Nasa paboritong restaurant sina Joanna at Junnel. Dito napagpasyahan ni Junnel na magtanghalian kasama ang nobya.
Nakaupo na sila sa paborito nilang pwesto. Hinihintay na ihatid ang kanilang mga inorder na pagkain.
"May problema ba?" Usisa ni Junnel kay Joanna. Kulang na lang kasi ay iwasiwas nito ang dalang bag. Mag hinahanap ito na hindi niya naman mawari kung ano.
"Iyong phone ko. Naiwan ko yata sa cr. Babalikan ko lang baka hindi ko na makita e. " Pagkasabi ay natatarantang tumayo si Joanna para bumalik ng cr.
" Joanna? " Mabilis na napalingon si Joanna sa tumawag sa kanya. Kasunod ng malakas na pagkabog ng kanyang dibdib.
Anong ginagawa niya rito?
" Hello, babe. Long time no see! "
" CALEB?! " Bulalas niya na ikinaalarma ni Junnel kaya mabilis itong tumayo mula sa kinauupuan. " Anong ginagawa mo rito?! "
" Pwede mo ba akong ipakilala sa BABE mo, Joanna? "
Napabuntong-hininga si Joanna.
" He's Caleb. My ex-boyfriend." Wala ng nagawa si Joanna. Kaya pinakilala na niya ang lalaki.
" Wow. Ex ka na pala e. Bat tinatawag mo parin siyang babe?" Bakas sa tono ni Junnel na napipikon ito kay Caleb.
"Junnel, calm down." Mahigpit na hinawakan ni Joanna ang nobyo. Hinahanda ang sarili sa pwedeng mangyari.
"Is this a coincidence or what?" Tila nanghuhusga na tanong ni Junnel kay Caleb.
"No this isn't. I personally come here just to meet, Joanna."
"Wow, I thought I was the only persistent guy pursuing her. Not to think that you came from another planet. "
Caleb giggles. " You are a funny guy. But anyways, Joanna. You never answered my question whether you are going to marry me. "
Gulat na gulat na hinarap ni Junnel si Joanna.
"Nagpropose siya sayo?"
"Oo, nagpropose siya sa'kin noon. "
" At nagpo-propose ulit siya sayo ngayon kahit na break na kayo? "
"I don't understand. What's going on? Did I say something wrong? " Naguguluhan na tanong ni Caleb sa dalawa.
"I am the who can't understand what the hell is going on bro. Why we do have a sit and tell meCaleb about you and Joanna. "
" Junnel ano ba... "
" Here. " Tinuro ni Junnel ng pwesto nila kung saan naupo nga ito kung saan sila nakaupo.
"Joanna rejected me once. But I still continue my courtship with her. And she decided to give me a chance. But our relationship end up after one year." Malungkot na kwento ni Caleb.
" If so, how did you propose to her? ? "
" Tumigil ka na Junnel. " Awat ni Joanna sa nobyo.
Pero parang interasado itong malaman ang naging relasyon nila ni Caleb.
"I bought one of her favorite resort. I hired people to decorate it. And when the time comes, she has no idea that when the music stops, I am going to bend one of my knees and open the little box. She's stunned and looks confused. Then she left the resort without saying any answer."
Nasapo ni Junnel ang kanyang noo. " I will give you some time alone. I hope you settle down on this, Joanna." Hindi makapaniwalang iniwan ni Junnel ang dalawa.
Ang sana'y masayang tanghalian ay nauwi sa rebelasyon.
"Look what you've done, Caleb!"
Patakbong hinabol ni Joanna si Junnel.
"Sandali lang Junnel!"
"Joanna."
"I'm sorry." Lumuluhang sabi niya habang humahangos. Mabuti na lamang at naabutan niya ito.
"Sorry saan?"
"Dahil hindi ko sinabi sayo agad na may nakarelasyon ako sa Australia. Pero maniwala ka. Ang relasyon namin ay isang one sided lang. Kasi ikaw parin ang mahal ko noon hanggang ngayon. Iyong proposal niya ay ang araw na dapat makikipaghiwalay ako sa kanya. Masyado akong nagulat kaya wala akong naisagot sa kanya. Noong makauwi ako sa bahay, I break up with him through text. I-I know it's sounds not good. But I am to ashamed to face him after what I did. " Humahagulhol na kwento ni Joanna kay Junnel.
Na-guilty tuloy si Junnel dahil maging siya ay may tinatago ring lihim.
" Thank you Joanna for explaining. But I also want to say you something. Ito ang matagal mo ng gustong malaman. "
Nag-angat ng tingin si Joanna.
"Ang dahilan kung bakit ako nakipaghiwalay sayo ay dahil kay tita Bianca. "
" Si mama? "
Tumango siya." Hindi niya ako gusto para sayo Joanna. Mas gusto niya si Edwin para sayo. "
Nanlaki ang mga mata ni Joanna. The f*ck?!
" Pero bakit? "
" Edwin is the most decent guy more than me. For her, I'm just a playboy who hasn't have plan in my future. "
" Pero boyfriend siya ni Delgie! "
" Huli na niya na nalaman. Nasa Australia ka na nang malaman niyang magkarelasyon pala ang dalawa. "
" A-ano? "
" Patawad kung naging duwag ako noon. Pumayag ako sa kagustuhan ng mama mo. But this time, I'll never make that happen again. "
Mahigpit na yumakap si Joanna sa nobyo.
Sa wakas ay nalaman na rin niya ang dahilan ng pakikipaghiwalay nito sa kanya.
Nakakagulat man na malamang, ang mommy niya pala ang dahilan ng paghihiwalay nila ay hindi rin niya ito masisisi.
Ay mali. Wala na siyang dapat sisihin. Kasi nangyari na e. Magalit man siya, kasuklaman man niya ang mommy niya. Wala ng magbabago sa nakaraan nila.
At least ngayon, maayos na sila ni Junnel. Gumaan na rin ang kanyang loob.
Ngunit may parte ng utak niya ang tumatawa. Dahil hindi niya inaakala na ang taong laging andyan noong panahong naghiwalay sila ni Junnel, ang taong galit na galit kapag nakikita o nalalaman nitong magkasama sila, ang taong siyang dahilan din pala ng pagkalugmok niya.
At siguro napagod narin ito at nakokonsensiya. Kaya nang malaman nitong nagde-date na sila ni Junnel ay hindi na ito umangal.
Damang-dama ni Joanna ang mainit na yakap ni Junnel. Nakangiti siya.
Nang magmulat siga ng mga mata ay napansin niyang nasa tapat pala sila ng coffee house.
Kumunot ang kanyang noo dahil sa pagtataka. Nasa harap sila ng coffee house. Ang bahay na saksi ng kanilang pagmamahalan simula pa noong una hanggang ngayon.
Naramdaman ni Junnel na may tinitigan siya kaya bahagya itong kumawala sa kanya sa pagkakayakap.
Ilang sandali pa ay napangiti na rin ito.
"May bagong menu ang coffee house. Gusto mo bang subukan natin?"
Tumango na lang siya saka magkasabay na pumasok ng Coffee House.
WAKAS.
BINABASA MO ANG
𝐁𝐈𝐑1: 𝐂𝐡𝐚𝐬𝐢𝐧𝐠 𝐀𝐰𝐚𝐲
RomanceKung talagang mahal mo, bakit mo susukuan? Sapat ba 'yung dahilang pagod ka na? Sapat ba yung dahilang sawa ka na? Galit ka para lang sukuan ng taong mahal na mahal mo? Napapagod din naman ako! Pero never kong naisipan na sukuan ka! Kasi mas na...