It's official. Iyan ang sagot ni Junnel sa mga taong nakakakita sa kanilang dalawa na magkasama.
Maraming naiinis. Maraming nagagalit. Maraming may ayaw sa kanilang relasyon.
But this time, ayaw na nilang maging rason ito para pigilan sila sa gusto nila.
Gusto na nilang maging malaya sa mula sa mga taong walang ibang ginawa kundi ang husgahan ang relasyon nila.
Lalong-lalo na sa mommy ni Joanna na wala pang kaalam-alam na nagkabalikan na sila.
"Gagi." Sambit ni Joanna nang makita nilang sinisermonan ni Jules ang isa sa mga staff.
Sa kasamaang palad ay hindi iyon nakita at narinig ni Junnel.
Pinakiramdaman ni Joanna ang nangyayari. Nakita niyang halos muntikan ng matumba ang staff. Pero wala man lang pinakitang pakialam si Jules.
Sa halip ay iniwasan pa nito ang lalaki kesa saluhin ito o alalayan. Mabuti na lang at nakahawak sa poste ang lalaki kaya hindi ito tuluyang bumagsak.
Sa pakiwari niya ay ilang oras itong nakatayo kaya medyo nawalan ito sa balanse.
Gusto niyang lapitan ang mga ito nang marinig niyang nag-vibrate ang phone ni Jules. Dinukot ito ni Jules at kumunot ang noo matapos basahin ang kung anong mensahe. Na pumukaw sa interes ni Joanna.
Iniwan ni Jules ang staff sa kinasasandalan nito. Tumalima ito papunta sa kung saan na parang hahabulin.
Palihim na sinundan ni Joanna si Jules. At nang mapadaan siya sa tapat ng staff, nakilala niya ito. Ito ay si Oliver. Ang guitarist ng banda-banda. Sumenyas siya rito na h'wag maingay at sumunod naman ito.
Sa isang tagong lugar dinala ng curiosity si Joanna. Napahinto siya at napatago sa malaking halaman nang makita si Jules. Ang mas pinagtaka niya ay kung ano ang ginagawa nito rito gayong hindi ito naabot ng cctv.
"Bitawan mo 'ko!" Sigaw ni Jeya na gumulat sa kanya.
Nagtaka siya kung ano ang ginagawa nito doon. Kaya bahagya siyang sumilip sa maliliit na butas ng halaman.
Nakita niyang kasama ni Jeya si Jules at mukhang galit pa. Bumaba ang tingin niya sa kamay ni Jeya. Mahigpit iyong hawak ni Jules. Kitang-kita niya ang Panimula nito dahil sa higpit ng pagkakahawak.
"Bibitawan lang kita kapag sinagot mo na ako ng maayos!" Pabalik na sigaw ni Jules na halatang nagtitimpi sa galit.
"Maayos ang sinagot ko at wala akong alam sa mga pinagsasabi mo! Kung meron man, asa kang may pagsasabihan ako!" Mariing wika ni Jeya. Bakas sa mukha nito ang inis at takot.
" Mabuti ng nagkakaunawaan tayo. Dahil kapag hindi mo tinupad ang pangako mo, baka hindi mo kayanin ang gulong pinasok mo kung sakali. " Dinuro-duro ni Jules si Jeya habang tiimbagang itong nakatingin sa mga mata ni Jeya. Pagkatapos ay marahas na binitawan ang namumulang namumutlang mga kamay ni Jeya.
" Pwede na ba akong umalis? " Nanginginig ang boses na tanong ni Jeya.
" Layas! " Singhal ni Jules kay Jeya. Nagmamadaling umalis si Jeya na may luha sa mga mata. Samantalang nagmamadali namang lumayo si Joanna bago pa siyaahuli ni Jules.
" Junnel? Junnel! "
The door is locked. Kahit anong gawin niyang kulikot sa doorknob ay ayaw nitong bumukas. Nagtataka tuloy siya kung may tao nga ba sa loob ng opisina ni Junnel.
Sumakit na ang kamao ni Joanna. Nawalan na siya ng pag-asang makausap si Junnel nang araw na iyon.
Kung wala kasi si Junnel sa opisina nito, malamang nasa labas ito ng resort.
Tumalikod na siya akmang aalis nang marinig niya ang paglangitngit ng bumukas na pinto.
Mabilis siyang napalingon dito at bumungad sa kanya ang nakatapis na si Junnel.
Walang kahit ano sa taas at mukhang brief lang din ang suot dahil waistband lang naman ang nakikita niya. Bakat na bakat ang hinaharap ng loko.
"Hindi ko masyadong narinig ang boses at katok mo. Pasensya ka na kung natagalan ako sa pagbukas. Maliligo din kasi ako."
"Pwede bang magbibihis ka na? Baka may makakita pa sayong client!" Naiinis na utos niya sa lalaki.
"Teka, nahihiya ka ba? Ilang beses mo na kayang nakita, mahawakan at-"
At walang sabi sabi'y sinampal niya si Junnel. Kung bakit kasi kailang pa nitong banggitin ang mga iyon. Ayan tuloy, nagkulay rosas ang pisngi niya. Daig niya pa 'yung blush on ko e.
"Ang sakit nun ah," usal ni Junnel habang nakahawak sa nasampal niyang pisngi.
"May kailangan akong sabihin." Wala ng nagawa si Joanna saka mabilis na tinulak niya si Junnel.
Natapakan niya ang paa ni Junnel kaya nawala ito sa balanse at tumihaya sa sahig. Hindi niya alam na nakahawak pala ito sa balikat niya kaya magkasabay silang bumagsak sa sahig.
Dumikit ang mukha ni Joanna sa hubad na dibdib ni Junnel. Habang damang-dama naman ng tiyan niya ang bukol ni Junnel. Kyaaah...
Muling tinulak ni Joanna si Junnel at dumikit ito sa sahig. Natataranta siyang tumayo saka tumalikod.
"Uy..." Panunukso ni Junnel sa kanya.
"Anong uy ka dyan! Mahiya ka nga! Bukas ang pinto at kitang-kita mula sa labas ang-"
"Ang ano?" Panunuya pa nito sa kanya. Kaya sinipag niya ito na parang tatakbong kabayo.
"Ouch! Nakakarami ka na ah!" Sigaw ni Junnel. "Ito na nga magbibihis na!"
Nagmamadaling nagbihis si Junnel habang sinarado naman niya ang pinto. Ni-lock niya pa ito para sigurado silang walang magtatangkang pumasok.
"So anong chika?" Nakabihis na si Junnel at presentable ng tignan kumpara kanina.
"Nakita ko si Mr. Jules kanina na binabantaan si Jeya." Direktang sabi niya. " Sa tingin ko may alam siya sa kalokohang ginagawa ni Mr. Jules. "
" So anong gusto mong gawin natin? Kornerin si Jeya na magsabi sa satin? "
She pouted, then nod." Suhulan natin kung kinakailangan. " Suhestyon niya.
Bahagyang natawa si Junnel." Hindi ko alam na may ganyang side ka pala. "
" Ngayon alam mo na. Tsaka kailangan natin 'tong gawin. " Uminom ng juice si Joanna habang naniningkit ang mga matang nakatitig sa kung ano sa pader.
" Sana hindi ganoon katakot si Jeya sa banta ni Uncle. "
" Sana nga, " sang-ayon ni Joanna na sinundan ng mabigat na buntong-hininga.
"May kukunin lang ako sa kwarto. Pagbalik ko aalis na tayo para kausapin siya. "
BINABASA MO ANG
𝐁𝐈𝐑1: 𝐂𝐡𝐚𝐬𝐢𝐧𝐠 𝐀𝐰𝐚𝐲
RomanceKung talagang mahal mo, bakit mo susukuan? Sapat ba 'yung dahilang pagod ka na? Sapat ba yung dahilang sawa ka na? Galit ka para lang sukuan ng taong mahal na mahal mo? Napapagod din naman ako! Pero never kong naisipan na sukuan ka! Kasi mas na...