JOANNA'S POV.EIGHT HOURS and thirty six minutes na ang nakalipas simula ng magkausap kami ni Junnel. Kasalukuyan na akong nasa opisina at hindi makapag-isip ng maayos dahil dito.
Inaamin kong natatakot ako sa pwedeng gawin ng isang Munceller. Ang ikinilos ni Junnel kagabi ay sapat na para muling mabuhay ang takot sa dibdib ko. Natatakot akong baka siya ang maging dahilan ng pagkaudlot ng pangarap ko. Gayong malapit ko na itong maabot ngayon.
Mas sapat na dahilan iyon para hindi ako magpadala sa takot. Dapat akong maging mas matatag.
Binuklat ko ang aking files nang bigla akong makaramdam ng pagkahilo. Resulta siguro ito ng walang tulog kaya parang mabibiyak ang ulo ko.
"Good morning, bebs..."
Napabuga ako ng hangin nang mapadako ang mga mata ko sa bumukas na pinto at niluwal noon si Junnel.
"Anong ginagawa mo rito?"
"Ano pa nga ba? Para magtrabaho." Sarkastikong sagot niya.
" Wala ka bang sariling office at dito mo pa talaga naisipang magtrabaho? Umalis ka na. Gusto kong magtrabaho mag-isa. " Pagtataboy ko sa kanya.
" Pwede bang magtrabaho na lang tayo ng matiwasay? "
Napahawak ako sa ulo saka napapikit." Bakit hindi mo gawin sa office mo ang trabaho mo? Please, umalis ka na." Mahinang pakiusap ko. Wala kasi ako sa mood na makipagtalo. Lalo pa at talagang masakit ang ulo ko.
"H'wag kang mag-alala. Trabaho lang talaga ang pinunta ko rito at wala akong balak na asarin ka."
Shocks. Nangako nga pala ako kay Mr Jovito at Mr Jules na magiging professional ako kapag nasa paligid ang mokong na 'to.
"Hindi ka ba nagi-guilty sa tuwing nakikita ako? " Tanong ko na hindi ko na napigilan pang hindi lumabas sa bibig ko. Natigilan naman si Junnel sa ginagawa niyang pagguhit sa parang kuwaderno.
"Kasi ako sa tuwing nakikita kita, bumabalik lahat ng masasakit na alaala ko sayo simula ng makipaghiwalay ka sakin noon."
Umamo ang mukha ni Junnel. Nawala ang pagiging maangas at arogante niya. Nasa secretary's desk siya." I'm sorry. " Halos pabulong niyang sabi.
After all this year, bakit ngayon mo lang sinabi ang mga salitang iyan? Pero huli na ang lahat. Hindi na mababago pa ng sorry mo ang nangyari na!
"Mapapatawad mo ba ako? Alam kong napakalaki ng kasalanan ko sayo. Sana mapatawad mo pa ako. Balang araw maiintindihan mo rin kung bakit ko ginawa iyon."
" Umalis ka na." Hindi na umangal pa si Junnel at lumabas na ng opisina. Pagkasara ng pinto ay agad kong dinampot ang bag ko saka kinuha ang gamot para mabawasan ang sakit ng ulo ko. Matapos akong uminom ay tumunog naman ang telepono.
" Ms Dela Cruz?" Bungad noong nasa kabilang linya.
"Speaking."
"Pumunta daw kayo sa opisina ni Mr Jovito." Sabi ng secretary ni Mr Jovito.
"Sige, pupunta na ako." Binaba ko ang telephone saka inayos ang sarili. Agad na akong lumabas ng opisina at dumiretso sa opisina ni Mr Jovito.
Kumatok ako ng tatlong beses saka binuksan ang pinto.
"Oh, Joanna. Pasok ka." Pumasok ako at naupo sa katapat na upuan niya.
"Pinapatawag niyo raw ako?"
"May gusto kasi akong ipagawa sayo. " Panimula niya na medyo ikinakaba ko. "Kailangan mong makipagbalikan sa anak ko. " Deretsang sabi niya na ikinagulat ko. Dahil out of nowhere ang sinabi niya at wala iyon sa job description ko.
