CHAPTER 16

4 1 0
                                    

JOANNA'S POV

Nilingon ko si Jeya na sinubukang harangin kami. Lango na ito at halatang wala na sa katinuan. Gusto ko pa naman sanang humingi sa kanya ng tulong. Wala man lang kasing nakapansin sa amin. Lahat ay abala sa pagsasaya.

Pwersahan akong pinasakay ni Junnel sa kotse niya saka ito pinaandar nang maikabit ang seatbelt sa akin.

"Iuuwi na kita." Mahinahong sabi niya saka pinaandar ang makina.

Hindi na lang ako nagsalita pa at hinayaan na lang siyang magmaneho. Sumandal ko sa pinto ng kotse saka pinikit ang mga mata. Sinikap kong umidlip upang matanggal ang pagkalasing ko. Kampante naman ako, kasi kahit papaano ay may konting tiwala parin ako sa pagiging gentleman ni Junnel.

"Nasaan tayo?" Naalimpungatang usisa ko kay Junnel nang mapansin kong ibang bahay ang nasa harap namin.

"This is my house." Sagot niya.

"What?! Bakit dito mo ako dinala?!"

"Ayaw mo naman sigurong makita tayo ng mommy mong magkasama hindi ba?"

Of course, yes. I'm dead kapag nakita niyang magkasama kami. The way na tanungin niya ako kanina kung nagkabalikan ba kami? Kinabahan talaga ako. Wala ng may mas galit kay Junnel maliban sa akin. Si mommy lang.

"Pwede mo naman akong ihinto doon sa di kalayuan ng bahay namin." Naiinis na usal ko.

" Well-known ang mommy mo sa lugar niyo. Do you think na walang makakakilala sayo?" Tinanggal niya ang seatbelt na nakakabit sa kanya. "I'm just making sure that no one will see us together."

Parang may bumaong tinik sa dibdib ko nang sabihin niya iyon. Kasunod ng paglakas ng kaba ko nang lumapit sakin si Junnel para tanggalin ang nakakabit na sa seatbelt.

Pigil man ang hininga ko, naamoy ko parin ang kanyang sexy perfume na humahalo sa amoy ng alak.

"Let's go." Lumabas siya ng kotse at naglakad papunta sa pinto ng bahay. Never ko pang nakita ang bahay na ito kaya hindi ko alam kung nasaan kami.

Pero ayon sa nakikita ko, nasa mapunong lugar kami na may malaking bahay na gawa sa traditional-modern na disenyo.

Padabog akong bumaba ng kotse at sumunod kay Junnel. Papasok na ito na parang walang pakialam sa madilim na paligid at nasa labas pa ako.

Lalo tuloy akong nakaramdam ng sakit. Pakiramdam ko lumalayo na ang loob sakin ni Junnel, which is dapat maging masaya ako. Pero hindi iyon ang nararamdaman ko.

Pagpasok ko sa loob, narinig ko ang mga pagtaginting ng mga wine glass at paglagaslas ng umaagos na likido.

Sinundan ko ang pinanggagalingan ng ingay at napadpad ako sa kusina. Nakita ko si Junnel na naka-unbutton na ang suot nitong polo habang umiinom ng alak. Nakita ko rin na may isa pang wine glass na may lamang alak.

"Do you mind if I ask you to join me to have fun in the pool?" Marahan at nangungusap niyang tanong.

Hindi ako sumagot. Sa halip ay lumapit ako sa kanya saka inangat ang wine glass at uminom mula roon.

"Mayroon ka bang gustong sabihin sa akin, Junnel?" Tanong ko habang seryoso sa kanyang nakatingin.

"I think...? Pero hindi pa ngayon ang tamang panahon. " Banayad at nag-aalangan niyang sabi.

Bumuntong-hininga ako saka tuluyang nilagok ang natitirang wine sa glass. Nang ilapag ko ito sa counter ay nilingon ako ni Junnel.

"Don't push yourself too much. May trabaho ka pa bukas. "

Napangisi ako sa kanyang sinabi.

"That's why I really, really hate you. Your eyes never lie. I knew after years of our broke up, you are hiding something important to me. At mas lalo ko iyong napatibay nang magtapat ka sakin na mahal mo parin ako. That you still want me. Ang hindi ko lang maunawaan ay kung bakit ka nakipaghiwalay sa akin kung wala namang nagbago sa nararamdaman mo para sa'kin?"

But Junnel never says anything. Instead, he face me and kissed my lips lightly, intimately. That I can't even resist. Ayokong sisihin ang alak sa ginawa kong pagganti sa kanyang halik. Dahil alam ko sa sarili kong gusto ko rin ang tagpong ito. Oo, walang paglagyan ang galit ko sa kanya. But he knows very well my weakness. At hindi ko nga ito nagawa pang itago.

Mariin na lamang akong napapikit habang ginagantihan ang mapupusok niyang labi. He held my face gently while I am holding, crushing his shirt. Those kisses took about thirty minutes. After proceeding further.

"I.. stop." Pigil ko sa ginagawang paghalik niya sa tenga pababa ng leeg ko.

"I... I'm sorry." Umiwas siya sa akin ng tingin. Hinihimas ang batok na lumabas at dumaan sa backyard.

Napakagat ako sa labi saka napasandal sa counter.

"That's reckless!" Napadako ako ng tingin sa pintong nilabasan niya. Narinig ko ang tampisaw ng tubig mula sa pool.

Nilingon ko naman ang front door at sa tabi nito ay isang cabinet. Nilapitan ko ito at binuksan. Mabuti na lang at doon lang niya nilalagay ang susi ng kotse. Masyadong kampante.

Maingat kong dinampot ang susi saka nilingon ang pinto ng backyard. Hindi naman siya siguro papasok kaya lumabas na agad ako ng bahay.

Pinindot ko ang unlock button at mabilis na sumakay sa kotse. Pinaaandar ko na ito, patatakbuhin ko na sana nang matanaw ko si Junnel na iika-ikang tumatakbo papunta sa kotse na kinakaroonan ko.

"Ahh...!"

Umandar ang makina at mabilis na pinatakbo ang sasakyan dala-dala ang pag-asang makakauwi ako ng matiwasay. Ang consequences na mangyayari bukas ay saka ko na lang iisipin.

Thank God. May GPS ang kotse niya! Agad kong binuksan ang gps at napagtanto kong nasa Cataingan na pala ako.

Binaybay ko ang daan pabalik ng city. At pagdating ko ng bahay ay nakita ko sina mama na nasa labas ng bahay.

"Ma?" Pagpasok ko ng bahay. Napadako ang mga mata nila sa minaneho kong kotse.

"Saan ka galing?!" Pagalit na tanong ni mama. "Hindi ka man lang sumasagot sa mga tawag ko! Anong oras na?!"

"Ma...Kumalma ka nga. Ano bang nangyayari sayo? Hindi ba nagpaalam akong may pupuntahan akong birthday party?"

"Iyon na nga ang dahilan kung bakit ako ganito, Joanna! Akala ko pupunta ka dun dahil sa trabaho!"

"Bianca, maghunos-dili ka." Pagpapakalma ni papa.

"Maghunos-dili?! Paano Armando? Paano ako maghuhunos-dili kung may malalaman akong hinaharas ang anak natin!" Tuluyan ng napaiyak si mama.

𝐁𝐈𝐑1: 𝐂𝐡𝐚𝐬𝐢𝐧𝐠 𝐀𝐰𝐚𝐲 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon