NAPABUGA ng hangin si Joanna sa pagpapakalma ni Junnel sa kanya. Sa ganitong sitwasyon ay laging kasama niya ang binata. Si Junnel na minsan nang nanakit sa puso niya.
"Ang pagaanin ang iyong pakiramdam ang pinakapaburito mong gawin no?" Tanong ni Joanna na kasalukuyang hinahaplos ang magkabilang braso."Ano kaya ang gender ng baby nila? "
Umiling is Junnel. " Kaya nga e, "
" Sa palagay ko babae. " Nakatingin sa hallway si Joanna. Gusto niya ng lumabas ng hospital dahil hindi na niya kinakaya ang lamig ng Aircon.
Kaya nang mapansin siya ni Junnel na nanginginig ay walang pagdadalawang isip nitong pinatong sa likod niya ang jacket.
Ngayon, nakasando na lang siya. Gusto niyang ibalik dito ang jacket pero sa kabilang dako, si Junnel naman ang kusang nag-offer sa kanya.
Makapal din naman siguro ang balat nito para hindi matablan ng lamig. Bukod diyan ay sa Aircon na ito lumaki. Kaya paniguradong sanay na ang katawan ni Junnel.
Tumayo si Junnel para bumili ng kape sa isang vending machine. Nasa loob lang iyon ng hospital. Mas makakatulong daw iyon para makalaban sa lamig ang katawan niya.
Kahit pa kasi may suot na siyang jacket, ay hindi parin iyon sapat.
Lumpas apat na minuto at Wala paring bumabalik na Junnel sa pwesto nila. Hindi naman ganoon kalayo ang vending machine kaya napakaimposibleng hindi pa ito makabalik.
"Come on!"
Nagpalinga-linga si Joanna at natanaw niya si Junnel na tinatapik ang machine.
"Mag problema ba?"
Nakatuwad si Junnel na nilingon si Joanna.
"Iyong vending machine. Nagloloko yata. Ayaw ihulog 'yung kapeng pinindot ko e, naghulog naman ako." Paliwanag ni Junnel. Bakas sa tono niya ang frustration. Medyo may mga nakikita na rin siyang iilang butil ng pawis, kahit na sobrang lamig sa loob ng hospital.
"Try mong hulugan ulit." Inabot ni Joanna ang bente kay Junnel. Pero masyadong ma-pride si Junnel. Hindi niya tinanggap ang inabot ni Joanna. Sa halip ay giniit nitong may dala din naman daw siya. Kaya hindi na nagpumilit pa si Joanna.
"Lalabas na lang muna ako ng hospital. May nakita akong MacDonald 'di kalayuan dito. Anong gusto mo? "
" Hot cappuccino na lang. Busog pa naman ako. "
Tumango si Junnel bago ito lumabas ng hospital.
Laking pasasalamat ni Junnel dahil walang masyadong tao dahil dis oras na rin ng gabi. Pero hindi naman niya aakalaing magtetext sa kanya si Joanna.
Nanganak na raw si Delgie at minamadali niya na akong bumalik ng hospital.
"Thank you!"
Nagmamadali akong bumalik ng hospital.
"Ba't ang tagal mo? Halika na!"
Bitbit ang plastic nang inorder ko, pumasok kami sa kwarto ni Delgie. Nadatnan naming buhat-buhat ni Edwin ang baby nila.
"Congratulations!" Bati nit Junnel saka mahinang tinapik si Edwin matapos ipatong sa side bed table ang bitbit niya.
"Wow! Hindi ako makapaniwalang mommy ka na, cousin!" Parang kanina lang ay inaantok at nilalamig pa si Joanna. Ngayon ay mas masigla na siya sa taong nakainom ng isang tasang kape. "Ang cute naman ng baby na 'yan!"
"Oo nga e, mana sa'kin!" Proud na wika ni Delgie na medyo ikinasimangot ni Edwin. Pagkatapos ay sinundan namin ng tawanan.
Hay, ewan ba! Gustong-gusto ng mga lalaki na kamukha nila ang mga baby nila. Lalo na kapag first born.
"Anong pangalan niya?" Maya-maya ay tanong ni Junnel sa mag-asawa.
