CHAPTER 7

16 1 0
                                    

JOANNA'S POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


JOANNA'S POV.

BUMALIK ako ng opisina na masama ang loob. Masyado ring naging mabagal ang pagproseso ng mga sinabi ni Mr Jovito. Gusto niyang makipagbalikan ako sa kanyang anak kapalit ng pananatili ko sa resort. Bagay na lalong ikinakagalit ko. Ayokong mawalan ng trabaho pero ayoko ring makipagbalikan pa kay Junnel.

Ang suhestyon naman ng utak ko ay magresign na lang. But on the other hand, mahihirapan akong bitawan ang trabahong ito. Lalo pa at masyado na akong na- attached sa J's Resort. Empleyado na kasi nila ako kahit noong nagsisimula pa lang ito.

Kaya kahit alam kong marami namang trabaho na pwede kong pasukan ay kailangan ko namang magsimula ulit. At ayokong mangyari iyon. Ayokong madismaya ulit sakin ang pamilya ko for the second time.

Sinubsub ko ang aking mukha sa lamesa. Praying to God for guidance.  Ano nga ba ang dapat kong gawin? Sino ang dapat kong piliin? Ang sarili ko ba o ang pamilya ko?

Napaluha na lang ako sa sobrang frustration na nararamdaman. I think I had no choice. I need to choose my family over myself, this time. Iyon naman kasi ang tama 'di ba? At kung hanggang kailan ako magpapanggap ay hindi ko alam.

Tumayo ako at muling lumabas ng opisina. Dala-dala ang desperasyon at pag-asa, papunta sa opisina ni Mr Jovito.

Nang marating ko ang office niya, nadatnan kong may kausap siya sa phone.

"Excuse me, Mr Jovito?"

"Tatawagan na lang kita ulit. Sige. Okay, thanks." Nang maibaba niya ang phone sa lamesa ay agad niya akong binalingan. " I guess narito ka dahil nakapag-isip ka na? "

Napangiti ako ng matipid habang umiipon ng lakas ng loob. Naririnig ko ang pagdagundong ng dibdib ko. Pero syempre, hindi iyon dapat mapansin ni Mr Jovito. Ayokong gamitin niya iyon para malamangan ako.

"Habang nag-iisip, napagtanto kong ang gusto niyo lang naman ay mapabuti ang buhay ni Junnel, and that is normal for a father. Labag man sa loob ko, pero handa parin akong tumulong. Subalit hindi sa paraang maging nobya niya, kundi paraang isang kaibigan lang. Ito lang ang pinakamabuting paraan na naiisip ko para sa'kin at para sayo. "

" That's a good idea! It sounds like a win-win solution. Alright. That's the deal. " Walang kaabog-abog na pagsang-ayon ni Mr Jovito.

" Ang problema lang ay hindi ako komportableng nasa paligid ko si Junnel. Kaya magiging matagal ang proseso para masanay akong mapalapit sa kanya.  "

" H'wag kang mag-alala. Ako na ang bahalang gumawa ng paraan para siya na mismo ang lumapit sayo. Para mas mapabilis ang proseso." Ngumisi siya sa'kin.

Samantalang hindi ko alam kung paano maha-handle ang ganitong set-up. Lalo na kapag naalala ko ang naging conversation namin ni Junnel. Bagay na nagpakilabot sa buo kong katawan.

Pero ang ideya ni Mr Jovito ay hindi na rin masama. Hindi lalabas na parang may gusto pa ako sa anak niya. Dahil sabi niya nga, siya na mismo ang gagawa ng paraan para ito na ang lumapit sakin.

Hays...anong mundo ba 'tong pinasok ko?

"Salamat po—" nakagat ko ang aking dila kaya hindi ko na natuloy pa ang aking sinasabi. Gusto ko sanang sabihing mali siya ng pagkakakilala sa kakayahan ko. At kaya kong patunayang mas qualified pa ako kesa sa kung sino mang tinutukoy niya.

Subalit sinadya yata iyon ng pagkakataon. Dahil kapag nasabi ko ang mga katagang iyon baka mas lalong lumaki ang lamat sa pagitan namin.

"You are most welcome." Muling kinuha ni Mr Jovito ang kanyang phone at nag-dial ng numero. Ito ay nagring kaya nang sagutin ng tinatawagan ay agad siyang lumabas ng opisina. Iniwan niya akong gulat na gulat sa kanyang ikinilos.  Ganoon ba talaga sila magpamilya? Kapag nakuha na ang gusto, bigla ka na lang nilang iiwan ng walang pasabi.

Napabuga na lang ako ng hangin sa kawalan saka nagpasyang tumayo.

"Deal." Sambit ko nang makalapit ako kay Junnel. Nagulat pa ito ng bahagya sa bigla kong pagsulpot dahil abala ito sa pagbabalumbon ng kanyang telepono. "Subalit bago ang lahat, kailangan mo munang malaman na ikaw ang greatest enemy ko at masama parin ang loob ko sayo. "

" In other words, pumapayag ka ng ligawan kita? "

" Oo. " Walang emosyong sagot ko.

Ngumuso siya saka tumango ng dalawang beses."What?! Seryoso ka ba? " Bulalas niya.

"Just kidding. Pasensya ka na Junnel, pero hindi ako tumatanggap ng suitors. Kung si Kim Soo -hyun, pwede pa." I will never fulfill your hopes up. "Kaibigan siguro pwede pa."

Bumakas ang pagkadismaya sa mukha ni Junnel.  "Ikaw at ako ay hindi nakatadhana para maging magkaibigan, Joanna. Nakatadhana tayo higit pa sa magkaibigan, at iyon ang matagal ko ng gusto."

Bahagya kong binuka ang nakatikom kong bibig saka tinulak ang kanang parte nito ng aking dila saka pinaikot ang aking mata na tumingin sa kung saan.

Tadhana? Para tuloy gusto kong matawa. Sa kanya pa talaga iyon nanggaling.

"Saan mo ba nabasa ang linyang 'yan? Tsaka tigilan mo nga iyang pagiging madrama mo. Hindi bagay sayo sa totoo lang. "

" Iyan na ba ang gusto mong mangyari? Ibig bang sabihin niyan ay magre-resign ka na? " Hindi ko alam kung bakit nagagalit siya sa mga sinasabi ko. Dahil sa pagkakaalala ko, wala naman siyang dahilan upang magalit.

" It's a big no. I love my job and I don't want stubborn like you ruin my dream. Kung ayaw mo akong maging kaibigan, e di ikaw ang mag-adjust. Ano ka hello? Graduate na ako sa pagiging mapagbigay no! "

Mariing napapikit si Junnel. Pagmulat niya ng mga mata ay agad iyong tumama sa aking mga mata.

" If that so, try your greatest on chasing me away. Dahil hindi ko na palalagpasin pa ulit ang pagkakataong ito. " Seryoso at mariin niyang wika bago niya ako tinalikuran.

Babalik na rin sana ako ng opisina nang madaanan ko ang opisina ni Mr Jules. Kumatok ako ng ilang beses saka ko narinig ang boses mula sa loob.

"Pumasok ka." Pahintulot niya.

Hinawakan ko ang busol at pinihit ito saka ko tinulak.

"Ikaw pala Joanna! Pupuntahan na rin sana kita sa office mo eh."

𝐁𝐈𝐑1: 𝐂𝐡𝐚𝐬𝐢𝐧𝐠 𝐀𝐰𝐚𝐲 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon