Prologue

5.6K 81 4
                                    

Sabrina

Nag-eenjoy ako sa buhay ko ngayon. No boyfriend, no stress, no drama. Mas gusto ko pa maging single ako kaysa sa may boyfriend naman ako kaso sakit sa ulo. Nagkaroon ako ng boyfriend pero hindi ako nag seseryoso sa kanila dahil ayaw ko pa pumasok sa seryoso relasyon. Okay lang sakin ang makipag-relasyon pero ang mag-asawa ayaw ko pa. Inaayawan ako ng mga lalaki dahil ayaw ko magpatali.

Gusto ko muna mag enjoy hanggat dalaga ako. I like travel around the world. Bar hoping, Shopping. Sinusulit ko ang pagkakataon na maging masaya ako habang nabubuhay ako sa mundo ito. Dahil kapag may edad na ako hindi ko na magagawa ang katulad na ginagawa ko ngayon. Ngayon Gabi birthday party ng kaibigan ko si Elle, Sa kasalukuyan Nasa Teen Pub bar kami magkakaibigan sa BGC Taguig.

Halos bumabaha ng alak at pulutan sa lamesa. Maingay ang loob ng bar. May sumasayaw sa Dance floor. May nag-iinuman. Binuksan ko ang Cosak Vodka at tinungga ko agad.

"M-My gosh ang pait ng lasa" nakasimangot na sambit ko.

May lalaki nakakatitig sakin sa kabila table kaso hindi ko pinapansin. He's chuckled while looking at me.

I just rolled my eyes at the Ceiling. Gosh I'm not interested na makilala ko siya. Sawa na ako makipag-boyfriend.
Pahinga muna ako sa Relasyon. Dahil lahat ng mga naging ka relasyon ko puppy love para sakin. Ayaw ko pa mag seryoso. Masarap ang buhay Dalaga.

Narinig ko ang malakas na Musika galing sa Speaker. Napapa-indak ako sa Tugtog kaya napapasayaw ako.

"Hey Sabrina, that guy looking at you, Gosh kanina ko pa napapansin na grabe ang titig niya sayo" Saad ni Abby.

"H-Hayaan mo siya tumititig sakin hanggat magsawa siya, Sa tingin mo ba papansinin ko ang lalaki yan Abby, I'm sorry he's not cuddled type" Sabi ko.

"Haha! Sawa kana ba sa Gwapo?" She's asking.

"Oo, nakakasawa ang Paiba-iba ng boyfriend at ayaw ko muna mag boyfriend sa ngayon Abby. Gusto ko enjoyin ang buhay ko ngayon." I said.

"Well, tama ka naman. Mas masaya ang wala jowa. May boyfriend ka nga sakit naman sa ulo. Minsan may punto na hindi kayo dalawa nagkakaunawaan at nauuwi sa away, sa Break-up" Saad niya.

"Yeah, That true Abby, kaya ayaw ko muna magkaroon ng boyfriend." Sabi ko sa kaniya.

Tinungga ko ulit ang cosak vodka. Medyo may tama na ako ng alak sa katawan. Medyo nahihilo na ako kaya umupo ako sa Sofa. Napasapo ako habang hinihilot ko ang sentido ko. Ang lakas-lakas ng tama ng alak sa katawan ko. I feel weak.

Hinatid ako ni Abby sa bahay dahil hindi ko na kaya umuwi mag-isa.

"Hey Sabrina, Bumangon ka diyan!" Ang aga-aga narinig ko ang malakas na sigaw ni Mama sa loob ng kwarto ko. Ang sakit sa Eardrums ang boses niya. Gosh she's getting on my nerves. Ang aga-aga tumatalak na naman ang bibig ni Mama. Bumangon ako sa kama habang kinukusot ko ang mata ko.

"Ma! Why are you shouting?" I asking.

"Kailan kaba magtitino Sabrina? Lasing na Lasing ka kagabi umuwi galing sa Bar. Mabuti nalang nandiyan si Abby para ihatid ka dito sa bahay. Kung hindi ka magbabago Kailangan mo umuwi sa Probinsiya" Saad niya.

"What? Uuwi ako sa Tarlac para ano mama?" Kumunot ang noo ko. Naramdaman ko may Hang-over pa ako dahil sa kalasingan ko kagabi.

Napabuntong hininga nalang ako.

"Diba sinabihan na kita iwas-iwasan mo yan mag barkada. Wala kana iba ginawa kundi pumunta sa bar para maglasing. Kung hindi ka magbabago mas mabuti pa doon ka muna sa lola mo sa Tarlac" Saad niya.

"Ayaw ko doon mama, Bored mag stay sa Probinsiya. Wala naman ako makikita maganda doon sa Probinsiya. Ano makikita ko doon mga nagtataasan mga bundok. Mga puno ng manga, Puno ng Santol at Atis" sabi ko."Malapad na karagatan at mga basakan. No way mama!" Matigas na Saad ko.

Ayaw ko umuwi sa Tarlac, dahil alam ko bored sa Probinsiya, wala naman ako makikita maganda doon eh. Minsan na ako nakapunta sa Tarlac. Okay naman ang bahay ni Lola Dolores doon, marami naman kapitbahay kaso wala naman ako kakilala doon. Masaya lang siguro sa Probinsiya kapag may WiFi. Para makapag Facebook at Instagram ako. Bored kaya mag stay sa Probinsiya. Masyado tahimik. Siguro huni ng ibon ang maririnig ko sa araw at sa gabi naman huni ng mga kuliglig. Gosh iniisip ko palang ang buhay sa Probinsiya parang mahihirapan na ako.

No way!

Hindi ako uuwi sa Tarlac, Mark my words!

"Pack you're things Sabrina" Maawtoridad na sabi niya at seryoso ang mukha ni mama. Hindi siya nagbibiro."Doon ka muna mag stay sa bahay ng lola Dolores mo, sa ayaw oh sa gusto mo" Saad niya.

Kinuha niya ang maleta at Nilapag sa harapan ko.

"Matigas ang ulo mo Sabrina, ayaw mo makinig sakin kaya paparusahan kita. Magligpit kana ng mga damit mo ngayon na dahil ihahatid ka ni Uncle Fredo mo sa Tarlac. Bilis-bilisan mo ang galaw mo pwede" Saad niya.

Wala dito si Papa para ipagtanggol niya ako kay mama. Nasa Tagaytay siya dahil may ginagawa importante,Wala ako kakampi ngayon dahil ang mga kapatid ko wala sa bansa, si Ate Megan nasa Taiwan. Si Kuya Enzo naman nasa Palawan dahil nagbabakasyon sa El Nido. Masarap mag surfing ngayon kaya natagalan ang bakasyon niya. Wala ako malalapitan ngayon.

Wala ako nagawa sa kagustuhan ni mama. Kinuha ko ang mga damit ko sa closet. Sinilid ko sa loob ng maleta. Dahil sa katigasan ng ulo ko itatapon ako ni mama sa Tarlac. Doon muna ako sa bahay nila Dolores. Mainit ang ulo niya sakin. Tatlo oras ang biyahe pauwi sa Tarlac. Pagdating ko sa bahay ni Lola sinalubong niya ako may ngiti sa labi niya. Masaya ang mukha niya dahil makakasama niya ako ulit sa bahay.

"Sabrina kumusta kana apo?"Kinuha ko ang kamay niya bago nagmano"K-Kaawaan ka ng Diyos apo" Aniya."Dalaga kana talaga ngayon apo dahil noon huling pagbisita mo sa dito ang liit-liit mo pa" Saad niya.

"Kaya nga lola. May kasalanan kasi ako kay mama kaya dito muna ako mag stay sa bahay mo" sabi ko.

"Naku alam ko na yan Sabrina. Huwag ka magsinungaling sakin dahil alam ko mahilig ka parin pumunta sa bar at uminom ng alak. Diba ayaw na ayaw ni mama mo umiinom ka dahil hindi maganda yan kalusugan" Saad niya.

"I know lola" sabi ko

"Oh alam mo pala pero bakit ginagawa mo parin Aber?" Umarko ang kilay ni lola sakin."Jusko maryosep iba na talaga ang mga kabataan ngayon. Bukas araw ng linggo diva, Sumama ka sakin mag simba, may malapit na simbahan dito. Baka sakali magbago ka kung sasama ka sakin mag simba."

"Okay lola sasama na ako bukas. Baka magtampo ka sakin kapag matulog lang ako maghapon dito sa bahay mo." Sabi ko.

"Mas mabuti pa nga Sabrina. Tsaka bawas-Bawasan mo yan pagiging palahubog mo sa alak kaya nagagalit sayo ang mama mo dahil dyan sa katigasan ng ulo mo" Aniya.

Kinagat ko ang labi ko.

"Alam ko naman lola Dolores na sesermunan ako dahil sa katigasan ng ulo minsan. I know lola kapakanan ko lang ang iniisip niyo dalawa ni mama" Saad ko.

"Mabuti naman alam mo. Dito sa tarlac wala ka barkada dito. Wala masyado bar dito kasi Probinsiya. Sasamahan mo ako sa bukid para mag-ayos ng bahay ko doon. Oh huwag ka mag reklamo. Simula ngayon sanayin mo ang sarili mamuhay dito sa Probinsiya." Saad niya.

"Fine lola. Sasama ako sayo sa Bukid. Basta may data lang ang phone ko okay na okay na ako."

"Hay naku mga kabataan talaga ngayon ibang-iba na. Alam mo noon kabataan ko wala naman yun mga ganiyan-ganiyan at bakit ngayon ibang-iba na talaga. Alam mo apo kapag tinitignan lang kami ng Tatay namin natatakot na kami agad. Pero mga kabataan ngayon wala takot sa magulang. Jusko!" Saad niya.

Napawalang kibo nalang ako sa sinabi ni lola sakin. Tama nga naman ibang-iba na talaga ang mga kabataan ngayon kumpara noon 1990's.

Masyado na kasi Hitech ang mundo ngayon kaya pati ang isip ng tao masyado narin Hitech kung mag-isip. Dahil sa barkada natuto ako uminom ng alak, mag gala-gala kung saan-saan. Marami ako nakilala mga lalaki kaso hindi ko pinapansin. Malayo ako ngayon sa Manila at hindi ko alam kung kailan ako tatagal dito sa Tarlac.

One month! Two month! Four month! Hindi ko pa sigurado kung kailan ako makakabalik sa Manila. Kasalanan ko naman talaga at aminado ako hindi ako nakinig sa Sermon ni mama kaya pinadala niya ako dito. Titiisin ko nalang ang parusa ito.

Whatever!

MBS #2 Priest Falling Inlove [R-18] Complete Where stories live. Discover now