" Nagbibiro po ba kayo Mr Jovito?"
" Hindi ako nagbibiro, Joanna, iha. Parents know best, ika nga. Masmaayos ang buhay niya noong kayo pa. Mas gusto niyang gumawa ng ibang bagay kaysa magparty-party sa kung saan-saan bar at makipaglaro sa kung sino-sinong babae. Gaya ng ginagawa niya ngayon. There's a biggest difference with and without you, iha." Malumanay ang boses niya.
" Pasensya na po kayo, Mr Jovito. Subalit hindi ko po iyan magagawa. Bukod dito, out of description na po ang gusto niyong ipagawa sakin."
" Sa tingin mo, bakit ka kaya nalipat dito sa Philippines? " Tatayo na sana ako nang bigla siyang magsalita.
Ah, oo nga pala. Business partner nga pala ni Mr Jovito ang dati kong boss sa New York. At ang resort rito sa Pilipinas ang pinakamalaking branch ng J's Resort. Bukod dito, ang mga Munceller ang founder nitong resort at ang may mas malaking sales kesa sa mga Suicon. Kaya naman J's Resort ang nakapangalan at hindi naka-combine ang pangalan nila. Sa pagkakaalala ko din, malapit ng mawalan ng karapatan ang Suicon sa resort dahil sa patong-patong na financial problem.
Over all, may kinalaman si Mr Jovito sa pagkalipat ko dito sa Pilipinas. Hindi malabong pinlano niya ang lahat ng 'to.
"Ano pong ibig mong sabihin? " Tanong ko sa nanginginig na boses. Hindi na nga ako sa kanya makatingin. Napayuko na lang ako at napapakuyom sa galit.
" Kung tutuusin maraming employee ang mas deserving, mas qualified na nasa New York's branch kesa sayo, Joanna. Subalit iisa lang ang babaeng nagpatino at minahal ng anak ko at ikaw lang iyon, Joanna."
Ang lakas ng loob niyang insultuhin ako?! At ano raw? Ako lang ang nag-iisang minahal ng anak niya? Gaano ba siya kasigurado na minahal nga ako ng anak niya? Kasi kung mahal talaga ako ni Junnel hindi niya ako hahayaang magdusa at halos mamatay sa pangungulila sa kanya!
"What if I refuse? You're going to fire me?" Seryoso kong sabi.
Tumayo siya saka naglakad papalapit sa akin saka yumuko. Nilapit nito ang bibig niya, " depende. Pero kung ako sayo, oo na lang ang isasagot ko. " Bulong niya na ikinatayo lahat ng balahibo ko sa katawan.
Tinitigan ko siya ng masama.
"Pag-iisipan ko." Saka tumayo.
" Walang problema. Basta h'wag mo lang tagalan ang pag -iisip. Alam mo namang pinaka-ayoko ang pinaghihintay. " Tumango ako bilang sagot. Bago pa ako tuluyang bumigay, tumalikod na ako.
Nang makalabas ako ng opisina niya ay doon pa lang nagkagulo ang lahat ng mga realization ko.
Hindi ko inaakalang may ganoong tinatagong ugali din pala si Mr Jovito. Sa unang tingin aakalain mong pusa sa sobrang amo nito. Sino ba naman ang mag-aakalang may asal lion din pala ang loko. Hindi na ako magtataka kung saan nagmana ang anak niya.
BINABASA MO ANG
𝐁𝐈𝐑1: 𝐂𝐡𝐚𝐬𝐢𝐧𝐠 𝐀𝐰𝐚𝐲
Storie d'amoreKung talagang mahal mo, bakit mo susukuan? Sapat ba 'yung dahilang pagod ka na? Sapat ba yung dahilang sawa ka na? Galit ka para lang sukuan ng taong mahal na mahal mo? Napapagod din naman ako! Pero never kong naisipan na sukuan ka! Kasi mas na...