Sabrina
M-Masarap ang almusal ngayon umaga. Piniritong talong,Longganisa, Bulad at sinangag. Umupo ako sa mesa para lantakan agad ang masarap na umagahan. Yummy! Delicious!
"Sabrina ang sabi sakin ni Mama mo uuwi kana sa Manila mamaya" Sabi ni Lola Dolores. Bigla nalungkot ang mukha niya.
"K-Kailangan ko na umuwi lola dahil may naiwan ako trabaho sa Manila.Siguro sapat at okay narin ang Dalawang buwan na bakasyon ko dito sa Tarlac." Sabi ko sa kaniya.
"Ganun ba apo. Alam mo ma miss kita" Sabi niya
"Ako rin lola ma miss kita ng sobra, ang bait-bait mo sakin dahil hindi mo ako pinapabayaan habang nandito ako" Saad ko habang Sinusubo ang Longganisa.
"Mag-iingat ka sa Biyahe mo mamaya apo" Mariin na sabi paalala niya sakin.
"Sige po lola. Mas lalo ikaw lola mag-iingat ka palagi lalo na sa Paglalakad mo" Sabi ko sa kaniya.
Niligpit ko na ang gamit ko sa Maleta. Excited na ako umuwi sa Manila.Hinatid ako ng Pinsan ko si Flordaliza sa Terminal ng Bus. Kaunti lang naman ang Bitbit ko pabalik sa Manila.
"Ate Sabrina tumawag ka kay Lola kapag nakarating kana sa Manila ah para alam namin" Sabi ni Flordaliza."Ate kumakain kaba ng suman. Balaghoy ang tawag sa amin dito sa Tarlac?"Tanong niya.
Umarko ang kilay ko!
"Oo naman kumakain ako niyan bakit?" Pabalik na tanong ko sa kaniya.
"May binili ako Ate Sabrina para sayo. Baon mo sa Biyahe pauwi ng Manila" Saad niya. Binigay niya sakin ang suman.
"M-Maraming salamat dito Flordaliza,Oh siya sasakay na ako sa Bus. Mag-iingat ka palagi. Si lola ah alagaan mo ng mabuti!" Binilinan ko siya alagaan si Lola."Ma miss kita" Sabi ko.
"Ma miss din kita Ate Sabrina. Ingat ka sa Biyahe" Niyakap ko siya ng Mahigpit.
"Babalik ako dito sa Tarlac kapag may time ako. Bibisitahin ko kayo ni Lola ulit."Wika ko na kinatuwan niya.
"Talaga Ate Sabrina! Sige Hihintayin ko ang pagbabalik mo dito sa Tarlac Ate" Aniya.
"A-Akyat na ako" Nagpaalam na ako ng maayos sa kaniya bago sumakay sa Bus. Kumakaway pa siya.
Apat na oras ang Biyahe kaya makakatulog pa ako. Mabilis ang pagpapatakbo sa Bus kaya nakarating ako agad sa Manila. Na miss ko ang Manila. Ang maingay na tunog ng Eroplano na lumalanding sa NAIA, ang Sumakay sa MRT, ang mamasyal sa mga Mall at pumunta sa Manila Ocean Park at Manila Zoo.
Bumaba ako sa Bus. Ngayon magsisimula ako ng Bagong Buhay ko.
Nag grab nalang ako pauwi sa bahay.
"Sabrina anak" Niyakap ako ni mama ng mahigpit at hinahagod niya ang buhok ko."Welcome back anak" Aniya.
"Na miss kita Mama" sabi ko.
"Kumusta ang buhay Tarlac anak masaya ba?" Tanong niya sakin.
Bigla ko naisip si Ezra. Suot-suot ko ang kwentas na binigay niya sakin. Pati bracelet Suot-suot ko parin. Napapangiti nalang ako habang iniisip ko siya.
"Oh bakit mukha masaya ka yata Sabrina. May something ba nangyare habang nasa Tarlac ka?"Nakangisi si Mama habang tinatanong niya ako.
"Mama may nakilala ako lalaki sa Probinsiya. Gwapo, Medyo moreno, Cute at higit sa lahat Mabait" Masaya sabi ko.
"Aysus! Crush mo naman agad." Sabi niya.
"Ibang-iba siya sa lahat mama. Kung kumilos siya napakapino at Magalang siya. Tawag niya nga sakin Binibini" sabi ko.
Bigla natawa si mama sa sinabi ko.
"Ano daw yun nabubuhay sa Sinaunang panahon katulad ni Doctor Jose Rizal at Apolinario Mabini kaya tawag sayo Binibini, diba anak ganun ang mga Sinaunang lalaki maginoo at ma respeto sa babae. Kapag tinitignan ka malagkit ikakasal ka agad." Sabi niya.
"Ganun Mama ang mga lalaki noon sa Panahon ni Doctor Jose Rizal?"Tanong ko sa kaniya.
"Hay Inday! Parang hindi ka nag-aral ng Filipino at Historical Subject. Ganun kumilos at mamuhay ang mga lalaki noon." Saad niya.
"I forgot Ma!"
"Oh ano Sabrina titino kana ngayon? Hindi kita pinalaki na maging matigas yan ulo mo. Hindi kita pinalaki na maging Pariwara yan buhay mo. Hindi kita pinalaki para maging Lasinggera ka sa Bar. Yan ba ang natutunan mo sa pag barkada mo kila Abby?" Na sermunan na naman ako ngayon.
Buhay nga naman!
"Ma! I promise I change a lot. Malaki na po ang Pinagbago ko promise. Wala na ang dati Sabrina na Spoiled brat, Matigas ang ulo, Mahilig sa Bar Hoping, Mahilig ng Alcoholic. Mama binago ako ni Ezra. Alam mo Mama simula ng makilala ko Ezra marami ako natuklasan kung ano ba ang totoo buhay dito sa Mundo. Alam mo Mama habang nakikinig ako sa kaniya sa Simbahan Napapangiti nalang ako dahil sa kaniya nagbago ako. Alam ko masama ang ginagawa ko pero hindi na ako uulit." Sabi ko sa kaniya.
"Sabrina sino ba Ezra yan at mukha inlove na inlove ka sa kaniya?" Pati si Mama na curious na makilala si Ezra.
"Priest po siya Ma. Pero nag resign siya dahil sakin" sabi ko.
"Ano Pari siya at umalis siya sa Pagiging Pari para sayo?" Nagulat siya sa Rebelasyon na sinabi ko sa kaniya.
"Opo totoo yun Mama. Its either if you like it or not kung Maniniwala ka sa sinasabi ko sayo" sabi ko sa kaniya.
"Wow dahil sa Pag-ibig handa talikuran ang Pagiging Priest. Ang haba ng hair mo Sabrina dahil nagkakagusto sayo ang Isang Priest. Alam mo hindi basta-basta yan ginawa niya para sayo. Aba mukha malakas ang tama sayo ng Ezra na yan Sabrina" sabi niya.
"Maganda kasi ang anak mo mama" sabi ko.
"Mana sakin haha" Natatawa sabi niya.
"Mama gusto pumunta dito ni Ezra okay lang po ba?" Tanong ko sa kaniya.
"Alam mo dati hindi ka nag po sakin pero ngayon may po na kaya natutuwa ako Sabrina. Sige papuntahin mo dito si Ezra ng Makilala ko naman anak" sabi niya.
"Talaga mama?" Namilog ang mata ko nakatingin sa kaniya.
"Oo anak" sabi niya.
Nasa Contact list ko ang number ni Ezra. Nag text ako sa kaniya na pwede siya pumunta dito sa Bahay. Sabik na ako masilayan ulit ang gwapo mukha niya.
Alas tres ng madaling araw natapos ang Video call namin ni Ezra. Ang sarap niya kausap at ang dami niya topic sakin. Kinikilig ako sa Boses niya.
Ito ang epekto ng Inlove.
"Ate pasado alas otso na oh, nasa Higaan ka parin" Niyugyog ni Kristoff ang balikat ko. Pangalawa ko siya kapatid. Babae kasi ang bunso namin.
"Ano ba Kristoff Antok pa ako" Sabi ko. Tinakpan ko ng unan ang mukha ko. Istorbo talaga ang bata to!
"Ah kaya pala napuyat ka dahil madaling araw kana nakatulog dahil ka Video call mo pala ang boyfriend mo" sabi niya.
"Hindi ko pa siya boyfriend nu! Manliligaw ko palang siya" sabi ko.
"A-Atleast papunta narin yun ate sa Magkarelasyon na kayo dalawa" sabi niya.
"Kung sabagay tama ka" Sabi ko sa kaniya.
YOU ARE READING
MBS #2 Priest Falling Inlove [R-18] Complete
RomantizmEzra Montecarlos is a Priest, Mahal na mahal niya ang maglingkod sa Diyos at Mangaral ng salita ng Diyos. Isang araw makilala niya ang babae si Sabrina Nunez, Masayahin, Palangiti. Hindi namamalayan ni Father Ezra na Mahuhulog na pala ang loob niya...