CHAPTER 15

3 0 0
                                    

JOANNA'S POV.

Nakahinga ako ng maluwag nang papasukin ako ng bouncer. Nang makapasok ako ay halos mabingi ako sa sobrang ingay sa loob ng club. Hindi ako nagagawi sa mga ganitong lugar kaya masakit masyado sa tenga ang ingay.

Nagpalinga-linga ako sa mga bisitang nasa loob at nahagip ng mga mata ko si Maria. Nakakamangha dahil malakas pala ang pandama niya. Biruin mo, nagkatinginan pa kami, sabay ngiti.

"I thought you're not coming." Lapit niya sa'kin.

"Akala ko nga din e."

Sa counter ako dinala ni Maria at siya na rin ang umorder ng para sa'kin. Sa dalas ba naman ng punta ko sa bar na pinagtatrabahuan niya, kabisado na niya ang inoorder ko.

"Did Mr playboy invited you?" Nakangising tanong niya habang nakayukong nakatingin sa akin.

"Mahabang kwento. " Matipid na sagot ko.

" I see. "Tumatangong saad niya at hindi na sinubukang kumbinsihin pa akong magkwento. Dinampot niya ang baso ng alak, saka ito nilagok.

Nanlalaki ang mga mata kong nakatingin sa kanya hanggang sa masimot niya ang laman nito. Ganito talaga siguro kapag bartender ka? Malakas uminom.

Nang maibaba niya ang baso at umorder ulit, saka ko lang inalis ang aking tingin. Dinampot ang baso at uminom ng konti rito, habang nililibot ng tingin ang paligid. Looking for someone. Wishing that he can't recognize me.

D*mn!

I'm in disguise, so, how come Maria recognized me?! Surely, Junnel will also notice me! Ugh. Napakawalang kwenta talaga ng disguise ko.

Nabilaukan ako nang mahagip ng mata ko ang mga kababaihan na pinagkakaguluhan si Junnel. Naiiling na lang akong tumayo.

"Saan ka pupunta?"

"Naiihi ako. Babalik ako agad..." Nawala ako sa balance at muntik ng masubsob sa stool na inupuan ko.

"Don't tell me, lasing ka na, Ms Dela Cruz?" Tanong ni Maria na nabigla at maagap akong naalalayan.

" Oo e, mabilis lang akong malasing. Pero iihi lang ako, mawawala na din 'tong amats ko. " Nakangisi at pilit na nagpapanggap na ayos lang.

" Anong ginagawa mo dito? "

Pareho kaming napatingin sa pinagmulan ng boses.

" Hindi naman kita inimbita. Kaya paano ka nakapasok dito? "

Bahagya akong natawa. Napaka- obvious naman kasi ng sagot sa tanong niya.

" Kailangan pa bang itanong iyan? O ito, regalo para sayo. " Kunot-noong tinanggap ni Junnel ang paper bag at walang pasabing umalis sa kinaroroonan namin.

" Bakit ka nakangisi diyan? "

" Naiimagine ko na kasi ang mukha ng lalaking iyon kapag nakita niya na ang regalong binigay ko. " Naupo ako ulit sa stool dahil naudlot ang pagkaihi na naramdaman ko kanina.

" Naku- curious tuloy ako kung ano ang laman ng paper bag na iyon. " Tumatawang sabi ni Maria. " Ah, maiwan na muna kita ha. Makikisayaw lang ako sa mga kasama ko. " Paalam ni Maria na sinagot ko na lamang ng tango.

" Hi. " Sabi ng kung sinong lalaki. Nilingon ko siya at parang hinintay niya lang atang maiwan ako mag-isa para makalapit siya.

"H-hello."

"Pwede ba kitang maisayaw?" Nakangiti na tanong niya. Sa unang tingin, presentable at gentlemen siya. Plus points iyon kasi ang gwapo din niya. Pero sa kabilang dako, gusto ko siyang tanggihan. May amats na kasi ako kaya baka gumulong lang ako sa kalangitnaan ng sayawan. Pero sa sulok ng mga mata ko, nakikita kong nakatingin sa amin si Junnel.

