CHAPTER 11

6 1 0
                                    

JOANNA'S POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


JOANNA'S POV

"JOANNA, finally, nandito ka na! Kanina pa kita gustong ipakilala kay Mr Ciriaco Edem." Pakilala niya sa lalaking nasa tabi niya lang.

Nakatayo lang sila sa patyo habang nag-uusap pero nang makita niya ako ay agad na huminto si Mr Jovito at bumaling sa akin.

"Nice to meet you Mr Ciriaco."

"Oh..." Sambit niya. "So you are the lady that Jovito and Jules, talking about." Sabay hagod niya ng tingin mula ulo hanggang paa. Dahilan upang makaramdam ako ng pagkailang. Hindi rin naman kasi makakailang napakaganda ko sa suot kong stylish alluring asymmetrical white and blue na bestida.

"Hindi ko alam na naikukwento pala ako sa inyo nina Mr Jovito at Mr Jules." Nakangiti kong sabi. "Ahm, welcome nga po pala sa J's Resort. Talagang pinaghandaan namin ang pagdating niyo. Sana mag-enjoy po kayo." Bahagya akong yumuko.

" Kung ganun, let's have a dinner! I'll be more happy to eat while listening some ballad music. " Nasasabik na sabi niya kay Mr Jovito na agad naman siyang inanyayahan sa lamesa.

Nag-angat ako ng tingin sa banda-banda at sinenyasan silang maghanda na. Nang mag-sign ng thumbs up si Oliver ay agad na akong lumapit sa kanila at hinawakan ang microphone.

Napansin kong nagulat si Mr Jovito sa aking ginagawa at nagtataka kung bakit naroon ako. Wala kasi siyang kaide-ideya na hindi makakapagperform si Daisy kaya ako muna pansamantala ang papalit.

Magsisimula na sana kami nang maramdaman kong parang may nakatingin sa akin. Nagpalinga-linga ako at nakita ko si Junnel na nakatayo habang nakatingin sa direksyon ko. Bakas sa mukha ang pagkagulat at pagtataka. Ang akala niya siguro ay panghihinaan ako ng loob kapag nagtagumpay siya sa kanyang plano.

Nakakaloka ko siyang nginisihan sa nilingon si Oliver. "Let's start."

Tumango siya saka nagsimula na silang tumugtog. Umaalingawngaw ang isang awitin na labis kong pagsisishan pagkatapos ng gabing ito.

"Umuwi nang tila bang lahat nagbago na
Nawalan na ng sigla ang 'yong mga mata
Ngayon ko lang naramdaman ang lamig ng gabi
Kahit na magdamag na tayong magkatabi
Bakit ka nag-iba?
Mayro'n na bang iba?
Sana sinabi mo
Para 'di na umasang may tayo pa sa huli
Sana sinabi mo
Hahayaan naman kitang sumaya't umalis
Sana sinabi mo
Para 'di na umasang may tayo pa sa huli
Sana sinabi mo
Hahayaan naman kitang umalis
Umalis
Binibilang ang hakbang hanggang wala ka na
Nagbabaka-sakaling lilingon ka pa
Hindi na ba mababalik ang mga sandali
Mga panahong may lalim pa ang iyong ngiti?
Bakit ka nag-iba?
Mayro'n na bang iba?
Sana sinabi mo
Para 'di na umasang may tayo pa sa huli
Sana sinabi mo
Hahayaan naman kitang sumaya't umalis
Sana sinabi mo
Para 'di na umasang may tayo pa sa huli
Sana sinabi mo
Hahayaan naman kita...
Sana sinabi mo
Para ang mga ayaw mo'y aking iibahin
'Di ba, sinabi mo
Basta't tayong dalawa'y sasaya ang mundong mapait
'Di ba, sinabi ko
Gagawin ko'ng lahat upang tayo pa rin sa huli
Biglang nalaman ko
May hinihintay ka lang palang bumalik
Sana sinabi mo
Dahil 'di ko maisip, ano ba'ng nagawa kong mali?
Sana sinabi mo
Para 'di na umibig ang puso kong muli
Sana sinabi mo
Para 'di na umasang may tayo pa sa huli
Sana sinabi mo
Hahayaan naman kita...
Sana sinabi mo
Para 'di na umasang may tayo pa sa huli
Sana sinabi mo. "

Pagkatapos naming kumanta ay agad tumayo sina Oliver at ang ilang miyembro upang pumunta sa harap. Nginitian nila ako saka sabay-sabay kaming yumuko. Nagpalakpakan naman sina Mr Jovito at Mr Ciriaco na ngayo'y nagpupunas ng kanilang mga luha. Naudlot tuloy ang pamamasa ng aking mga mata at natatawa na lamang na bumaba ng entablado.

Nagpaalam ako kina Oliver na mauuna na akong aalis dahil kailangan kong magbanyo. Paglabas ko ng patyo ay sinalubong ako ni Mr Jules habang sa likod niya ay ang iilang guest na naka-assign sa balcony.

"Congratulations miss Dela Cruz. I don't know what is happening but I can't believe you are good at singing!" Hindi makapaniwalang bulalas niya.

" Thank you Mr Jules. Unexpected happened lang po sa vocalist ng banda-banda at ayokong masira ang gabing ito kaya... " Napadako ako ng tingin sa kanina'y kinaroroonan ni Junnel. He's staring at me with a tearful and jealousy eyes.

Gusto ko pa sana siyang asarin pero agad na siyang tumalikod at naglakad papalayo.

" Like what I've said, maybe he still loves you after all. He's on his way realizing his mistake. That's why he's confessing to you again. Because he wants you to come back to his life badly. Pero bago siya magtagumpay, kailangan niya munang tanggalin ang pait sa isip at puso mo. Bakit kaya hindi niyo pag-usapan ng maayos. Closure kumbaga. " -pag-echo ng sinabi sakin ni Delgie.

" Excuse me, Mr Jules. K-kailangan ko kasing magbanyo. Thank you po ulit at maiwan ko muna kayo. " Nagmamadali akong naglakad papunta sa banyo.

Pagpasok ko ng banyo ay agad akong dumiretso sa lababo, binuksan ang gripo at saka hinayaang umagos ang malamig na tubig mula rito.

Napabuga ako ng hangin ng sunod-sunod. Nakapikit na umiiling upang iwaksi ang isang imahe. Subalit hindi iyon maalis-alis sa aking diwa. Paulit-ulit itong lumilitaw sa aking isipan.

Bakit? Bakit ganoon ang mga titig niya? Mga tingin na parang may nais siyang ipahiwatig na particular na emosyon. At bakit hindi galit ang nararamdaman ko nang makita ko siya sa ganoong itsura?

"Like what I've said, maybe he still loves you after all. He's on his way realizing his mistake. That's why he's confessing to you again. Because he wants you to come back to his life badly. Pero bago siya magtagumpay, kailangan niya munang tanggalin ang pait sa isip at puso mo. Bakit kaya hindi niyo pag-usapan ng maayos. Closure kumbaga. "

Hindi ko namalayang pumapatak na pala ang luha ko, humahalo iyon sa umaagos na tubig mula sa gripo.

I'm strong and independent woman. But now ... I don't know anymore. Natutunaw na ba ang puso ko na naging bato na?

𝐁𝐈𝐑1: 𝐂𝐡𝐚𝐬𝐢𝐧𝐠 𝐀𝐰𝐚𝐲 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon