CHAPTER 4

11 1 0
                                    

JOANNA'S POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

JOANNA'S POV

"PAST seven na pala. Kailangan ko ng magligpit." Usal ko. Pagtayo ko, nahagip ng mga mata ko ang box na nakaawang na ang takip at litaw na ang laman nitong damit. Accessories, pair of red heel and dress na red with slit.

Inirapan ko na lang ito saka lumabas ng opisina. Pauwi na ako at abala sa phone ang aking mga mata. Chinachat ko si Delgie upang sabihing matatagalan ako sa pag-uwi dahil naubusan ng gasoline ang motor ko at malapit na ako sa terminal ng tricycle kaso mahaba ang pila.

Masyado akong na-excite na magtrabaho kaya nakalimutan ko ng i-check ang gasoline ng motor ko. Kapag naiisip ko  iyon ay nababadtrip ako lalo.

"Ah..!" Bulalas ko nang bigla akong businahan ng kung sino. "Tarantado!" Pahabol kong sigaw na mga kabataan pala ang sakay ng kulay violet na BMW Z4.

Sinikap kong singkitin ang aking bilugang mga mata para basahin ang plate number, nang mag-ring naman ang phone ko. Galit na sinagot ko ang tawag. Nang mag-angat ako ng tingin, bigla akong natigilan. Nasa harap kasi ako ng pamilyar na restaurant.

Shit. Mura ko sa isip. Nakalimutan kong ito nga pala ang kaharap ng terminal. Walang masyadong tao at kitang-kita mula sa kinaroroonan ko kung ano at sino ang mga nasa loob. Hanggang may makilala ako. Kung bakit naman kasi sa isang cursed favourite spot dumako ang mga mata ko. At dito nga ay nakaupo ang isang pamilyar na lalaki.

"Mr Jovito?"

"Yes, I am." Narinig kong sagot mula sa phone. Nagulat ako sa aking narinig kaya agad kong tinignan ang screen ng phone. Mr Jovito Munceller. Iyan ang pangalang nakalagay sa caller ID.

"Hello, Joanna. Where are you? Natanggap mo ba ang regalo ko sayo?" Sunod-sunod niyang tanong. Namilog ang kaninang naniningkit kong mga mata saka napanganga.

So, hindi pala galing kay Junnel ang regalong iyon? Kundi galing pala sa papa niya?! Pero bakit? For what?

" Hello? "

I need to know.

" N-nasa harap na po ako ng restaurant." Bigla tuloy akong nakaramdam ng hiya. Masyado kasi akong nag-expect na galing iyon kay Junnel. Kahit na hindi ko naman dapat i-expect iyon. Kaya naman pala, nakakapagtaka kung siya ba ang may pakana no'n. Gayong nauna akong umalis ng bar at iniwan ko pang nakakandado ang pinto.

Nataranta ako nang ma- realized kong hindi ko suot ang regalo niya. Alam kong madi- disappoint siya kapag hindi niya nakitang suot ko ang regalo niya. Ngayon pa na unang araw ko sa trabaho. Ngayon pa na kailangan kong magpa-impress sa boss ko. And the worst thing is, kapag nalaman niyang pinagpupunit ko ang kanyang regalo.

"Tungkol po dun sa regalo niyo, hindi na po sana kayo nag-abala pa."

" Hindi abala iyon. Gusto ko kasing iyon ang suutin mo for today's reunion. " Sabi niya na ipinagtaka ko.

" Reunion...?"

"Shall we?" Nanlaki ang aking mga mata nang marinig ang pamilyar na boses ni Junnel. Pero hindi ko siya magawang tignan ng matagal dahil sa pagkamuhing nararamdaman ko.

If I am not mistaken, I will have dinner with him and his father.

"Dad, it's Junnel. We'll be there in a minute." Sabi niya sa kausap ko sa phone, na ngayo'y hawak na niya.

"You know I hate people being late, right?" Naiinip na narinig kong sabi ni Mr Jovito sa kabilang linya.

"How could I forget?" Sagot naman ni Junnel sabay pindot ng end call. Binalik niya sa kamay ko ang phone.

"This is your plan, right?" Tanong ko saka kinuyom ang ang kamay at mahigpit na hinawakan ang phone. "What do you want? "

Nag-angat ng tingin sa akin si Junnel. Halata ang pagpigil niya sa kanyang pagngiti, pero sigurado akong nangungutya iyon. "Nothing. Gusto ko lang matapos na ang dinner na 'to."

Liar. Obvious namang nag-e-enjoy ka sa nangyayari.

"Shame on you. Hindi ko alam kung saan ka humuhugot ng kakapalan ng mukhang at may lakas ka pang kausapin ako na parang walang nangyari." Garalgal ang boses ko. Pakiramdam ko, bumalik kami sa nakaraan, kasama ng lahat ng sakit. Isang masakit na nakaraan na bumabalik ng pilit.

" Chillax, okay? Wala akong time na makipagtalo sayo. I'm just doing my job as a son, and don't you dare to think that this is my plan. This reunion dinner is my Dad's idea."

Nagmistula akong statue sa aking kinatatayuan. Nag-iinit ang aking pisngi na para bang sinampal iyon ng katotohanan. Nahihiya ako sa aking sarili.

Tinignan ko ang pwesto na kinauupuan ni Mr Jovito. Kung siya lang sana ang makakasama ko sa dinner na iyon ay baka masmagiging masaya pa ang pag-uusap namin ni Mr Jovito.

Simula ng makipaghiwalay sa'kin si Junnel ay pinutol ko na rin ang lahat ng koneksyon ko sa mga Munceller. Kaya wala na akong naging balita sa kahit isa sa kanila. Ayoko na rin kasi silang maalala dahil kapag naiisip ko sila, biglang lumilitaw si Junnel sa aking diwa.

Wala namang kasalanan ang Daddy niya. And I feel bad dahil sa ginawa kong pag-iwas sa kanya. Ang taong walang ibang ginawa kundi ituring akong parang tunay niyang anak. 

"H'wag ka ng tumuloy kung ayaw mo." Walang emosyong sambit ni Junnel na hindi parin pala ako iniiwan.

Bahagya siyang natawa. "Hindi porket daddy ng ex ko ang boss ko, pwede ko ng tanggihan ang invitation niya. Boss ko parin siya after all, and I will do this for my family. Kaya titiisin kong makita ka araw-araw. " Matapang na sagot ko.

"Of course, family first." Mapait siyang ngumiti. Umayos sa pagtayo at humarap sa'kin. "Joanna... I want you back." Mahina at naluluha niyang sabi.

Umiwas ako ng tingin.

"What...?" Naguguluhan na bulalas ko nang mapagtanto ang kanyang huling sinabi.

"I want you back." Pag-ulit niya.

"Do you think I am a joke? Junnel naman... pakiusap. H'wag mo ng dagdagan ang sakit na binigay mo sakin. At ayokong mapabilang sa listahan mo. Tahimik na ang buhay ko. Kaya matakot ka nga sa mga pinagsasabi mo!"

𝐁𝐈𝐑1: 𝐂𝐡𝐚𝐬𝐢𝐧𝐠 𝐀𝐰𝐚𝐲 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon