Sabrina
Alas kwatro ng madali araw ay gising na si lola. Naririnig ko na ang radyo niya. Mahilig siya makinig ng sariwang balita tuwing umaga at pagkatapos naman nakikinig siya ng mga drama sa MOR. Medyo malakas ang volume ng radio kaya naririnig ko kahit nandito ako sa loob ng kwarto. Ang maganda lang dito sa Probinsiya malamig ang simoy ng hangin at sariwang-sariwa pa. Lahat ng mabibili gulay at Isda. Hindi katulad sa Manila air polluted. Halos wala ako nasisinghot na sariwa Hangin doon kasi nakatira kami sa Isang Exclusive Subdivision at kaunti lang ang puno.
H-Hindi katulad dito sa Tarlac maraming puno, Malakas ang simoy ng hangin. Mamaya na ako babangon dahil medyo inaantok pa ako. Sabi ni lola sasama ako sa simbahan ngayon dahil araw ng linggo ngayon. Alas sais ng bumangon ako sa kama. Pumasok ako sa banyo para mag gurgle. Nag hilamos na rin ako. Si lola Dolores ang nag asikaso ng lulutuin sa kusina para sa almusal.
P-Pumasok ako sa banyo para maligo, May dress ako nadala dito sa Tarlac kaya yun nalang ang susuotin ko mag simba.
"A-Apo kumain na tayo!" Umalingawngaw agad ang boses ni lola Dolores. Natigilan ako bigla sa sinabi niya.
"Sige po lola" sagot ko. Pumunta ako agad sa kusina para kumain. Sinangag na kain, One side up egg at pinirito Hotdog ang almusal namin ni lola.
Ang sweet-sweet talaga ni lola dahil pinagtimpla niya ako ng gatas na bear brand. Nilapag niya yun sa harapan ko habang mainit-init pa.
"Kumain ka ng marami Apo para hindi ka gutumin dahil mamaya mamasyal tayo sa bukirin ng lolo mo" Saad niya.
Tumingin lang ako sa kaniya habang subo-subo ko ang Hotdog sa bibig ko.
"S-Sige po lola" Marami ang nakain ko pero nag hinay-hinay ako dahil diet ako ngayon dahil ayaw ko tumaba.
Naligo si lola kaya ako na ang mag presenta magligpit ng pinagkainan namin dalawa at naghugas ng plato. Pagkatapos mag-ayos ni lola ay pumunta kami agad sa simbahan para magsimba. Marami na tao sa loob ng simbahan. May bakante upuan sa harapan kaya doon ako umupo at sa likuran ko lang si lola. Malapit na magsisimula ang simba.
Nakita ko may lumabas na Father. Pinasadahan ko siya ng tingin at sa tantya ko sa edad niya ay magkasing edad lang kami dalawa. Nakangiti siya sa mga tao nakatingin sa kaniya. Binabati siya ng mga tao at kinakausap siya ng mga matatanda. Panay ang ngiti niya mas lalo tuloy umaangat ang ka gwapuhan niya.
Grabe ang gwapo naman ng father na ito kaya napako ang mata ko sa kaniya. Halos ayaw ko na alisin ang tingin ko sa kaniya. Habang tinititigan ko siya ng matagal ay lalo siya guma-gwapo sa Paningin ko.May maganda mga mata, Ang tangos ng ilong, ang ganda ng panga at ang perfect ng mukha. May matanda ako katabi sa upuan kaya nagtanong ako.
"Manang pwede po ba ako magtanong?" Sabi ko sa kaniya. Gumalaw ang panga niya sabay tumingin sa akin.
"Ano ang itatanong mo ineng?" Saad niya.
"S-Sino po ang father na yan Manang?" Tanong ko.
"Ah siya ba, si Father Ezra Montecarlos, siya ang pinakabata father dito sa Tarlac. Halos mag tatlo taon palang siya dito sa simbahan, bakit mo naitanong ineng? Hindi mo ba nakikita si Father dito sa simbahan? Palagi iyan siya dito" Saad niya.
"H-Honestly hindi po ako taga dito Manang, galing po ako sa Manila at nag bakasyon lang ako sa dito sa Tarlac kaya ngayon ko lang nakita si Father Ezra" sabi ko.
Hindi ko maiwasan tumingin sa kaniya at parang ayaw ko na alisin ang pagkatitig ko sa mukha niya. Ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko. Magsisimula na ang simba kaya tumayo na kami lahat na nasa loob ng simbahan. Hindi maalis ang tingin ko sa kaniya habang nakatayo siya sa harapan ng Altar. Ang dami gwapo sa Manila pero ibang-iba ang ka gwapuhan ni Father Ezra Montecarlos, Bigla bumilis ang tibok ng puso ko ng tumama ang paningin namin dalawa. Gosh ang ganda ng mata niya at kapag tumingin siya sa mga mata ko tila Nangungusap.
Kinikilig ako sa bawat tumitingin siya sakin. Minsan nakikita ko sumusulyap siya sakin kaso sandali lang, Nabibitin ako dahil hindi matagal ang pagkatitig niya sakin. Kahit ganun ay masaya ako, ang puso ko!
Siya na ang nagsasalita sa harapan, Grabe boses niya palang nakapa-Manly at malumanay. Boses palang gwapo-gwapo na. Kalma kalang Sabrina dito ka sa loob ng simbahan. Pagsamba ang pinunta ko dito at hindi maghanap ng Jowa. Kaloka!
Kinapa ko ang dibdib ko, ang lakas-lakas ng kabog, baka puppy love lang ito nararamdaman ko pero parang hindi e! Sa unang pagkikita namin dalawa ay alam ko na agad na hindi paghanga ito nadarama ko. Hindi puppy love ito nararamdaman ko kundi totoo may paghanga ako sa kaniya oh mas malalim pa dahilan. Hindi naman ako ganito sa iba pero pagdating sa kaniya mas nagkakaroon ako ng interesado na makilala ng lubusan si Father Ezra.
Gustong-gusto ko siya makilala ng lubusan. Itatago ko muna ang paghanga ko sa kaniya. I think crush ko na talaga siya kahit ngayon lang kami nagkita. Ngayon ko lang nakita ang mukha niya napaka-gwapo sa paningin.
Mananatili sa isipan ko ang napaka-amo niya mukha. Mananatili ang paghanga ko sa kaniya. Parang ayaw ko na umalis dito sa Tarlac dahil sa kaniya. Gustong-gusto ko siya makausap.
Sana may pagkakataon na makausap ko siya sa Personal na kami dalawa lang. Habang ini-imagine ko yun ay may exciting sa Puso ko. May tuwa!
Sana nga mangyare yun!
"John 14:6 For God so loved the world that he gave His only begotten son, That whosoever believeth in him should not perish but have everlasting life, Ang ganda po ng sinasabi sa Bible, Inibig tayo ng Diyos kahit tayo ay makasalanan. Hindi niya lang tayo inibig at pinatunayan ng Diyos dahil bumaba siya dito sa lupa para iligtas tayo mula sa kapahamakan sa apoy ng imperyino" Saad ni Father Ezra.
Hindi ako ang tao religious people pero ngayon nagkakaroon ako ng Interes makinig ng salita ng Diyos dahil kay Father Ezra. Ang galing-galing niya mag deliver ng salita ng Diyos. Nakatutok ang mata ko sa kaniya habang nagsasalita siya sa harapan.
May pagkakataon mamaya pagkatapos ng simba ay lalapitan ko siya. Gusto ko siya makilala at makilala niya rin ako sa Personal.
Ang gwapo talaga ni Father Ezra. Nag eenjoy ako ngayon habang nakatingin sa kaniya. Bawat anggulo ng mukha niya ay kinakabisado ko. Kahit sa kaliit-liitan para ma alala ko siya mamaya pag-uwi ko.
Pagkatapos ng mesa ay nilapitan ko si Father Ezra habang kausap ang isang Madre. May importante yata sila pinag-uusapan.
"Hi Father Ezra" kumaway ako sa kaniya. Umarko ang kilay niya.
"Maganda araw sayo Ma'am may Kailangan kaba?" My gosh boses palang halos gusto nang malaglag ang panty ko. Ang Pino niya mag salita.
"Naku father masyado naman Pormal kung tawagin mo ako Ma'am diba, ako nga pala si Sabrina Nunez. Nice to meet you father Ezra Montecarlos" Nakalahad ang kamay ko sa harapan niya. Pinasadahan niya ng tingin ng kamay ko.
"Nice to meet you Ma'am Sabrina, bago kaba dito sa Tarlac kasi ngayon ko lang nakita?"
"Opo Father bago lang po ako dito" kinamayan niya ako. Pinisil ko ang kamay niya. Ang soft-soft naman ng kamay ni Father, ang sarap haplusin. Lord patawad po kung may gusto ako sa Man of Believer mo. Wala naman po masama kung magkakagusto ako diba.
Natuwa ako ng kamayan niya ako. Siya ang kusang bumitaw.
"K-Kinagagalak kita makilala Binibini, Sana linggo-linggo kita makita Pumupunta dito sa simbahan. Palagi ako Nag preach ng salita ng Diyos. Ako ang palagi nag mesa, Aasahan ko ba iyan Binibini?" Nakangiti tanong niya.
Jusko Lord ngiti niya palang nakaka-inlove na.
"Opo Father Linggo-linggo ako mag simba at makikinig ako ng Preach mo" sabi ko.
"Sa ngayon hindi ka Nangako sakin kundi sa Diyos. Kaya aasahan ko talaga yan Sabrina. See you next time" Saad niya.
"Sayang Pari ka hindi pwede Jowain" Mahina sabi ko.
Bigla kumunot ang noo niya sinabayan pa ng Umigting ang panga niya.
"May sinasabi ka Binibini?"
"Ah wala po Father, ang sabi ko gwapo ka po" sabi ko. Napakamot ako sa ulo ko! Ang kati-kati kasi.
Bigla nag seryoso ang mukha niya at tila parang hindi siya natutuwa sa sinasabi ko.
YOU ARE READING
MBS #2 Priest Falling Inlove [R-18] Complete
RomanceEzra Montecarlos is a Priest, Mahal na mahal niya ang maglingkod sa Diyos at Mangaral ng salita ng Diyos. Isang araw makilala niya ang babae si Sabrina Nunez, Masayahin, Palangiti. Hindi namamalayan ni Father Ezra na Mahuhulog na pala ang loob niya...