" Maiden Grace Dela Cruz Suicon. " Si Delgie ang sumagot kag Junnel.
" Ang gandang pangalan. " Sambit ni Joanna na cute na cute kay baby Maiden.
" Salamat nga pala sa pagpunta niyo rito. Talagang na- appreciate namin ni Delgie." Wika ni Edwin.
" Ang kaibigan namin, " sabi ni Delgie pagkatapos tumingin ng makahulugan kay Edwin.
"Kaya kayo ang gusto naming maging ninong at ninang ni baby Maiden." Patuloy ni Edwin na agad sinang-ayunan ni Junnel.
Walang halong malisya para kay Joanna. Isa pa pareho silang kaibigan nina Edwin at Delgie. Kaya hindi siya dapat tumanggi. Bukod pa rito, mahilig siya sa mga bata. Bagay na laging laging ipinagtataka ng pamilya niya. Dahil kung bakit hindi na lang siya nag-guro gayong malapit siya sa mga chikiting.
"Maraming salamat sa inyong dalawa." Mula sa pusong pasasalamat ng dalawa sa kanila.
Ang kasiyahang iyon ay naputol nang katukin at pasukin sila ng isa sa mga nurse. Para sabihin hindi sila pwedeng magtagal sa loob ng room.
Kaya agad na ring nagpaalam sina Delgie at Junnel para umuwi. May mga pasok din pa kasi sila kinabukasan at kailangan nila ng pahinga kahit sa konting oras lamang.
"O, pano? Mauuna na ako sayo." Paalam ni Delgie kay Junnel nang huminto ang pinapara niyang taxi.
"T-teka lang." Pinigilan ni Junnel si Joanna na buksan ang pinto ng taxi.
"Bakit?" Baling niya rito.
"Can I ask you out?"
Nagulat si Joanna sa sinabi Joanna kaya hindi agad siya makasagot. Hindi naman iyon ang kauna-unahang niyaya siya nitong makipag-date. But this time, it hit differently.
"Pag-isipan ko." Sagot ni Joanna bago tuluyang binuksan ang pinto ng taxi.
Narinig pa niyang sumigaw si Junnel na hindi raw niya pagsisisihan kapag pumayag siya. Siya na nga lang 'yung nahiya sa ginawa nito.
Hindi pa siya nakakalayo mula sa lugar nang sumakay siya ng taxi. Nang tumunog ang message tone. Binuksan niya message at nabasa niyang mula iyon kay Junnel. Para itong jowa niya kung utusan siyang magtext kapag nakauwi na siya.
Pagkadating ni Joanna ay agad siyang pumasok ng banyo para maligo. Nanlalagkit kasi siya kahit pa de-aircon ang pinanggalingan niya.
Kasalukuyan na siyang nagbabanlaw ng sabon sa katawan nang may maalala siya. Kaya nagmamadali siyang nagbanlaw saka nagtapis ng tuwalya.
Nagtungo sa kama kung nasaan niya ipinatong ang phone saka nagtipa.
"Nakauwi na ako." Text niya saka sinend. Pinatong niya sa side bed table ang phone saka may na- realized.
Nagtataka siya sa sarili kung bakit ganun ang kinilos niya. Kung bakit nagmamadali siyang i-text si Junnel. Para sabihing nakauwi na siya. Nasapo niya ang noo saka nagwala sa ibabaw ng kama na parang tanga.
KINABUKASAN ay maagang nagising si Joanna. Ayaw na niya kasing madagdagan pa ang late niya. At baka mawalan na siya ng trabaho kapag nagpatuloy pa.
Kumuha siya ng mug at nagsalin ng mainit na tubig.
"H'wag mong sabihin magkakape ka lang at hindi mag-aalmusal?"
BINABASA MO ANG
𝐁𝐈𝐑1: 𝐂𝐡𝐚𝐬𝐢𝐧𝐠 𝐀𝐰𝐚𝐲
RomanceKung talagang mahal mo, bakit mo susukuan? Sapat ba 'yung dahilang pagod ka na? Sapat ba yung dahilang sawa ka na? Galit ka para lang sukuan ng taong mahal na mahal mo? Napapagod din naman ako! Pero never kong naisipan na sukuan ka! Kasi mas na...