"Ikaw na kumausap." Tulak ni Joanna kay Junnel.
"Teka, bakit ako?" Nanlalaking turo nito sa sarili.
"May history na kayo ng babaeng 'yan. Kaya malamang hindi 'yan hihindi kapag tinanong mo."
"Seryoso ka ba?" Hindi makapaniwalang tanong nito.
"Ay hindi. Joke lang 'yun. " Sarkastikang sabi niya. "Sige na!"
Nilakasan ni Joanna ang pagtulak kaya muntik ng mamudmod si Junnel sa sahig.
Naagaw naman niya ang atensiyon ni Jeya, na patagong bumungisngis nang makita si Junnel.
"Ah, " pilit na ngumisi si si Junnel, habang kamot-kamot ang noo." H-hi, Jeya. "
Napakagat sa labi Jeya nang lapitan niya ito. Tila nagpapabebe pa at kilig na kilig sa pagpapakyut na ginagawa ni Junnel.
"S-sher..."
"P-pwede ba kitang makausap?" Panimula niya.
"Oo naman, sher. " Malanding sagot ni Jeya.
Napairap si Joanna sa inis.
People change. Wika niya sa sarili. Parang gusto niyang sabunutan ang babae.
Nagpalinga-linga si Junnel sa paligid. Sinisigurado niyang walang ibang tao bukod sa kanilang tatlo.
"Tungkol saan ba ang pag-uusapan natin, sir?"
"Tungkol kay Mr. Jules."
Nang marinig ni Jeya ang ang pangalan ng pakay nila ay agad na nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Jeya.
Namutla ito at bakas ang takot sa mukha. Ito na nga ba ang pinag-aalala nila.
"A-anong ibig mong sabihing tungkol kay-" nakita ni Junnel na humigpit ang pagkakawak ni Jeya sa ballpen. Pagkatapos ay nag-angat ng tingin sa babae.
"Sa tingin ko alam mo na tinutukoy ko." Nakangiti ngunit seryosong sabi ni Junnel.
Nasapo ni Joanna ang noo. Sa pagkakataong iyon ay alam niya na ang kalalabasan ng pag-uusap na iyon.
"H-hindi ko alam ang tinutukoy mo. P-please. May trabaho pa ako sir."
Lumipat sa kabilang part ng desk si Jeya malayo kay Junnel.
"Jeya, please. Pakinggan mo naman ako. Para din 'to sa 'ting lahat. Kaya kung may nalalaman ka man, sabihin mo na." Pakiusap ni Junnel pero wala siyang narinig na sagot.
Nag-angat ng tingin si Jeya sa kabuuan ng entrance. Nililibot ang paligid na parang may hinahanap. Bakas sa mga mata nito ang pagkabalisa na hindi alam ni Junnel kung paano ipaliwanag.
High ba siya? Sambit niya saka umiiling na bumalik kung nasaan ang nobya.
"She's scared."
"I know." Sagot ni Joanna.
Nagi-guilty siya at the same time. Kasi feeling niya parang na- triggered ang takot ni Jeya towards Jules. Ngayon wala na tuloy silang maisip na ibang paraan. Masyadong magaling si Jules. Certified manloloko.
Tinignan ni Joanna ang binigay sa kanyang baso na may lamang kulay pulang likido.
"Ano 'to?"
"Energy drink 'yan." Sagot ni Junnel.
Inamoy ni Joanna ang likido. Black cherry aroma ang kanyang naaamoy.
"Banyo lang ako." Paalam ni Junnel saka tumayo papunta sa restroom.
Naiwan si Joanna na paunti-unting umiinom sa wine na binigay sa kanya ni Junnel.
"Ayos lang bang samahan kita?"
Lumingon sa kanan si Joanna pero wala siyang nakita. Lumingon siya sa kaliwa at tama ang kanyang hula.
"Cheers?" Tinaas nito ang dala-dalang baso na may lamang mas matapang pa ang amoy sa alak na iniinom niya.
Looks like he's struggling. To the point na iinom ito ng ganoong katapang na alak. Unless gusto lamang nitong magsaya?
Bakas sa kilos nito na bahagyang lango na. Ang aga-aga pa naman para maglasing siya ng ganoon. Ganoon na ba siya kasaya dahil nabili na niya ang dream car niya?
Tss.
"To be honest. I like you, Joanna." Wala sa sarili nitong sabi. Nagulat naman si Joanna sa rebelasyon ni Jules.
"Ho?"
"Alam ko masamang magkagusto sa girlfriend ng pamangkin ko. Pero...I really like you. You are hardworking person. Very diligence and with perseverance. You are the woman I am looking for. "
Napaawang ang bibig ni Joanna. Gusto niyang magsalita pero parang ayaw lumabas ng mga salita sa bibig niya.
"Kung bibigyan mo lang sana ako ng pagkakataong mapatunayan iyon sayo, gagawin ko. Hinding-hindi ko gagawin ang kaduwagang ginawa niya sayo. Pangako, just say yes to me. "
Natawa si Joanna sa kanyang isipan. Is this a kind of some stupid prank? If yes, then he must stop it or else ...
"I-I know you wouldn't believe it. Then let me tell you a secret." Napalunok ng laway si Joanna. Ito na nga ba ang chance na hinihiling niya?
"S-sekreto?" Nauutal na tanong niya. Nauutal siya sa sobrang pananabik na iligwak nito ang sinasabing sekreto.
Tinungga ni Jules ang isang bote ng Brandy. Kung saan iyon galing ay hindi niya alam.
"Pero bago ko sabihin sayo, pwede bang ipangako mo saking wala kang pagsasabihan nito?"
Natigilan si Joaan sa pagkurap. Kinakabahan man ay marahan siyang tumango.
"Matalino ka, Joanna. Napansin mo agad na may kakaibang nangyayari sa pondo ng resort." Hinawakan nito ang kamay niya.
"Tulungan mo akong itago iyon. " Binawi ni Joanna ang kanyang kamay mula kay Jules. Napalagok siya dahil hindi na siya kaya ang mga naririnig.
Napapaisip din siya na kaya siguro nagtatapat si Jules ng damdamin ito ay dahil gusto siya nitong gawing kasabwat.
Marahil nakarating na rin siguro sa kanya na nag-iimbistiga siya sa pondo ng resort.
Pero bakit hindi siya nito sinasaktan o tinatakot gaya ng ginawa nito kay Jeya?
Totoo nga kayang may gusto sa kanya si Jules?
"Paano ka nakakasiguradong ako lang nakakaalam ng lihim mo?"
"May isa pang nakakaalam. Kilala mo siya, Joanna." Lalong kumabog ang dibdib ni Joanna sa labis na takot.
Kilalang-kilala niya ang tinutukoy nito. Napatakip siya sa bibig.
Ang hindi nila alam ay may nakikinig pala sa kanilang pinag-uusapan. Masama ang mga tinging binabato sa dalawa. Gusto niya itong lapitan pero hindi niya magawa. Gusto niya itong saktan pero hindi niya magawa.
Tila nakapako ang kanyang mga paa sa kanyang pinagtataguan. Ang tanging nagagalaw lang niya ang kanyang mga kamay na humihigpit sa pagkakakuyom.
Bumilang siya. Isa. Kapag pinilit ng lalaki na makipagsabwatan ang babae, mananahimik siya. Pangalawa. Kapag ginawang ng masama ang babae at piliting makipagrelasyon sa lalaki, lalapitan niya ito at susuntukin hanggang sa mawasak niya ang pagmumukha ng walang'ya!
BINABASA MO ANG
𝐁𝐈𝐑1: 𝐂𝐡𝐚𝐬𝐢𝐧𝐠 𝐀𝐰𝐚𝐲
RomansaKung talagang mahal mo, bakit mo susukuan? Sapat ba 'yung dahilang pagod ka na? Sapat ba yung dahilang sawa ka na? Galit ka para lang sukuan ng taong mahal na mahal mo? Napapagod din naman ako! Pero never kong naisipan na sukuan ka! Kasi mas na...