CHAPTER 22

4 0 0
                                    

Frustrated na lumabas ng bar si Joanna. Naiinis siya sa kanyang sarili kasi ang laki ng tiwala niyang paniniwalaan siya ni Junnel. Hindi man lang pumasok sa isipan niyang kamag-anak niya ang inaakusahan niya.

Yet, she had the nerve to tell him those. On the other hand, still, blood is thicker than water.

"Joanna, wait." Huminto siya sa paglalakad nang hawakan ni Junnel ang kanyang kamay." I'm sorry. " He said.

"For what?" Lingun niya rito.

"For not trusting you." Sagot nito.

"Don't be. I can't blame you for that. But this is I promise you, I'll do whatever I can to save this resort. " 

Umayos sa pagkakatayo si Junnel saka seryosong tumingin kay Joanna.

" I'll help you. "

Ilang segundong tinitigan lamang ni Joanna si Junnel. Gusto niyang siguraduhin na sincere si Junnel. At sa ilang segundo ay napatunayan niyang bukal sa puso ang alok ni Junnel.

"Thank you." Sagot niya na agad ikinangiti ni Junnel.

"Iyong kamay ko." Nguso niya sa kamay ni Junnel na nakahawak parin sa kanyang kamay.

"Ah, sorry! Ahm...matutuloy pa ba ang date natin?"

Natawa siya. "Ayaw mo ba?" Tinuro niya ang nakapark na kotse ni Junnel. Nasa parking lot sila at nasa tabi lang sila ng kotse ni Junnel. Kaya hindi niya mapigilang matawa.

"Ha?" Sambit ni Junnel na hindi rin napansing nasa parking sila. Agad nitong dinukot ang susi sa bulsa saka ito binuksan.

Pagkailaw ng kotse ay lumapit si Junnel sa passenger seat para buksan ang pinto.

Nangiti na lamang si Joanna saka sumakay ng kotse. Nang maisara nito ang pinto ay umikot na rin ito para sumakay sa driver's seat.

Sa isang sikat na restaurant siya dinala nito. Subalit nakapagtatakang wala man lang tao sa loob para kumain, o kung anuman.

Medyo naiilang pa nga siya dahil sa mismong kalagitnaan sila naupo. Ang awkward lang. Ayaw niya kasi iyong tipong center of attraction sila.

Though, wala namang paki sa kanila ang tao, kung anuman ang gawin nila.

Tahimik silang naghihintay sa kanilang inorder. Nang magsalita si Junnel.

"Hindi ka makatingin sa'kin. Galit ka ba?" Tanong nito.

" Hindi porket hindi ako makatingin, ibig sabihin ay galit na 'ko. K-kinikilig lang ako kaya hindi ako makatingin sayo ng diretso. "

Lumawak ang ngiti ni Junnel. Naningkit ang kanyang mga mata na halos parang nakapikit na siya.

Nagtataka na pinalibot ni Joanna ang kanyang tingin. Bakit ganun ang ekspresyon ni Junnel?

OH, M!

Shocks.

Huli na para bawiin niya ang kanyang sinabi. Narinig na iyon ng lahat ng taong nasa loob ng restaurant.

Napayuko na lamang siya dahil sa hiya. Kulang na nga lang ay sumukot siya palabas ng resto.

"Hindi ba nagtataka ka kung bakit sa dinami-rami ng mga babaeng pumasok sa buhay ko, ni isa wala akong siniryuso?"

Inalis niya ang nakatakip na kamay sa kanyang mukha saka humarap dito. "B-bakit nga ba?"

"Sabi nila kapag tumibok daw ang puso, wala na tayong magagawa kundi ang sundin ito. " Panimula nito. " Sa katunayan nga ay marami akong nakilalang babae higit pa sayo, physically. Pero kusang sumara ang puso ko para sa kanila kasi...ikaw lang daw talaga ang gusto nito. "

Inaamin niyang medyo masaktan siya sa naunang sinabi ni Junnel, na kesyo may mas lamang sa kanya, physically. Inaamin niya ring hindi naman siya ganoon ka-sexy tulad ng mga naikakama ni Junnel. Pero ipinagmamalaki naman niyang may mabuti naman siyang puso. Hindi nga lang halata. Haha.

"Here's your order, ma'am and sir."

Nilingon ni Joanna ang waiter. Pagkatapos ay kay Junnel. She is confused right now. Lahat kasi ng pagkaing nasa harap nila ay mga paborito niya. Although, those aren't she ordered. Those aren't in the menu.

"I already planned to request all your favorite food. The menu is only the part of the plan in order to surprised you." Ani Junnel. "Nagustuhan mo ba?"

She was surprisedly, speechless. Wala siyang makapa na mga salita para ipahayag ang kanyang saya. Kasiyahan na walang pagsisisi. Buti na lang talaga pumayag siya.

Pagkain na 'to besh, aangal pa ba siya? Masamang tumanggi sa grasya!

"Ikaw ha, hindi ko 'to expected."

Natawa si Junnel. "I told you. I'll make this night, unforgettable moment."

"Oo na nga. Thank you!" Agad niyang nilantakan ang lechon na nakapatong sa lamesa nila. Mahaba ang lamesa kaya hindi niya maabot 'yung iba. Ang letson ang mas malapit sa kanya kaya ito ang kanyang inuna. " Don't tell me, papaubos mo sa'kin lahat 'to?"

Paiwas na tumawa si Junnel habang tinatakpan ang bibig. Baka kasi maibuga niya ang nginunguya niyang balat ng lechon.

" Kung kaya mo. Then go...!" Sagot ni Junnel na pilit pinipigilan ang paghalakhak niya.

"Eh di lalo mo ng nilait ang katawan ko. Instant taba talaga ako kapag nilantakan ko 'to lahat." Nguso ni Joanna habang kinakamay ang balat ng lechon. Walang hiya siyang nagkamay sa isang restaurant!

" Kapag hindi natin naubos, iuwi mo." Sabi ni Junnel habang umiinom coke.

" Ano?! Mukha ba akong si Sharon? " Nanalalaking bulalas niya.

"Mas maganda ka pa sa kanya." Tumatawag ni wika ni Junnel. Nginusuan na lang siya ni Joanna saka nagpatuloy sa pagkain.

Literal na parang lion si Joanna kung kumain. Lion na isang taong hindi kumain. Ganun ba talaga kapag favourite mo 'yung mga pagkaing nasa harap mo? You will never know when to get full?

Kung si Delgie walang hiya sa harap ng maaraming tao. Si Joanna naman nawawala ang hiya sa harap ng maraming pagkain.

Ilang taon din siyang nanirahan sa ibang bansa. Kaya sobrang na-miss niya ang mga paborito niyang pagkain.

At dahil maraming nangyari simula nang umuwi siya, ay nakalimutan na din niya ang isa sa mga goal niya.

Iyon ay kainin lahat ng favorite food niya here in the Philippines.

"Dahan-dahan lang sa pagkain. Baka mabulunan ka."

Pero nginitian lamang niya si Junnel. Parang bumaliktad ang mundo sa pagitan nilang dalawa.

Si Junnel na kung kumain ay parang babae. At si Joanna naman na parang lalaki.

Buti na lang talaga ay kaibigan ni Junnel ang may-ari ng restaurant.

Kaya pagkatapos ihatid ng mga crew ang pagkain ay nagsilabas na ito ng restaurant.

Pero ang hindi alam ni Joanna ay may mga cctv sa loob, at kitang-kita ang katakawan niya.

𝐁𝐈𝐑1: 𝐂𝐡𝐚𝐬𝐢𝐧𝐠 𝐀𝐰𝐚𝐲 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon