Chapter 3

3.2K 61 6
                                    

Sabrina

Maaga palang pumunta na kami ni Flordaliza sa Bukid. Tuturuan niya ako kung paano magtanim ng Gulay. Gusto ko may matutunan ako hanggat nandito ako sa Probinsiya.

M-May baon-baon kami nilagang saging,mais at Kamote suman. Ganito talaga ang mga pangunahin pagkain sa Probinsiya kaya nasasanay na ako. May baon kami mainit na tubig dahil kung sino ang gusto magkape.

Si Danilo ang Pinsan ko ang nagbubungkal ng lupa dahil magtatanim si Flordaliza ng Ampalaya at kamatis. Hindi naman mainit ang panahon kaya hindi nahihirapan ang Pinsan ko bungkalin ang lupa. Hinahanda ko ang mga seeds na itatanim ni Flor.

"Ate Sabrina okay na ba ang mga seeds na itatanim natin?" Tanong ni Danilo habang tumutungga ng tubig

"Okay na Danilo" sagot ko.

Mababait ang mga Pinsan ko dito sa Probinsiya kaya hindi mahirap pakisamahan sa anuman bagay. Napapansin ko lang nagtutulungan sila sa mga trabaho lalo nasa Bukid.

"Ate Sabrina si Father Ezra ba yun paparating?" Umalingawngaw ang boses ni Flordaliza habang nakatingin sa labas ng bahay kubo. Ang bilis-bilis ng tibo k ng puso ko.

Makikita ko naman ang lalaki hinahangaan ko. Gustong-gusto ko talaga siya.

"Hah saan" Palinga-linga ang paningin ko sa labas ng bahay kubo dahil gusto ko makita ang gwapo mukha ni Father Ezra.

"Ayon Ate oh" Tinuro ni Flordaliza kung saan si Father Ezra. Lumalakad siya sa Pilapil sa basakan.

Casual ang suot niya na bumagay sa kaniya. Ang gwapo-gwapo talaga ni Father. Nakatingin lang ako sa kaniya habang papalapit siya sa bahay kubo.

Ito naman ang puso ko ang lakas-lakas ng tibok. Hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko. Ganito pala ang pakiramdam na inlove. Kaso hindi pwede dahil Pari siya. Minamahal ko ang Servant ni God.

"Father ano po ginagawa mo dito sa bukid?"Tanong sa kaniya ni Flordaliza. May dala-dala siya Guyabano at Watermelon.

"May pinuntahan lang ako diyan. Isang kaibigan, Gusto ko siya dalawin" Tumingin siya sakin kaya umiwas ako ng tingin."Good morning Binibini ikaw pala, kumusta ang araw mo ngayon?" Tanong niya.

Uminit ang mukha ko sa pa simple katanungan niya iyon.

"Ito okay lang ako Father, ikaw kumusta kana?" Tanong ko sa kaniya.

"Okay lang ako Binibini. Masaya ako nakita kita ngayon umaga" Iyan na naman siya sa mga banat niya.

"Ako din masaya rin ako nakita kita Father" sabi ko.

"May ibibigay pala ako sayo" sabi niya. May dinukot siya sa bulsa niya. Ano kaya ang ibibigay niya sakin. Na excite tuloy ako malaman kung ano man yun.

"Ano yan Father Ezra?"Na intriga tanong ko sa kaniya.

Tumikhim siya bago tumingin sakin.

"Akin na yan kamay mo Binibini" Saad niya.

"Bakit?" Napako ang mata ko sa kaniya.

"Isusuot ko ito Rosary Bracelet sa kamay mo. Marami ako ganito kaya bibigyan kita dahil isa ka sa mga malalapit ko kaibigan" Aniya.

Friendzone! Ang sakit!

Natuwa naman ako dahil bibigyan niya ako ng Rosary Bracelet. Tapos kinikilig ako dahil sa sinabi niya isa ako sa malapit na kaibigan niya. Bago palang kami magkakilala ni Father pero tinuring niya ako sa isang malapit na kaibigan niya.

Siya na mismo ang kusang nag suot ng Bracelet sa kamay ko. Ang sweet.

"Father ang ganda naman nito" Namilog ang mata ko habang nakatingin sa Bracelet.

MBS #2 Priest Falling Inlove [R-18] Complete Where stories live. Discover now