JOANNA'S POV"Head Chef Roberto, pwede ka bang makausap saglit? May mga kailangan lang akong sabihin na mahalaga sayo." Tanong ko kay Mr Roberto, saka siya pumihit paharap sakin.
" Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa dahil nakikita kong abala ka. Ini-expect ko ng alam mo nang may darating tayong mahalagang bisita ngayong lunes. Nais ko sanang maghanda ng espesyal na pagkain para sa kanilang dinner maliban sa hipon, allergic kasi si Mr Ciriaco Edem." Hindi na sumagot pa head chef. Pero gumuhit ang ngiti at kasunod ang marahang pagtango niya.
"Kung ganoon, hindi na rin ako magtatagal pa sa rito. Lalabas na ako. " Agad na akong lumabas ng kusina at sa silid ng mga musikero dumiretso.
Nang makita ko ang vocalist ng banda ay agad ko itong nilapitan. Hindi na ako nagpakilala pa dahil kilala na namin ang isa't isa. Sa pagkakaalala ko naroon siya sa staff room nang ipapakilala ako ni Mr Jules sa kanila.
"Mahilig sa ballad songs ang guest natin kaya siguraduhin mong akma ang ang setup niyo sa sa kakantahin nito sa Monday. " Napangiti siya habang pinapakinggan ang mga sinasabi ko sa kanya. Ramdan kong excited siya pero syempre, may kaunti parin akong kaba.
Tumango si Daisy na vocalist ng banda ng resort. "H'wag kang mag-alala miss Dela Cruz. Siguraduhin naming mapapaiyak namin siya sa mga kakantahin namin." Buong pagmamalaki niyang wika.
Isang napakalaking sana ang tumatakbo sa utak ko. Dahil kung hindi naging successful ang unang event ba hahawakan ko, baka tuluyan na akong mawawalan ng trabaho.
ANG TATLONG araw ay mabilis lamang na lumipas. Natulog lang ako ng isang gabi, paggising ko lunes na.
Pagsapit ng gabi ay wala na akong inaksayang oras. Agad na akong nagmadali upang matapos ang preparasyon bago sila dumating. Nakabihis na rin ako ng stylish alluring asymmetrical white and blue dress.
Pumunta ako sa patyo at sinuri ang mga pagkain dito. Tapos ko na kasing i-check ang kabuuan at ang mga design sa paligid ng patyo.
"Seafood Rice Skillet. Accuracy, quality, condition...no shrimp." Minarkahan ko ang mga ito ng check. Pangdalawang tao lang ang nakahanda sa patyo at ang ibang guest naman ay nasa balkonahe na kakain. Masyado kasing ma-private si Mr Ciriaco kaya mas gustong isa o dalawa lang ang kasama niyang kumakain.
Mukhang mahusay ang pagkakaayos nito kaya kampante na akong magpapatuliy sa susunod kong gagawin. Ang sumunod ko namang sinuri ay ang banda-banda at ang vocalist nilang si Daisy.
Pagkarating ko sa staff room, wala akong makitang Daisy. Nagsimula na tuloy gumapang ang aking pangamba. Nasaan kaya siya? Sana okay lang siya..
"Ahm... Hi ladies. Nakita niyo ba si Daisy? Iyong vocalist ng banda-banda?" Tanong ko sa dalawang babaeng sa palagay ko ay mga housekeeping ayon sa kanilang mga kasuutan.
Tumigil sila sa pag-uusap saka gulat ba gulat na nilingon ako. "Nakita ko siya sa toilet kani-kanina lang." Sagot nung babaeng choppy bob ang haircut.
"Maraming salamat...?"
"Cristine po." Pakilala niya.
Agad na akong nagtungo sa toilet. Pero bago ako makarating doon, nadaanan ko ang back courtyard. Medyo kinilabutan pa ako nang may marinig akong umiiyak. Si... Si Daisy kaya 'yun?
Humakbang ako papalapit sa pinanggagalingan ng iyak.
"Daisy...?"
"M-miss Dela Cruz, Ikaw ba iyan?" Thanks God! Si Daisy nga!
Humakbang ako papalapit sa silhouette na naaaninagan ng poste ng ilaw mula sa kalsada.
"Daisy, ano ang ginagawa mo rito sa madilim na courtyard? Tsaka kanina pa kita hinahanap." Patakbong lumapit sakin si Daisy saka yumakap ng mahigpit. "Ayos ka lang ba?"
"Si Junnel..." Hagulhol niya. "Winasak niya ang puso ko!" Pag-amin niya, saka ako niyakap lalo ng mahigpit at ginantihan ko siya ng yakap.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Niyaya niya akong makipagdate noong isang linggo. Maganda naman ang naging kinalabasan ng date na iyon. Nangako pa nga siyang tatawagan niya ako pero lumipas na lang ang tatlong araw. Walang kahit isang tawag akong natanggap...!" Napatiimbagang ako habang pinapakinggan ang mga rebelasyon ni Daisy.
"Pero alam mo ang mas masakit, miss Dela Cruz? Nakita ko siya kaninang may ibang babae na kalandian. Nagawa niya pa talaga itong ipakita sa pagmumukha ko after ng ilang araw niyang pag-iwas sakin? How about the night we had? I thought we're good but... " Kumawala siya sa pagkakayakap sakin saka ngumiti nang mapait na humarap sa'kin.
"Pasensya ka na miss Dela Cruz. Hindi ko kayang humarap ngayon sa entablado ng ganito. Gusto ko na pong umuwi, uminom ng alak at kumain ng barbecue. " Nagulat ako sa sinabi niya gayong ilang minuto na lang at dadating na ang mga guest.
Natataranta akong nagpalakad-lakad habang tinatanong ang sarili kung ano ang gagawin ko para ma-solve ang problemang ito.
"I understand. Gagawan ko na lang ng paraan, Daisy." Muling yumakap sakin si Daisy saka ako iniwan.
Gusto kong manlumo pero hindi dapat iyon ang panaigin ko. Kaya agad na akong umalis ng courtyard upang pumunta ng staffroom.
Pagpasok ko sa staffroom, bumungad sa'kin ang mga nag-aalangang mukha ng naiwang Banda ni Daisy. Halatang hindi pa nila alam ang naging desisyon ng kanilang vocalist.
Nang maagaw ng pagpasok ko ang kanilang atensiyon ay agad silang napatingin sa direksyon ko. Napatayo sila at naghihintayan kung sino ang magsasalita.
"Ah... Miss Dela Cruz, ano kasi..." Paurong-sulong na sambit ni Oliver-ang guitarist ng banda.
"Hindi makakasipot si Daisy. May personal problem lang siyang kinakaharap ngayon. Pero h'wag kayong mag-alala." Humarap silang lahat sakin at seryosong naghintay ng plan b. Hindi kasi namin iyon pwedeng hindi ituloy dahil iyon ang pinaka-highlights ng business dinner na iyon.
"Ako muna ang magiging vocalist niyo." Diretsong sabi ko na ikinagulat ng lahat ng naroon sa loob ng staffroom.
"Pero ilang minuto na lang po ay magsisimula na ang event." Nag-aalalang sabi naman ni Mikey na drummer ng banda.
"Don't worry, as long as you know the music. There's nothing to worried about." Nakangiti at confident kong sagot sa kanya.
Nakita kong may mga pag-aalangan at pag-aalala sa kanilang mga mukha. Subalit hindi iyon dapat na dumagdag pa sa mga aalahanin ko. I have to be strong for them to overcome this sudden situation. I have to be strong for everyone.
BINABASA MO ANG
𝐁𝐈𝐑1: 𝐂𝐡𝐚𝐬𝐢𝐧𝐠 𝐀𝐰𝐚𝐲
RomanceKung talagang mahal mo, bakit mo susukuan? Sapat ba 'yung dahilang pagod ka na? Sapat ba yung dahilang sawa ka na? Galit ka para lang sukuan ng taong mahal na mahal mo? Napapagod din naman ako! Pero never kong naisipan na sukuan ka! Kasi mas na...