"Sure."

Pinatong ko ang kamay sa nakalahad niyang palad saka naglakad papunta sa gitna ng sayawan. Napangiwi ako ng marinig kong tumugtog ang sweet music. Pero wala na akong magagawa pa. Narito na ako.

"By the way, I'm Aaron." Pakilala niya habang hinihili ako. Para tuloy akong nalasing lalo.

"It's nice to meet you, Aaron. I'm Joanna."

Hindi ko pa narinig na may pangalang Aaron na nagtatrabaho sa resort. Kaya sigurado akong hindi siya empleyado rito.

"So... Kaibigan ka ni Junnel?"

"Nope. Actually my brother was his close friends. Sinama lang ako ni kuya to have fun." Sagot niya sa tenga ko, kaya biglang nagtayuan ang balahibo ko sa katawan. "How about you?"

"Ah... K-katrabaho..."

Bumaba konti sa bewang ko ang kamay ni Aaron. Nangangamba ako sa susunod niyang gagawin.

" You are interesting, Joanna. " Bulong niya sa tenga ko na muling nagpatindig ng balahibo ko sa katawan. "I want to know you more."

"That's not gonna happen, cow boy." Gulat akong napaatras nang hawakan ni Junnel ang braso ko papunta sa tabi niya. Hindi ko gusto ang nakikitang galit sa mukha ni Junnel pero nahihilo parin ako kaya hindi ko siya magawang pakalmahin.

"Birthday boy!" Lingon niya kay Junnel na halatang may inis sa tono nito.

"Leave." Maawtoridad na utos ni Junnel sa lalaki. Bakas sa mukha nito ang pagkagulat.

"Excuse me?"

"Umalis ka na sa club, ngayon na!" Galit na sigaw niya sa lalaki.

"P-pero... Bakit? Wala naman akong ginagawang masama, Junnel. " Nalilitong sabi niya.

" Masamang isayaw mo siya. " Kasunod ng paglingon sakin ni Junnel na napapasandal sa likod niya.

"Teka, pare... Sino ka ba para magdecide kung sino ang pwede at hindi pwedeng sumayaw kay Joanna?"

Mabigat na bumuntong-hininga si Junnel saka umayos sa pagtindig.

"Gusto mong malaman kung sino ako? Ako ang boyfriend niya." Tuwid at direktang sabi ni Junnel. Napatanga si Aaron sa kanyang narinig. Samantalang halos mabingi ako sa pagkabog ng dibdib ko.

"Pasensya ka na pre! Hindi ko alam na may boyfriend na pala si Joanna. Aalis na ako." Nagmamadaling lumabas ng club si Aaron. Hindi man lang nito nagawang hanapin ang kuya niya para magpaalam.

"Ano bang problema mo?!" Singhal ko kay Junnel nang harapin ko siya.

"Ikaw ang problema ko! You did it on purpose didn't you?" Naiinis na balik niya sa akin.

"Unang-una, hindi kita boyfriend. Pangalawa, wala kang pakialam kung sino ang isayaw ko! "

" Kahit kitang-kita ang pambabastos na ginagawa niya sayo?"

Hindi ako nakasagot. May point siya at inaamin kong nagpapasalamat akong dumating siya.

"Sumama ka sakin." Biglang sabi niya sa seryosong tono.

"Bakit naman ako sasama sayo?"

"Nawalan na ako ng mood na magsaya. Kaya obligasyon mo ngayong pasayahin ako." Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko saka hinila papunta sa kung saan.

"T-teka saan mo ako dadalhin? A-aray, Junnel! Nasasaktan ako!"

𝐁𝐈𝐑1: 𝐂𝐡𝐚𝐬𝐢𝐧𝐠 𝐀𝐰𝐚𝐲 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon