JOANNA was in her bed, lying. She was waiting for her tears to stop from flowing. Tumitigil lang kasi iyon sa pagdaloy kapag siya ay nakakatulog na, at umaagos muli kapag siya ay nagigising.Ilang araw na ba siyang ganito? Ilang araw na ba siyang naghihintay na tumila ang ulan? Ah, tatlong buwan na rin pala.
Tatlong buwan na siyang nagkukulong sa kwarto at lumalabas lang kapag kakain o maliligo. Tapos babalik na ulit siya sa tila nakasanayan na niyang senaryo.
Hihiga, magmukmok, iiyak at tutulala. Habang parang life cycle ang mga tanong sa utak niya, na halos tatlong buwan na rin niyang naririnig. Mga tanong na kailan man ay hindi na yata masasagot.
Mga katanungang tulad nang, minahal ba talaga siya ni Junnel? Hindi ba siya nanghihinayang sa kwentong binuo nila?
Tatlong buwan na niyang ipinagpipilitan sa sariling dapat na niya itong kalimutan. Pero bakit hindi niya magawa-gawa? O baka naman hindi niya pa kaya?
Napapikit siya at muling sumariwa ang kanilang matamis na mga alaala. Malinaw na malinaw at kitang-kita niya kung gaano sila kasaya. Ang mga mata nilang puno ng pananabik sa isa't isa.
Subalit ang lahat ng mga iyon ay alaala na lang pala. Isang masaya ngunit napakapait na alaala nilang dalawa.
Nagmulat siya ng mga mata saka tumanaw sa nakabukas na bintana. Mula sa labas ay pumapasok ang napakalamig na hangin, subalit sa kalangitan ay napakarami namang bituin.
Sa dami nito ay hindi niya alam kung sino ang tatanungin. Kaya napagpasyahan niyang lahat sila ay tanungin.
Maling tao kaya ang pinatakan niya ng luha? Saan ba siya nagkulang? Napuno na kaya ang buwan kaya bigla na lamang siyang nang-iwan?
BINABASA MO ANG
𝐁𝐈𝐑1: 𝐂𝐡𝐚𝐬𝐢𝐧𝐠 𝐀𝐰𝐚𝐲
RomantizmKung talagang mahal mo, bakit mo susukuan? Sapat ba 'yung dahilang pagod ka na? Sapat ba yung dahilang sawa ka na? Galit ka para lang sukuan ng taong mahal na mahal mo? Napapagod din naman ako! Pero never kong naisipan na sukuan ka! Kasi mas na...