JOANNA'S POV
KAPAG minamalas ka nga naman. Bakit ba kung saan-saan ko na lang siya nakikita? Hindi na sana ako papasok nang makita kong pinipress niya ang button para hindi magsara ang elevator.
"Hindi ka ba nagmamadali?" Tanong niya.
Hindi ko na lang siya pinansin at pumasok na lamang ng elevator nang hindi nagsasalita. Wala na akong oras para maghintay pa ng susunod na elevator. Ayokong ma-extend ang oras ng paghihintay ni Mr Jovito. Sa ngayon, kailangan ko muna siyang tiisin.
"Hindi ka naman halatang pagod."
"Ta-anong nangyari? Bakit namatay ang ilaw?"
" Nasira yata ang elevator. "
Shit. Shit. Shit. We are stuck!
Parang gusto ko na tuloy magsisi. Sana tiniis ko na lang iyong pagod na nararamdaman ko at naghagdan na lang. Nakakainis, minsan na nga lang ako gumamit nito masisira pa? And the worst thing is that I'm with him!
Lumapit ako sa panel at humarap sa operating panel habang nakahawak ang kanang kamay sa handrails. Pinindot ko ng pinindot ang help button pero pati iyon ay hindi rin gumagana.
"H'wag mong pindutin ng pindutin ang button. Baka Kanda dapat-dapa ang mga engineer papunta rito." Pabiro niyang sita sakin. Pero hindi iyon ang oras para magbiro! I was trembling right now! Kung bakit ko pa kasi pinanood ang 'The Last Destination '
"Joanna, kailangan mong kumalma."
Mas nananaig ang takot at kaba ko kaya nang hawakan niya ang aking kamay ay hindi na ako umangal pa. "Ganyan nga. Maya-maya lang may dadating na para sagipin tayo ." Sambit niya habang nakatingin sa akin ng may pag-aalala.
Alam niya talaga kung paano pagaanin ang loob ko. To the point na parang gusto kong dumipende ngayon sa mga kamay niya. Pero ayokong manaig ang kagustuhan kong ito. Ayokong gawin niya itong dahilan para alwan ang takot na nararamdaman ko.
Kaya mabilis akong bumitaw sa pagkakahawak niya.
Bumukas ang ilaw ng elevator at muli na itong umandar paakyat. Kaya naman halos tumalon ang puso ko sa labis na pagkatuwa. Subalit ramdan ko ang tense na bumabalot sa loob ng elevator. Lalo na ng pareho na kaming hindi kumibo.
Bumukas ang pinto ng elevator at akmang lalabas na sana ako nang makita ko si Mr Jovito sa harap ng elevator. Seryoso ang ekspresyon sa mukha nito habang nakakrus ang mga braso.
Siya ba ang may pakana nito?
FIVE days ang lumipas. Nasa lunching house ako kasama si Delgie. Lunch break ko at day off niya naman. Kaya imbis na magpahinga, tinreat niya ako ng lunch para lang makichika sa kung anong nangyari sa akin habang nagtatrabaho sa resort ng nga Munceller.
"Hindi nga ako makapaniwala nang nalaman kong naghire pa talaga siya ng tauhan para lang manmanan ako? "
Humagikhik si Delgie na ikinasimangot ko. Anong nakakatawa sa bagay na iyon?
" Pasensya ka na, Joanna. Hindi ko kasi mapigilang hindi matuwa sa nangyayari sa inyo ngayon ni Junnel. Saksi ako sa mga pinagdaanan mo after your breakup. Siguro na realize niya ng hindi niya dapat iyon ginawa ten years ago. Kaya ngayon he's making an effort for you to love him again. " Inismidan ko lang siya. Kahit anong gawin pa niya, never na akong magkakagusto sa lalaking minsan nang sumira ng buhay ko.
"Alam ko naririndi ka na sa linya kong ito, pero hindi ako naniniwalang may gusto pa siya sa'kin. Kasi kung may gusto pa siya sa'kin hanggang ngayon, bakit siya nakipagbreak ng walang maayos na dahilan? Bakit niya hinayaang malugmok ako sa sa ginawa niyang pang-iiwan?"
" Like what I've said, maybe he still loves you after all. He's on his way realizing his mistake. That's why he's confessing to you again. Because he wants you to come back to his life badly. Pero bago siya magtagumpay, kailangan niya munang tanggalin ang pait sa isip at puso mo. Bakit kaya hindi niyo pag-usapan ng maayos. Closure kumbaga. " Paliwanag niya.
Closure. Imposible pa yata 'yan ngayong pag-usapan. Maybe one day I can do that after my heartache totally dispelled.
Junnel and I are immature, honestly. We are fighting over things that can still be fix. Instead of fixing it, we are ignoring that fact that it is fixable.
Tumingin ako sa suot kong wristwatch at ilang minuto na lang pala ay matatapos na ang break time ko. Ginawa ko na rin itong dahilan para makatakas sa makulit kong pinsan. Gusto kong takasan ang reality na gusto niyang ipaliwanag sa akin. Kaya nang magpaalam ako ay naiiling na lamang siyang tumayo. Kung noon galit na galit siya kay Junnel, ngayon parang gusto niya ng magkaayos kami. Sa kung anong dahilan ay hindi ko alam.
"Joanna, hindi masarap ang kinain mong tanghalian ngayon?" Nasa hallway ako papasok na ng opisina ko nang patakbo akong hinabol ni Mr Jules.
Nilingon ko siya ng may ngiti. "Ewan." Matipid kong sagot.
"Ngayong nakabalik kana, may nais akong ipagawa sayo." Deklara niya, saka huminto sa tapat ng pinto ng opisina at huminto na rin ako sa sana'y pagbukas ko ng pinto.
" Ano iyon? " Tanong ko na kasalukuyan ng ina- unlock ang pinto.
" In three days babalik na sa Philippines si Mr Jovito from states. Pagbalik niya, mayroon siyang nakaschedule na business dinner kasama ang kanyang matalik na kaibigan at nang mga investors. Ngayon, mahalaga ang dinner na iyon para sa atin at higit sa lahat, para sa resort. Kaya hindi dapat ito pumalya. "
" I'll do my best. "
" Good. May mga bagay na dapat kang tandaan para maiwasan ang mga hindi kaaya-ayang pangyayari. Unang-una allergic si Mr Ciriaco Edem sa hipon at gustong-gusto niya ang ballad songs. Medyo sensitive din siya pagdating sa pananamit lalo na kapag bago ka sa kanyang paningin. Siya rin ang sponsor ng charity camouflage na gaganapin next week, kaya baka ikaw ang nasa top list niya. " Patuloy na sabi ni Mr Jules sa akin na tuwid na tuwid ng nakatayo sa tabi niya . Gusto ko sanang ipagpatuloy ang aming pag-uusap sa loob ng office kaso hindi na yata kailangan.
" Thank you Mr Jules, tatandaan ko ang mga sinabi mo."
BINABASA MO ANG
𝐁𝐈𝐑1: 𝐂𝐡𝐚𝐬𝐢𝐧𝐠 𝐀𝐰𝐚𝐲
RomanceKung talagang mahal mo, bakit mo susukuan? Sapat ba 'yung dahilang pagod ka na? Sapat ba yung dahilang sawa ka na? Galit ka para lang sukuan ng taong mahal na mahal mo? Napapagod din naman ako! Pero never kong naisipan na sukuan ka! Kasi mas na...