglakad papunta sa restroom.

Mabuti na lang at walang tao sa restroom. Walang nakakita ng katangahan ko. Bigla kasing nangilid ang luha ko nang humarap ako sa harap ng salamin.

Tinitigan ko ang aking sarili. Bakit ba ako umiiyak? Hindi ko maintindihan ang sarili ko.

May narinig akong mga yabag kaya agad akong nagpunas ng luha, at kunwaring naghuhugas ng mga kamay. Pag-angat ko ng tingin, nakita ko ang pamilyar na lalaking nila-lock ang pinto ng restroom kung nasaan ako. Sa takot ko ay bigla akong napaharap at napadako ang mga mata sa lalaking nakatayo sa tapat ng pinto.

"Anong ginagawa mo?" Nanginginig ang boses na tanong ko sa kanya.

"Bakit parang takot na takot ka, Joanna. Daig mo pa ang nakakita ng multo ah," unti-unti siyang naglakad papalapit sa'kin.

"Hanggang diyan ka lang, you jerk!" Singhal ko sa kanya. Subalit ngumisi lang siya.

"Let's make a deal."

"Deal mo mukha mo!" Tapang-tapangan na sigaw ko.

"I don't care kung papayag ka man o hindi sa sasabihin ko.  Alam mong ano mang naisin ko ay nakukuha ko. Kapag sinabi ko gagawin ko. Nasa sayo parin naman ang choices, stay or resign."

Malaki ang aking mga hakbang na lumapit sa kanya saka mabilis siyang sinampal.

" Ang kapal talaga ng mukha mong hayop ka!" Sigaw ko matapos siyang sampalin. "Sino ka ba para diktahan ako ng dapat kong gawin? Sino ka ba para dapat kong sundin? Sa pagkakaalala ko kasi, ikaw lang naman iyong unreasonable guy na nakilala ko. Kaya pwede ba? Leave me alone! " Hinawi ko siya dahil nakaharang siya sa daan.

Pagkalabas ko ay agad akong dumiretso sa table kung nasaan si Mr Jovito. Nakita kong abala ito sa kanyang laptop. Nang makalapit ako ay agad niya akong tinitigan.

" Are you okay? " Usisa niya na may pagtataka at pag-aalala.

" My apologies, Mr Jovito. But I have to go."

" Ha? Eh, hindi pa nga tayo kumakain." Naguguluhan niyang sabi.

" Pasensya na po kayo, Mr Jovito. K-kailangan ko na pong umalis. " Nagmamadali akong lumabas ng resort nang hindi lumilingon. Agad akong tumawid sa pedestrian at sumakay ng nakapark na tricycle.

Pagdating ko sa bahay ay sinalubong ako ni Delgie.

" Cousin, what happened to you? Hindi ka na nagreply sakin. Akala ko kung na pano kana. " Inalalayan niya akong maglakad hanggang sa paupuin niya ako sa sofa.

"Pasensya ka na, Delgie. May unexpected lang kasing nangyari kaya nawala na sa isip ko na magreply." Paumanhin ko habang pilit na pinapakalma ang aking emosyon.

"Tungkol ba 'to sa siraulo mong ex?" Mariing tanong niya, bakas ang galit sa tono nito.

Tumango ako saka hindi ko na napigilan pang umiyak sa harap niya.

"Uy, ano ba kasing nangyari?"

"Akala ko kaya ko na siyang harapin. Akala ko matapang na ako at kaya ng ipaglaban ang sarili sa gagong iyon! Napakawalangya talaga niya." Himutok ko habang sinusubsub ang mukha sa yakap ni Delgie.

"Ano ba kasi ang ginawa sayo ng tarantadong 'yun? Gusto mo bang ako na ang sumapak sa kanya?"

"Tumigil ka nga, nakalimutan mo na bang buntis ka?" Sita ko sa kanya na medyo natatawa. Hindi na rin napigilan pa ni Delgie ang hindi matawa. Lumalabas kasi ang pagiging dual character niya.

"Uy, hindi ko nakalimutan buntis ako. Gusto ko lang talagang pagaanin ang loob mo. Tsaka h'wag mo ngang baguhin ang usapan."

"Sorry akin." Pinunasan ko ang aking pisngi. Nang luminaw na ang aking paningin ay agad kong tinignan si Delgie.

"Nagkita kami ni Junnel sa terminal ng tricycle kanina. Nakalimutan kong ang katapat nun ay ang restaurant na lagi naming pinupuntahan ng daddy niya. At kaninang hapon, may nagpadala sakin ng regalo at inimbitahan akong mag-dinner sa restaurant na iyon. Akala ko galing iyon kay Junnel kaya pinagpupunit ko iyong damit. It turns out na galing pala iyon sa daddy niya. Wala naman talaga akong planong pumunta kaso... " Humugot ako ng lakas bago nagpatuloy.

" Kaso...? "

" Kaso iyon nga, nagkita kami ni Junnel sa terminal. He challenge me so I had to prove myself that I am really over him. Pero noong naroon na kami sa restaurant, nakaramdam ako ng pagkailang. Lalo na noong banggitin at gunitain nilang mag-ama ang nakaraan."

Narinig ko ang pagtagis ng ngipin ni Delgie." Mag-ama nga sila. " Sambit niya.

"Nagdahilan akong umalis na pero ginawa pa iyon ni Junnel na opportunity para subukan ako. Nahihiya ako sa sarili ko dahil nanghina ako nang mga oras na iyon. Pero iyon na ang huli."

"Don't let him eat you again." Mariing payo ni Delgie.

Matipid ko na lamang siyang nginitian saka yumakap sa kanya. Parang ate ko na talaga si Delgie. Kaibigan na talagang maaasahan ko sa lahat ng bagay. Kaya napakaswerte ko talagang siya ang naging pinsan ko.

"Magpahinga ka na. Ayos na ako. Papasok na rin ako ng silid maya-maya. " Kumawala ako sa pagkakayakap ko sa kanya.

𝐁𝐈𝐑1: 𝐂𝐡𝐚𝐬𝐢𝐧𝐠 𝐀𝐰𝐚𝐲 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon